Aritmetika: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
GinawaSaHapon (usapan | ambag)
m Mga sanggunian para sa lead.
GinawaSaHapon (usapan | ambag)
m Simula sa kasaysayan.
Linya 1:
Ang '''aritmetika''', kilala rin sa tawag na '''bilnuran''' at '''palatuusan''', ay isang sangay ng [[matematika]] na nag-aaral sa mga [[bilang]], lalo na sa mga [[Operasyon (matematika)|tradisyonal na operasyon]] sa kanila— [[pagdaragdag]], [[pagbabawas]], [[Pagpaparami (matematika)|pagpaparami]], [[paghahati]], [[Pagpapalakas (matematika)|pagpapalakas]], at [[Ugat (matematika)|pag-uugat]].<ref name=":1">{{Cite web|title=Arithmetic|url=https://www.britannica.com/science/arithmetic|access-date=Disyembre 2, 2020|website=Encyclopedia Britannica|language=en|trans-title=Aritmetika}}</ref> Itinuturing na mababang bahagi ng [[teorya ng bilang]] ang aritmetika, kung saan kinilala ang nasabing teorya bilang isa sa mga pinakamatataas na bahagi ng modernong matematika, kasama ng [[alhebra]], [[heometriya]], at [[Pagsusuring matematikal|pagsusuri]].<ref>{{Cite book|first=Harold|last=Davenport|title=The Higher Arithmetic: An Introduction to the Theory of Numbers|edition=7|publisher=Cambridge University Press|location=[[Cambridge]], [[Reyno Unido]]|year=1999|isbn=0-521-63446-6|trans-title=Ang Mataas na Aritmetika: Panimula sa Teorya ng Bilang}}</ref>
 
Ang salitang ''aritmetika'' ay galing sa [[Espanyol]] na ''aritmética'',<ref>{{Cite web|website=Diksiyonaryo.ph|title=aritmetika|language=fil|access-date=Disyembre 2, 2020|url=http://diksiyonaryo.ph/search/aritmetika}}</ref> na nanggaling naman sa [[Wikang Latin|Latin]] na ''arithmetĭcus'', na mula naman sa [[Wikang Griyego|Griyegong]] ''ἀριθμητικός'', na nangunguhulugang naman na "bilang."<ref>{{Cite web|website=Real Academia Española|title=aritmético, aritmética|language=es|access-date=Disyembre 2, 2020|url=https://dle.rae.es/aritm%C3%A9tico}}</ref>
 
== Kasaysayan ==
Limitado lang ang nalalaman patungkol sa aritmetika ng sinaunang kasaysayan. May mga nakitang artipakto na nagpapakita sa pagdaragdag at pagbabawas, dalawa sa mga itinuturing na pinakamadadaling operasyong matematikal. Ang pinakakilala sa mga ito, ang buto ng Ishango sa gitnang Aprika, ay tinatayang ginawa noong bandang 20,000 hanggang 18,000 {{Abbr|BK|Bago Karaniwan}}. Bagamat itinuturing na isang kagamitang matematikal, pinagdududahan ng ilang siyentipiko kung ginamit nga ito para gawin ang mga operasyong ito.
 
Ang pinakamaagang nakasulat na tala ay galing sa mga taga-Babylonia at Ehipto, kung saan ginamit na nila ang lahat ng mga operasyon sa mababang aritmetika bandang 2000 {{Abbr|BK|Bago Karaniwan}}. Hindi ipinapakita madalas ng mga ito ang prosesong ginamit nila, ngunit matindi ang impluwensiya ng mga katangian ng sistema ng pagbilang na ginamit nila sa pagiging makomplikado ng mga kaparaanan. Galing sa mga marka ng pagtatala ang mga karakter na ginamit para sa mga bilang-Ehipto, tulad ng sumunod na mga bilang-Romano. Sa parehong sistema, gumagamit ang mga ito ng sampu bilang báse (desimal o sampuan), pero wala itong notasyon para sa posisyon ng mga bilang. Ginagamitan ng mga tablang pambilang (''counting board''), o di kaya ng Romanong abakus, ang mga komplikadong kalkulasyong gumagamit ng mga bilang-Romano para makuha ang sagot nito.
 
== Palatuusan sa Akademiya ==