Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Silangang Indiyas ng Espanya"

walang buod ng pagbabago
(Pagtatama ng baybay)
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile Advanced mobile edit
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile Advanced mobile edit
Ang '''Silangang Indias ng Espanya''' ([[wikang Kastila|Kastila]]: ''Indias orientales españolas''), ay ang mga teritoryong pinamunuan ng [[Imperyong Kastila]] sa [[Asya]]-Pasipiko mula 1565 hanggang 1901. Sa magkakaibang panahon, naging bahagi nito ang [[Pilipinas]], [[Kapuluang Mariana]], Kapuluang Carolina, [[Palau]], at [[Guam]], pati na ang ilang mga bahagi ng [[Taiwan|Formosa]] (Taiwan), [[Sulawesi]], at [[Kapuluang Maluku]]. Kaugnay nito, isa sa mga naging tradisyonal na bansag sa [[Monarkiya ng Espanya|Hari ng Espanya]] ang "Hari ng Silangan at Kanlurang Indiyas."
 
Pinangasiwaan ang mga teritoryong ito bilang bahagi ng [[KapitanyaKapitaniya Heneral ng Pilipinas]] at ng ''Real Audiencia'' ng Maynila. Nagsilbi ang Cebu bilang unang kabisera nito, hanggang sa inilipat ito sa Maynila. Mula 1565 hanggang 1821, ang [[Bireynato ng Bagong Espanya]] sa [[Lungsod ng Mehiko]] ang namahala sa Silangan at Kanlurang Indiyas. Subalit, nang makamit ng Mehiko ang kalayaan mula sa Espanya, direkta itong pinamunuan ng [[Madrid]].
 
Bunga ng Digmaang Espanyol-Amerikano noong 1898, sinakop ang Pilipinas at Guam ng Estados Unidos, samantalang ibinenta sa Alemanya ang malapit sa 6,000 natitirang mga pulo bunga ng Kasunduang Aleman-Espanyol ng 1899. Nang ratipikahin ang Kasunduan ng Washington noong 1901, ibinigay sa Amerika ang iilang natitirang isla sa teritoryo.