Musika ng Pilipinas: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Tatak: Reverted
m Ibinalik ang mga pagbabago ni 112.206.0.108 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni GinawaSaHapon
Tatak: Rollback
Linya 20:
 
Ayon kay Borromeo, ang mga katutubong awitin ng Pilipinas na mala-[[Kanluraning mundo|Kanluran]] ay mayroong mga katangian:
* [[melanmelodiya]]ng omadaling tatluhanawitin,
* silabiko at may taludtod,
* payak na anyo,
* nasa tunugang mayor o menor,
* may palakumpasang dalawahan o tatluhan,
* at payak na [[saliw]].
 
Line 60 ⟶ 64:
====Tunugang mayor o menor====
 
Tulad ng nabanggit sa itaas, ang katutubong awit ng Musika ay gumagamit ng ''[[diatonic scale]]'' sa halip na ''[[pentatonic scale]]'', tulad ng nakagawiang sa mga katutubong awit mula sa Silangan. Ibig sabihin nitong ang mga [[awit]] ay maaaring nasa [[tunugang mayor]] o [[tunugang menor]]. Sa ilang mga pagkakataon, ang mga dating Kundiman at iba pang mga dating Awit-Sining na nakilala na bilang mga katutubong awit ay nagsisimula sa tunugang menor at magiging mayor sa ikalawang hati.
Tulad ng nabng Mayor ay masaya, mapayapa at maliksi, samantalang malulungkot, mapagdalamhati, at nananabik ang mga nasa tunugang menor.
 
TuladBunga nito, may mga ilang nagtuturing na ang lahat ng nabngmga nasa tunugang Mayor ay masaya, mapayapa at maliksi, samantalang malulungkot, mapagdalamhati, at nananabik ang mga nasa tunugang menor.
 
====Palakumpasang dalawahan at tatluhan====
Line 84 ⟶ 90:
Hindi tulad ng dalawang naunang uri ng awitin, ang mga pumapaloob sa ganitong anyo ay may mas malapit na pagkakatulad sa ibang mga katutubong musika mula sa Silangan. Pang-una na sa mga katangian nito ang paggamit ng Esklang Pentatonikong Intsik (''Chinese Pentatonic Scale''). Ginagamitan rin ito ng paulit-ulit na kumpas at mahabang rehistro.
 
Bagamat mahirap itong bigyan ng isang palakumpasan, madali namang makita na hindi ito kasing laya ng 'Huluna'. Mayroon ring mga pagkakataon na ang tunay na diin sa isang salita ay naiiba upang tumugma sa pangangailangan ng melodiya. Maririnig ang mga ito lalo na sa mga Katutubong Awit mula sa Hilaga, halimbawa na nito ang 'Salidumay' ng mga [[Kalinga]]. Iisa rin lamang ang pantig sa bawat isang nota at hindi rin nagtutugma ang mga dulong panting kundi mayroon lamang ''assonace''.
 
At kahit na pa sinasabing malapad ang rehistro ng mga ito, maituturing pa ring madaling awitin ang mga napapaloob sa ganitong pag-uuri.
Line 107 ⟶ 114:
Matapos ang mga musikang pantinig, ang mga musikang pansaliw sa [[sayaw]] ang pinakamahalagang uri ng katutubong Musika sa Pilipinas. Tulad ng nabanggit na, ang pagkakaroon ng titik ay nangangahulugang maipapasa ito sa mga susunod na salinlahi kaya naman kay mga titik rin ang ganitong uri ng musika. Ayon kay Francisca Reyes-Aquino, nakilala dahil sa kaniyang koleksiyon ng mga [[katutubong sayaw]], habang sumasayaw ang ilan ay sinasabayan naman ng mga nanonood ang ito ito sa pamamagitan ng pag-awit. Ito ay katulad ng ginagawa ng isang ''cheerer'' samantalang nanonood ng laro. Mamamalas ito sa pamamagitan ng mga salitang tulad ng 'Ay!', 'Aruy-Aruy!', 'Uy!' at 'Hmp!' sa mga ilang bahagi.
 
