Europa (buwan)
Ang Europa /jʊˈroʊpə/, o Jupiter II, ay ang pinakamaliit sa apat na buwang Galilean na umiinog sa planetang Hupiter. Ito rin ang ikaanim sa pinakamalaking buwan sa Sistemang Solar. Magkahiwalay at independiyenteng natuklas ito nina Simon Marius at Galileo Galilei[1] at ipinangalan ni Marius kay Europa, isang tauhan mula sa mitong Griyego.
Pagkatuklas | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Natuklasan ni | Galileo Galilei Simon Marius | ||||||||
Natuklasan noong | 8 Enero 1610[1] | ||||||||
Designasyon | |||||||||
Bigkas | /jʊˈroʊpə/[2] | ||||||||
Ipinangalan kay | Ευρώπη Eurōpē | ||||||||
Pang-uri | Europano /jʊˈroʊpən/[3][4] | ||||||||
Orbital characteristics[7] | |||||||||
Epoch 8 Enero 2004 | |||||||||
Periapsis | 664862 km[a] | ||||||||
Apoapsis | 676938 km[b] | ||||||||
Mean orbit radius | 670900 km[5] | ||||||||
Eccentricity | 0.009[5] | ||||||||
Orbital period | 3.551181 d[5] | ||||||||
Average orbital speed | 13743.36 m/s[6] | ||||||||
Inclination | 0.470° (relatibo sa ekwador ng Hupiter) 1.791° (relatibo sa patag ng ekliptik)[5] | ||||||||
Pisikal na katangian | |||||||||
Mean radius | 1560.8±0.5 km (0.245 na mga Daigdig)[8] | ||||||||
Pang-ibabaw na sukat | 3.09×107 km2 (0.061 na mga Daigdig)[c] | ||||||||
Volume | 1.593×1010 km3 (0.015 na mga Daigdig)[d] | ||||||||
Mass | (4.799844±0.000013)×1022 kg (0.008 na mga Daigdig)[8] | ||||||||
Mean density | 3.013±0.005 g/cm3 (0.546 na mga Daigdig)[8] | ||||||||
Surface gravity | 1.314 m/s2 (0.134 g)[e] | ||||||||
Moment of inertia factor | 0.346±0.005[9] (estimate) | ||||||||
Escape velocity | 2.025 km/s[f] | ||||||||
Axial tilt | 0.1°[10] | ||||||||
Albedo | 0.67 ± 0.03[8] | ||||||||
| |||||||||
Apparent magnitude | 5.29 (oposisyon)[8] | ||||||||
Surface pressure | 0.1 µPa (10−12 bar)[11] | ||||||||
Pangunahing binubuo ang Europa ng batong silica at yelo[12] at maaaring yari sa bakal at nikel ang kaibuturan nito. Mayroon lamang itong manipis na atmospera na pangunahing binubuo ng oksihino. Ang puti-mapusyaw na kayumangging kulay nito ay may mga gasgas, biyak, at serye ng malapulbos na mga linya subalit napakakaunti ng mga naiwang butas na ibinunga ng mga sumalpok na bulalakaw. Bukod pa sa mga obserbasyong sinasagawa ng mga teleskopyo sa daigdig, nasiyasat na ang Europa ng ilang mga sasakyang pangkalawakan mula pa noong dekada sitenta.
Ang Europa ay ang may pinakamakinis na anyo sa anumang solidong selestyal na bagay sa sistemang solar. Ang makinis at batang kutis nito ay nagbibigay kredensiya sa ipotesis na maaaring may dagat na nakakubli sa ilalim ng buwang ito na maaaring maglaman ng extraterrestrial na buhay[13]. Ang init na nagpapanatiling likido sa karagatang ito ay maaaring mula sa penomenong tidal flexing o dahan-dahang pagkakayupi ng buwan bunga ng mga pwersang balani na dinaranas nito mula sa hila ng Hupiter at kanugnog nitong mga buwan[14][15]. Tinutulak din ng naturang mga pwersa ang paggalaw ng biyak-biyak na niyebe sa ibabaw ng Europa katulad ng nangyayari sa penomenong tektonika ng plaka sa daigdig, kung kaya nagkakaroon ng paggalaw ng mga kimikal mula sa ibabaw nito patungo sa karagatan sa ilalim nito at vice versa.[14][15]
Pagkakatuklas at pagpapangalan
baguhinNadiskubre ni Galileo Galilei ang Europa noong 8 Enero 1610, kasabay ng tatlong iba pang mga malalaking buwan ng Hupiter (Io, Ganymede, at Callisto)[16] bagaman maaaring hiwalay at independyente ring natuklasan ito ng astronomong si Simon Marius.
