Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Iskaner"

970 byte added ,  13 year ago
bago
(bago)
 
(bago)
Ang mga '''scanner'''<ref name=CHT>{{cite-CHT}}</ref> (bigkas at literal na baybay: ''iskaner'') ay mga panlabas at pandugtong na kasangkapang ikinakabit sa [[kompyuter]] na ginagamit para kopyahin ang isang orihinal na dokumento o larawan. Tinatawag na ''flatbed scanner'' ang mga iskaner na malaki ngunit lapad, payat at patag. Karaniwang angkop lamang ang haba nito para matanggap sa kaniyang higaan ang ordinaryong sukat ng papel na panulat katulad ng ''coupon bond'' o ''typewriting paper''. Ito ang pinakapangkaraniwang uri ng iskaner.
 
Kabilang pa sa ibang klase ng iskaner ang ''business card scanner'', ''high-resolution scanner'', at ''handheld scanner''. Maliliit lamang ang mga ''business card scanner'' ngunit mainam na pang-kopya ng mga personal na impormasyon na ipapadala sa isang elektronikong talaan. Malimit na gamitin ng mga [[litratista]] at [[disenyador]] ang ''high-resolution scanner'' para sa kanilang mga larawan at sining. Mainam gamitin ito sa pagkopya ng mga ''slide'' (padulas na larawang pang-presentasyon) at mga [[negatibo]] ng mga [[litrato]]. Nakalilito namang gamitin ang mga nahahawakan at portableng ''handheld scanner'' na nadadala kahit saang pook.<ref name=CHT/>
 
==Sanggunian==
166,389

edits