Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Osiris"

linis puwang lamang
(bawas puwang)
(linis puwang lamang)
 
Ayon sa mitolohiya, bago siya mamatay at mabuhay muli bilang isang ng kabilang-buhay, si Osiris ay itinuturing na tagapagdala ng [[sibilisasyon]] at [[agrikultura]] sa Ehipto. Bilang diyos ng agrikultura, tinuturing rin si Osiris na isang diyos na nagbibigay ng buhay sa mga pananim at mga tao; na matapos ang kamatayan ng isang halaman o tao, si Osiris din ang nagbibigay ng panibangong buhay sa mga ito. Ang kwentong ito ng muling pagkabuhay ang ginagamit na paliwanag ng ilang mga sinaunang Ehipsyo kung bakit nagkakaroon ng mga sikulo ng pagkabuhay at pagkamatay, tulad ng sikulo ng kapanganakan at kamatayan, pagtubo at pagkalanta, paglaki at pagliit ng buwan atbp.
 
Si Osiris and panganay na lalaking anak nina [[Geb]], ang diyos ng kalupaan, at [[Nut (diyosa)|Nut]], ang diyosa ng kalangitan. Ipinanganak siya sa ikaunang araw ng Interkalinaryo (ang limang mga araw na idinadagdag sa 360 para maging 365 na bilang ng mga araw sa kalendaryo). Kapatid at asawa siya ni [[Isis (diyosa)|Isis]] at nagkaroon sila ng anak na lalaking na si [[Horus]] matapos si Osiris na maslangin ng kanyang kapatid. Nang siya ay binuhay muli ni Isis, si Osiris ang naging hari ng mga yumao bagamat pinili niya na maghari na lamang sa lugar ng mga yumao. Bilang diyos ng mga yumao, tuluyang napaglito at napagisa ang katauhan ni Osiris sa isa pang diyos ng mga yumao na si [[Khenti-Amenti]]. Ang Khenti-Amenti ay naging bansag na lamang kay Osiris na nangangahulugang ''Pinuno ng mga Taga-kanluranin'' bagamat ang kanluran ang pinaniniwalang lugar ng mga yumao dahil dito lumulubog ang araw. Pinatay si Osiris ng kanyang lalaking kapatid na si [[Seth|Set]] dahil isang [[paraon]] si Osiris, isang gampaning ibig angkinin ni Set dahil sa pagseselos.<ref name=NBK/>
 
 
Ayon sa kwento, sila Osiris at Isis ay nagkaroon ng anak na si Horus matapos mapaslang si Osiris ng kanyang nagseselos na kapatid na si [[Seth|Set]].
 
==Mga sanggunian==
{{reflist}}
166,389

edits