Katukayo ng buwan si Europa, ang anak ng hari ng Tiro sa mitolohiyang Griyego. Tulad ng iba pang mga buwang Galilean, ipinangalan ang buwan na ito sa mga naging kasiping ni Zeus, ang pinunong diyos sa mitong Griyego. Ipinanukala ni Simon Marius ang naturang pangalan bagaman anya, si Johannes Kepler ang unang nagmungkahi nito[17][18]
Inog at pag-ikot
baguhinUmiikot ang Europa sa Hupiter sa loob ng tatlo at kalahating araw sa layong 670,900 kilometro. Ang orbital eccentricity nito ay 0.009 lamang kung kaya ang hugis ng dinaraanang ikot nito ay halos pabilog, samantalang maliit lang ang anggulo ng orbital inclination ng patag na binubuo ng ikot nito kumpara sa patag-equatorial ng Hupiter na 0.470°[19]
Tulad ng mga kapwa nito buwang Galilean, ang isang bahagi ng Europa ay palaging nakaharap sa parehong lugar sa Hupiter kapag ito ay umiinog (ang penomenong ito ay tinatawag na tidal locking.
Mga katangiang pisikal
baguhinAng Europa ay bahagyang mas maliit kaysa sa Buwan. Sa mahigit lang na 3,100 kilometrong diameter, ito ang ikaanim na pinakamalaking buwan at ikalabinlimang pinakamalaking bagay sa Sistemang Solar. Batay sa kabuuang densidad nito, maaaring binubuo ang buwan pangunahin ng silicate na mga bato. [20]
Panloob na istraktura
baguhinTinataya na ang balat ng Europa ay binubuo ng 100 km na kapal na yelong tubig na nakaibabaw sa salansan ng likidong karagatan. Batay sa datos ng Galileo, may induced magnetic field ang buwan mula sa interaksyon nito sa magnetic field ng Hupiter na indirektang patunay ng presenya ng isang nakakubling karagatang nakapagdadala ng dagitab[21], kung kaya maaari ring tubig-alat ang karagatang ito. Ang Europa ay malamang na naglalaman ng isang bakal na kaibuturan. [22] [23]
Paggalugad
baguhinAng paggalugad sa Europa ay nagsimula nang dumaan sa Hupiter ang mga sasakyang pangkalawakan na Pioneer 10 at Pioneer 11 noong 1973 at 1974. Sa pagdaan ng Voyager 1 at Voyager 2 sa naturang planeta noong 1979, nakasipat ng mas detalyadong larawan ng buwang ito. Noon namang 1995 hanggang 2003, nadaanan ng sasakyang pangkalawakan na Galileo ang buwan na ito sa panahong umikot ito sa planetang Hupiter; ang mga pinakamalinaw na larawan ng Europa sa petsa ng pagkakasulat ng artikulong ito ay mula sa naturang behikulo. Noon namang 2007, nasipatan ng New Horizons ang Europa nang dumaan ito sa Hupiter sa paglalakbay nito patungo sa Pluto.[24] Noong 2022, linapitan ng sasakyang pangkalawakan na Juno ang buwang ito sa layong 352 km.[25] [26]
Mga misyong paggalugad sa hinaharap
baguhinAng mga hinuha tungkol sa maaaring pag-iral ng extraterrestrial na buhay sa buwang ito ay nagtulak sa mga siyentista na isulong ang pagpondo ng misyong pupunta sa buwang ito nang masuri nang mas malapitan at matagalan.[27] [28] Malaki ang hamong hinaharap ng anumang misyong pupunta sa Europa sapagkat mataas ang antas ng radiyasyon sa ibabaw ng buwang ito bunga ng pwesto nito malapit sa Hupiter.[28] Sa kasalukuyan, nakatakdang ipadala ang sasakyang pangkalawakan na Europa Clipper sa buwang ito sa taong 2024.