Ang mga musikang napapasailalim rito ay maaaring uriin bilang iyong mula sa mga pangkat Kristiyano, pangkat Muslim, at ibang mga pangkat etniko.
An
 
====Musikang pansaliw mula sa mga pangkat Kristiyano====
 
Dahil sa nakilala ng mga Pilipino ang [[Kristiyanismo]] sa pamamagitan ng mga mananakop mula sa Kanluran, ang mga musikang pansaliw mula sa pangkat na ito ay halos katulad rin ng mga musikang pansaliw na matatagpuan sa Kanlurang Hati ng Globo. Ang mga Musikang Pansaliw tulad ng [[Habanera]], [[Jota]], [[Pandango]], [[Polka]], [[Curacha]], ay mayroon ring mga katangian katulad ng kanilang mga kapangalan sa Europa at America.
Mayroon rin namang mga katutubong anyo katulad ng [[Balitao]], [[Tinikling]] and [[Cariñosa]]. At ayon sa pag-aaral ng Pambansang Alagad ng Sining na si Dr. [[Antonio Molina]], ang Balitao, kilala sa mga rehiyon ng [[Timog Katagalugan|Katagalugan]] at [[Visayas|Kabisayan]] ay gumagamit ng palakumpasang 3/4 kung saan makikita ang kumpas na ''crotchet-quaver-quaver-crotchet''. Mayroon rin namang gumagamit ng ''crotchet-minim'', samantalang mayroon pang ibang ginagamitan naman ng tinuldikang ''quaver-semi-quaver-chrotchet-quaver-quaver''.
 
Ang ganitong uri ng musika ay karaniwang ginagamit pampalipas ng oras, at tulad ng mga katutubong awit mula sa Kanluran ay ginagamit sa mga pagtitipon.
 
====Musikang Pansaliw mula sa mga Pangkat Muslim====
 
Dahil ang [[Islam]] ay pumasok sa bansa sa pamamagitan ng mga karatig bansa sa [[Asya]], ang koleksiyong ito ay may pagkakahalintulad sa mga katutubong musikang pansaliw ng mga bansa sa rehiyong [[ASEAN]]. Mayroon itong mga katulad na katangian sa [[Gamelan]] ng [[Indonesia]] at maging sa musika ng malayong sub-[[kontinente]]ng Indiyan.
 
Kalimitan ay may mga kuwento sa likod ng mga sayaw na ito, halimbawa na lamang ang Singkil, na itinuturing na pinakakilalang nagmumula sa kategoryang ito. Sa pagsasayaw ng [[Singkil]], ipinaaalala kung paanong nasagip ni Prinsipe Bantugan si Prisesa Gandinangan mula sa mga nag-uumpugang bato. Iyon nga lamang ay pinalitan ang mga bato ng kawayan para sa sayaw na ito.
Line 118 ⟶ 138:
Mayroon ring mga musika pa ginawa upang gamitin sa mga sayaw pang-ritwal, kaya may mga musikang para sa sayaw sa [[kasal]], [[pagsamba]], at maging sa paghahanda para sa [[digmaan]].
 
===Kasikatan===
===Kasi
 
Hindi tulad ng mga bansang [[Irlanda (bansa)|Irlanda]], [[Hungary|Hungaria]] at ng [[Czech Republic]], hinda kailan man naging pambansa ang pagkakakilanlan sa mga katutubong musika mula sa Pilipinas. Ito marahil ay bunga ng ang bawat isang rehiyon ay may kanikaniyang sariling wika.
 
At bagamat mayroon na ring mga nagtangkang magsagawa ng pagkalap mula sa iba’t ibang mga pangkat-wika, wala naman ni isa ang nagtagumpay na maituro ito sa antas primarya ng paaralan. Maliban sa mga [[awiting pambata]], hindi nabibigyan ng pansin ang mga katutubong musika sa mga silid-aralan. Dahil dito ay nagkakaroon tuloy ng kaisipang ang mga katutubong awit ay mga awiting pambata lamang.
 
Nakatulong rin ang pagpasok ng [[telebisyon]] sa mabilis na pagkawala nito ng popularidad, dahil sa pamamagitan nito ay kaagad nang nakikita ng mga Pilipino ang kabihasnang popular mula sa [[Europa]] at [[Estados Unidos]]. At bagamat maraming mga Europeo ang nagsasabing mahilig sa musika ang mga Pilipino ay palagi pa ring nanganganib na tuluyang mawala ang katutubong musika.
 
===Mga tangkang pagkalap===
 
Mayroon mang mga naganap na pagkalap sa [[Katutubong Musika]] ng Pilipinas ay halos para lamang sa mga musikang pantinig ang naging sentro ng mga ito. Sa ilalim ng 300 taong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, wala ni isa mang pagkalap ng mga katutubong musika ang naganap. At bagamat may mga naganap na pagkalap sa panahon ng mga Amerikano, ito ay naganap lamang ng mga huling taon ng ika-20 na siglo, samantalang nakikita ng mga Romantisista ng Europa ang kahalagahan ng mga katutubong awit.
Mayr
 
Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas, may mga nagtangkang mangalap ng katutubong musika ngunit ito na lamang huling mga taon. Maituturing na pinaka-una sa mga nailathalang koleksiyon ang ginawa ni Fr. Morice Vanoverberg noong 1919 na ukol sa katutubong musika ng mga Lepanto [[Igorot]] ng Hilaga. Iyon nga lamang ay mga titik lamang ang kasama sa koleksiyong ito ay hindi ang mga tono.
 
