Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Chinese Taipei"

walang buod ng pagbabago
[[File:Flag of Chinese Taipei for Olympic games.svg|thumb|Watawat ng Chinese Taipei sa [[Olympics]] at iba pang pandaigdigang palaro.]]
Ang '''Chinese Taipei''' (<small>transliterasyon:</small> '''Tsinong Taipei''') ay ang pangalang napagkasunduan sa NagoyaResolusyong ResolutionNagoya kung saan kinikilala ng [[Taiwan|Republika ng Tsina]] (ROC) at ng [[Republikang Bayan ng Tsina]] (PRC) ang bawat isa sa mga gawaing may kinalaman sa [[International Olympic Committee]]. Ito rin ang naging batayan ng ROC upang lumahok sa iba pang gawain ng mga pandaigdigang organisasyon, gaya ng [[Olympic Games|Olympics]], [[Miss Universe]], [[Paralympic Games|Paralympics]], [[Asian Games]], [[Asian Para Games]], [[Universiade]], [[World Baseball Classic]], [[Little League World Series]], at [[FIFA World Cup]].
 
Para sa PRC ang "Chinese Taipei" ay walang malinaw na pagtukoy sa katayuang politikal ng Republika ng Tsina o kung ito ba'y may kasarinlan. Sa kabilang banda, sa pananaw ng ROC, ito'y may higit na malawak na kahulugan kaysa "Taiwan" (dahil ito'y isang bahagi lang ng kabuuang Tsina, na kanila ring inaangkin gaya ng PRC bilang lehitimong pamahalaan nito; at para sa PRC ang paggamit ng "Taiwan" bilang pambansang ngalan ay katumbas ng paghiwalay ng bahaging ito ng kabuuang Tsina mula sa PRC) at ang "Taiwan China" ay nagmumungkahi na ito'y nasa ilalim ng PRC.<ref name="Lin">{{cite news |title=How ‘Chinese Taipei’ came about |first =Catherine K. |last= Lin |url=http://www.taipeitimes.com/News/editorials/archives/2008/08/05/2003419446 |newspaper=Taipei Times |date=Agosto 5, 2008| accessdate=Setyembre 28, 2015| language = Ingles}}</ref>
1,135

edit