Kakayanan nitong maging kanlungan ng buhay
baguhinSa ngayon, walang katibayan na may buhay sa Europa, ngunit mataas ang potensyal nito bilang tirahan. [29] [30] Ang buhay ay maaaring umiral sa ilalim ng yelong karagatan nito, marahil sa isang kapaligirang katulad sa mga hydrothermal vent sa ilalim ng karagatan sa daigdig.[31] [32]
Noong 2015, inanunsyo ng ilang siyentista na may asin sa ibabaw ng Europa na maaaring nanggaling sa nakakubling karagatan nito sa ilalim.[33] [34] Maaaring indikasyon ito ng presensya ng likidong tubig na nakikipagreaksyon sa mabatong mantel ng Europa at pinapanukalang magpadala rin ng robot doon upang siyasatin ang karagatang ito.
Mga tala
baguhin- ↑ Ang Periapsis ay hinalaw mula sa semimajor axis (a) at eccentricity (e): a(1 − e).
- ↑ Ang Apoapsis ay hinalaw mula semimajor axis (a) and eccentricity (e): a(1 + e).
- ↑ Ang Surface area ay hinalaw mula sa radius (r): 4πr 2.
- ↑ Ang volume ay hinalaw mula sa radius (r): 4/3πr 3.
- ↑ Ang Surface gravity ay hinalaw mula sa masa (m), ang gravitational constant (G) at radius (r): Gm/r2.
- ↑ Ang escape velocity ay hinalaw mula sa masa (m), gravitational constant (G) at radius (r): .
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Blue, Jennifer (9 Nobyembre 2009). "Planet and Satellite Names and Discoverers". USGS. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Agosto 2009. Nakuha noong 14 Enero 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Europa". Lexico UK English Dictionary. Oxford University Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Marso 2020.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Padron:MW - ↑ G.G. Schaber (1982) "Geology of Europa", in David Morrison, ed., Satellites of Jupiter, vol. 3, International Astronomical Union, p 556 ff.
- ↑ Greenberg (2005) Europa: the ocean moon
- ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 "Overview of Europa Facts". NASA. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Marso 2014. Nakuha noong 27 Disyembre 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "By the Numbers | Europa". NASA Solar System Exploration. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Mayo 2021. Nakuha noong 6 Mayo 2021.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "JPL HORIZONS solar system data and ephemeris computation service". Solar System Dynamics. NASA, Jet Propulsion Laboratory. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Oktubre 2012. Nakuha noong 10 Agosto 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 Yeomans, Donald K. (13 Hulyo 2006). "Planetary Satellite Physical Parameters". JPL Solar System Dynamics. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Agosto 2009. Nakuha noong 5 Nobyembre 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Showman, A. P.; Malhotra, R. (1 Oktubre 1999). "The Galilean Satellites". Science. 286 (5437): 77–84. doi:10.1126/science.286.5437.77. PMID 10506564. S2CID 9492520.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bills, Bruce G. (2005). "Free and forced obliquities of the Galilean satellites of Jupiter". Icarus. 175 (1): 233–247. Bibcode:2005Icar..175..233B. doi:10.1016/j.icarus.2004.10.028. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Hulyo 2020. Nakuha noong 29 Hunyo 2019.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McGrath (2009). "Atmosphere of Europa". Sa Pappalardo, Robert T.; McKinnon, William B.; Khurana, Krishan K. (mga pat.). Europa. University of Arizona Press. ISBN 978-0-8165-2844-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chang, Kenneth (12 Marso 2015). "Suddenly, It Seems, Water Is Everywhere in Solar System". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Mayo 2020. Nakuha noong 13 Marso 2015.
{{cite news}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tritt, Charles S. (2002). "Possibility of Life on Europa". Milwaukee School of Engineering. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Hunyo 2007. Nakuha noong 10 Agosto 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 14.0 14.1 "Tidal Heating". geology.asu.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Marso 2006.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 15.0 15.1 Dyches, Preston; Brown, Dwayne; Buckley, Michael (8 Setyembre 2014). "Scientists Find Evidence of 'Diving' Tectonic Plates on Europa". NASA. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Abril 2019. Nakuha noong 8 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Reyes, Marvin (2018-09-30). "Konsepto ng Covering at Ilang mga Awitin noong 2008-2009". Scientia - The International Journal on the Liberal Arts. 7 (2). doi:10.57106/scientia.v7i2.95. ISSN 2546-194X.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Screenshot of Itunes Library - Archived Platform Itunes 2010". dx.doi.org. Nakuha noong 2023-07-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Raymond, M. (1982-01-01). "Solar-energy-system performance evaluation: Honeywell Salt River Project, Phoenix, Arizona, September, October, December 1981 -January, February, July, August 1982".
