Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Panganganak"

dagdag
(dagdag)
(dagdag)
Ang '''panganganak''', '''pagsisilang''', '''pagluluwal''', o '''parturisyon''' (Ingles: ''childbirth'', ''[[labor]]'', ''[[labour]]'', ''birth'', ''partus'', o ''parturition'') ay ang [[kulminasyon]] o wakas ng panahon ng [[pagdadalangtao]] o [[pagbubuntis]] ng [[babae]]ng [[tao]] na pinaglalabasan ng isa o marami pang bagong-silang na [[sanggol]] mula sa [[sinapupunan]] ng isang babae. May tatlong yugto ang pagluluwal sa bata: ang pag-ikli at pagluwang ng [[cervix|sipit-sipitan]], pagbaba at paglabas ng sanggol, at ang pagsisilang sa [[inunan]].<ref>''The Columbia Encyclopedia'', ika-6 na edisyon, Palimbagan ng Pamantasan ng Columbia, 2006.</ref>. Sa ilang mga kaso, naisasagawa ang pagpapaanak sa pamamagitan ng [[caesarean section|paghiwang sesaryano]], ang pagtatanggal ng [[neonado]] o sanggol sa pamamagitan ng isang hiwang pangsiruhiya sa [[puson]], sa halip na sa pamamagitan ng panganganak na dumaraan sa [[puke]].
 
Kaugnay ng [[Hudaismo]], ayon sa [[Batas ni Moises]], itinuturing na hindi malinis ang isang unang nagluwal ng sanggol kaya't dapat itong lumigpit o manatili sa bahay sa loob ng apatnapung mga araw {{ndash}} na nagiging walumpu kapag babae ang sanggol {{ndash}}na ipinanganak. Pagkaraan ng pananatili sa tahanan, aahon o pupunta sa templo ang ina upang maghandog ng ipinag-uutos na alay.<ref name=Biblia>{{cite-Biblia|Inang nagluwal ng sanggol}}, talababa 22, pahina 1514.</ref>
 
==Tingnan din==
166,389

edits