Ang koleksiyong pinamagatang ''Filipino Folk Songs'' ni Emilia Cavan ang itinuturing na unang koleksiyon na mayroong kasamang tono. Nailathala ito noong 1942. Ngunit ang koleksiyon na ginawa ni Norberto Romualdez noong dekada 1950 ang nananatiling pinakamahalaga sa disiplinang ito. Pinamagatan itong ''Philippine Progressive Music Series'' at minsan na ring naging batayang aklat sa pagtuturo ng Musika para sa mga paaralan.
 
Sa kasamaang palad, mga Amerikano ang mga naging katulong ni Romualdez at isinalin ang titik ng mga awiting ito mula sa mga orihinal na wika patungong Filipino at Ingles. Ito ay dahil sa nais ng koleksiyong ito na mamulat ang damdaming makabayan ng mga Pilipino. Katunayan nito ang pagsasama ng [[pambansang awit|Pambansang Awit]] ng Pilipinas, ''Philippines Our Native Land'' at maging ang ''Philippines, the Beautiful'', isang adaptasyon ng ''America the Beautiful'' sa listahan ng mga awit. Mayroon rin itong ilang mga awit mula sa katutubong awit ng ibang mga bansa.
 
Sa ngayon, ito pa rin ang pinakamahalagang koleksiyon at ilang mga sipi nito ay matatagpuan pa rin sa mga pangunahing [[aklatan]] sa iba’t ibang mga [[mga lalawigan ng Pilipinas|lalawigan]], bayan at [[mga lungsod ng Pilipinas|lungsod]] sa buong bansa.
 
Ilan pang mga koleksiyon ang ginawa ni Emilia Reysio-Cruz na pinamagatang ''Filipino Folk Songs'' kung saan ang mga koleksiyon ay mula sa walong pangunahing wika ng Pilipinas.
 
Mayroon ring sariling koleksiyon si Dr. [[Jose Maceda]], ang dating Tagapangulo ng ''Department of Asian Music Research'' of the ''College of Music'' ng [[Unibersidad ng Pilipinas]], na nagsimula noong 1953 at nagpatuloy hanggang. Mayroon rin ginawang sariling koleksiyon ang kanitang mga mag-aaral.
 
Sa huling bahagi ng ika-20 siglo at unang mga taong ng ika-21 siglo, gumawa rin ng isang koleksiyon si Raul Sunico, Dekano ng ''Conservatory of Music'' ng [[Unibersidad ng Santo Tomas]]. Sinimulan niya ang paglalathala ng mga oyayi, matapos ay siundan niya ng mga awit ukol sa [[pag-ibig]], at matapos iyon ay mga awit ukol sa iba’t ibang mga hanap-buhay ng mga Pilipino. Sa ikaapat na bahagi, inilathala niya ang mga awitin ukol sa kababaihang Pilipino.
 
Sa koleksiyong ito, ginamit ang mga orihinal na titik ng mga awitin, kasama na rin ang salin nito sa Ingles at ilang paliwanag ukol sa mga pangkat etniko na pinagmulan ng awitin.
 
Para naman sa katutbong musikang pansaliw, tanging ang pitong aklat lamang ni Francisca Reyes-Aquino ang nagawang koleksiyon at hindi pa ito nasusundan hanggang sa ngayon.
Line 128 ⟶ 170:
===Gamit sa komersiyo===
 
May ilang mga mang-aawit ng ''[[rock (musika)|rock]]'' na nagtangkang isa-plaka ang mga katutubong awit noong dekada 1970 katulad ng nagaganap noon ring panahong iyon sa Estados Unidos. Kabilang sa mga ito ang mga mang-aawit na sina [[Joey Ayala]], [[Bayang Barrios]], [[Freddie Aguilar]] at ang grupong [[Asin (banda)|Asin]].
 
Marami ring sa mga seryosong musikero ang nagsa-plaka nito ngunit walang nagtagumpay na mailagay ito sa mga tsart katulad ng naganap sa Estados Unidos. Sa ngayon, hindi na ito nabibiyan ng sapat na pansin ng mga popular na mang-aawit at tanging iyon na lamang mga nag-aaral ng musika sa mga pamantasan ang nag-papalaganap nito.
 
== Sanggunian ==
 
Nasa wikang Ingles:
# Philippine Literature: Folk Music by Mauricia Borromeo
# Philippine Progressive Music Series by Norberto Romualdez.
# The Encyclopedia of Philippine Art, Volume 7: Philippine Music by the Cultural Centre of the Philippines
# Himig: A Collection of Traditonal Songs from the Philippines by Raul Sunico
 
[[Kategorya:Pilipinas]]
[[Kategorya:Musika ayon sa bansa]]