Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Wikang pasenyas ng mga Pilipino"

→‎Impluho ng mga Amerikano: dagdag na mga pangungusap
(may pinahilig)
(→‎Impluho ng mga Amerikano: dagdag na mga pangungusap)
 
===Impluho ng mga Amerikano===
Sinasabing malaki ang impluwensiya ng mga senyas pangkamay na nagmula sa Estados Unidos sa wika ng pagsesenyas na ginagamit ng mga bingi sa Pilipinas. Itinatag ang Paaralan para sa mga Bingi sa Maynila (Manila School for the Deaf ) – na kilala sa ngayon bilang Philippine School for the Deaf (Paaralan para sa mga Bingi sa Pilipinas) noong 1907. Itinatag ang paaralang ito ni Delight Rice, isang gurong Amerikano. Pinamahalaan ito ng mga prinsipal na mga Amerikano hanggang sa mga dekada ng 1940. Malaking impluwensiya din sa pamamaraan ng pagbibigay ng edukasyon sa mga hindi nakakarinig ang paglalagak ng mga boluntaryo mula sa U.S. Peace Corps sa iba’t ibang mga pook sa Pilipinas mula 1974 hanggang 1989. Kabilang rin sa mga impluwensiya mula sa Estados Unidos ang mga samahang pampananampalataya, mga tagapagturo at mga lathalain at panooring ginagamitan ng mga kumpas-kamay batay sa American Sign Language.<ref name=Abat>[http://web.kssp.upd.edu.ph/linguistics/plc2006/papers/FullPapers/V-3_Abat-Martinez.pdf Abat, Rafaelito M., at Liza B. Martinez. The History of Sign Language in the Philippines: Piecing Together the Puzzle, Philippine Federation of the Deaf / Philippine Deaf Resource Center, Philippine Linguistics Congress, Department of Linguistics, Unibersidad ng Pilipinas, Enero 25-27, 2006, walong pahina] (PDF), nakuha noong: Marso 25, 2008</ref>
 
{{Pilipinas-stub}}
166,389

edits