Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pilipinas"

m
inayos
m (inayos)
== Arimuhunan ==
{{main|Ekonomiya ng Pilipinas}}
Ang Pilipinas ay isang [[umuunlad na bansa]] sa Timog-Silangang Asya. Ang lebel ng sahod sa Pilipinas ay [[:en:List of countries by GNI (nominal, Atlas method) per capita|mababang gitnang sahod]] (''lower middle income'')<ref>[[:en:List of countries by GNI (nominal, Atlas method) per capita|List_of_countries_by_GNI_%28nominal,_Atlas_method%29_per_capita]] {{languageicon|en|English Wikipedia}}</ref>. Ang [[GDP]] kada tao ayon sa [[Purchasing power parity]] (PPP) sa Pilipinas noong 2013 ay $3,383 na ika-130 sa buong mundo at mas mababa sa ibang mga bansa sa [[Timog Silangang Asya]] gaya ng Brunei, Singapore, Malaysia, Thailand at Indonesia <ref>[[:en:List of Asian countries by GDP per capita|List_of_Asian_countries_by_GDP_per_capita]] {{languageicon|en|English Wikipedia}}</ref>. Ang ''GDP kada tao ayon sa PPP'' ay naghahambing ng mga pangkalahatang pagkakaiba sa [[pamantayan ng pamumuhay]] sa kabuuan sa pagitan ng mga bansa dahil isinasaalang alang nito ang relatibong gastos ng pamumuhay at mga rate ng implasyon ng mga bansa. Ang Pilipinas ay ika-138 sa buong mundo sa [[indeks ng pagiging madaling magnegosyo]] o mahirap magnegosyo sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay ika-105 sa [[Corruption Perceptions Index]] sa mga 176 bansa sa buong mundo o may napakataas na antas ng korupsiyon.<ref>http://www.transparency.org/cpi2012/results</ref>
 
Ang kahirapan at hindi pantay na sahod sa pagitan ng mayaman at mahirap ay nananatiling mataas sa Pilipinas.<ref name=adb>http://www.adb.org/sites/default/files/pub/2009/Poverty-Philippines-Causes-Constraints-Opportunities.pdf</ref> Ang mga kamakailang paglago sa ekonomiya ng Pilipinas ay nangyayari lamang sa mga [[sektor ng serbisyo]] gaya ng industriyang pagluluwas ng semikondaktor, telekomumikasyon, BPO, real estate na sinusuportahan ng mga remitans o ipinadalang salapi ng mga OFW sa kanilang pamilya sa Pilipinas na may maliliit na negosyo. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit mayroong hindi sapat na kalidad na trabaho at ang kahirapan at pagiging hindi pantay ng sahod ay hindi napabuti.<ref name=adb/> Ang sektor na lilikha ng mas maraming trabaho gaya ng agrikultura, pagmamanupaktura at industriya ay matamlay.<ref name=adb/>
13,349

edits