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Europa, a Continuing Story of Discovery". Project Galileo. NASA, Jet Propulsion Laboratory. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Enero 1997. Nakuha noong 9 Agosto 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kargel, Jeffrey S.; Kaye, Jonathan Z.; Head, James W.; Marion, Giles M.; Sassen, Roger; Crowley, James K.; Ballesteros, Olga Prieto; Grant, Steven A.; Hogenboom, David L. (Nobyembre 2000). "Europa's Crust and Ocean: Origin, Composition, and the Prospects for Life". Icarus. 148 (1): 226–265. Bibcode:2000Icar..148..226K. doi:10.1006/icar.2000.6471. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Hulyo 2020. Nakuha noong 10 Enero 2020.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Phillips, Cynthia B.; Pappalardo, Robert T. (20 Mayo 2014). "Europa Clipper Mission Concept". Eos, Transactions American Geophysical Union. 95 (20): 165–167. Bibcode:2014EOSTr..95..165P. doi:10.1002/2014EO200002.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kivelson, Margaret G.; Khurana, Krishan K.; Russell, Christopher T.; Volwerk, Martin; Walker, Raymond J.; Zimmer, Christophe (2000). "Galileo Magnetometer Measurements: A Stronger Case for a Subsurface Ocean at Europa". Science. 289 (5483): 1340–1343. Bibcode:2000Sci...289.1340K. doi:10.1126/science.289.5483.1340. PMID 10958778.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bhatia, G.K.; Sahijpal, S. (2017). "Thermal evolution of trans-Neptunian objects, icy satellites, and minor icy planets in the early solar system". Meteoritics & Planetary Science. 52 (12): 2470–2490. Bibcode:2017M&PS...52.2470B. doi:10.1111/maps.12952.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PIA09246: Europa". NASA photojournal. 2 Abril 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Marso 2016. Nakuha noong 9 Marso 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chang, Kenneth (30 Setyembre 2022). "New Europa Pictures Beamed Home by NASA's Juno Spacecraft - The space probe has been studying Jupiter since 2016 and just flew within about 200 miles of the surface of the ice-covered ocean moon". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Setyembre 2022. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "NASA's Juno Shares First Image From Flyby of Jupiter's Moon Europa". NASA. 29 Setyembre 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Oktubre 2022. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ David, Leonard (7 Pebrero 2006). "Europa Mission: Lost In NASA Budget". Space.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2010. Nakuha noong 25 Pebrero 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 28.0 28.1 Friedman, Louis (14 Disyembre 2005). "Projects: Europa Mission Campaign; Campaign Update: 2007 Budget Proposal". The Planetary Society. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Agosto 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hand, Kevin P.; Carlson, Robert W.; Chyba, Christopher F. (Disyembre 2007). "Energy, Chemical Disequilibrium, and Geological Constraints on Europa". Astrobiology. 7 (6): 1006–1022. Bibcode:2007AsBio...7.1006H. CiteSeerX 10.1.1.606.9956. doi:10.1089/ast.2007.0156. PMID 18163875.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Schulze‐Makuch, Dirk; Irwin, Louis N. (2001). "Alternative energy sources could support life on Europa". Eos, Transactions American Geophysical Union. 82 (13): 150. Bibcode:2001EOSTr..82..150S. doi:10.1029/EO082i013p00150.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chandler, David L. (20 Oktubre 2002). "Thin ice opens lead for life on Europa". New Scientist. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Mayo 2008. Nakuha noong 27 Agosto 2017.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jones, Nicola (11 Disyembre 2001). "Bacterial explanation for Europa's rosy glow". New Scientist. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Pebrero 2015. Nakuha noong 26 Setyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dyches, Preston; Brown, Dwayne (12 Mayo 2015). "NASA Research Reveals Europa's Mystery Dark Material Could Be Sea Salt". NASA. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Mayo 2015. Nakuha noong 12 Mayo 2015.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wall, Mike (9 Hunyo 2015). "NASA Aiming for Multiple Missions to Jupiter Moon Europa". Space.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Hunyo 2015. Nakuha noong 10 Hunyo 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)