Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Tsismis"

(→‎Pangangasiwa: dagdag pa)
(→‎Paglalarawan: pananda)
Ayon kay [[Tenzin Gyatso]], ang ikalabing-apat na [[Dalai Lama]], nakapagpapaikli ng isang araw na tila napakahaba o napakatagal lumipas ang tsismisan subalit ito ang isa sa pinakamasamang pagsasayang ng oras o panahon. Binigay niyang halimbawa ang hinggil sa isang lalaking mananahi na humahawak lamang sa isang karayom habang patuloy sa pagsasalita sa harap ng isang kliyente; dahil sa kanyang gawaing ito hindi natatapos ang kanyang pananahi; at maaaari pang matusok pa niya ng karayom ang sariling daliri dahil sa pagkalibang sa pagdaldal. Ipinakakahulugan ng Dalai Lama na nakapipigil ang walang kabuluhang pakikipagtsismisan sa paggawa ng alin mang uri ng gawain.<ref name=Dalai>Gyatso, Tenzin, ''His Holiness the Dalai Lama'', "''Gossip''", pagmumuni-muni para sa ika-30 araw Oktubre, ''The Path to Tranquility'', ''Daily Wisdom'', inipon at pinanutnugutan ni Renuka Singh, Viking/Arkana, Penguin Group, Lungsod ng Bagong York, pahina 30, ISBN 0670887595</ref>
 
Batay naman sa ''Three Minutes a Day'' (Tatlong Minuto Isang Araw), tomo bilang 35, ng ''The Christophers'', nakapipinsala sa iba at sa sarili ng tsismoso o tsismosa ang pagtsitsismis.<ref name=Christophers>"''Too Close for Comfort''", ''Three Minutes a Day'', ''[http://www.christophers.org The Christophers]'', Tomo 35, matatagpuan sa pahinang may tatak na petsang ''Abril 22'', Lungsod ng Bagong York, Taon: 2000, ISBN 0939055252</ref> dahil, ''[[Aklat ng mga Kawikaan]]'' ng [[Bibliya]], naglalantad ng mga lihim ang tsismis (Mga Kawikaan 20: 19).<ref name=Christophers/>
 
==Pangangasiwa==
166,389

edits