Vicente Ferrer: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
No edit summary
No edit summary
Linya 32:
Siya ay labingwalong taong gulang nang umanib sa mga Dominiko at mag-aral ng pilosopiya at teolohiya. Siya ay laging nananalangin at nagpepenitensiya. Sa loob ng tatlong taon ay kanyang binasa ang Banal na Kasulatan lamang at di naglaon ay nakabisado niya ito. Naging guro rin siya sa Banal na Teolohiya at naatasang magbigay ng mga panayam sa pilosopiya. Di nagtagal, siya ay ipinadala sa Barcelona at sumunod ay sa Pamantasan sa Lleida kung saan ay kanyang nakamit ang kanyang doktorado sa teolohiya.
 
==Mga kakayahanag panrelihiyon==
Ayon kay Vicente, ang Dakilang Paghahati (Great Schism) ay nagdulot ng matinding dalamhati sa kanya at naging sanhi ng kanyang matinding pagkakasakit sa edad na apatnapu. Kanya ring sinabi na pinagaling siya ng Diyos at inutusang siyang maglakbay at binyagan sa Kristiyanismo ang marami. Sa loob ng 21 taon, sinasabing nagawa niyang maglakbay sa Aragon, Kastilya, Switzerland, Pransiya, Italya, Inglatera, Ireland at Scotland kung saan kanyang ipinangaral ang Ebanghelyo at nagbinyang ng di mabilang na dami ng tao. Marami sa mga manunulat ng kanyang talambuhay ay naniniwalang siya ay biniyayaan ng kakayahang Makapagsalita at Makaunawa ng Iba't-ibang Wika gayong ang wika lamang niyang alam ay Catalan. Siya rin ang itinuturong dahilan ng pagpapabinyag sa Kristiyanismo ng napakaraming Hudyo. Isa sa kanyang mga nabinyagan, isang guro ng Hudaismo na nagngangalang Solomon ha-Levi ay naging Arsobispo ng Kartahena at kalaunan ay Arsobispo ng Burgos.
 
Line 39 ⟶ 40:
Ayon sa ilang pinagmulan, si Vicente ay isang magiliw na tagasunod ng noo'y Papa sa Avignon, Benito XIII na mas kilala sa tawag na "Papa Luna" sa Kastilya at Aragon. Siya ay masugid na sumuporta sa kanya at naniwalang si Benito XIII ang totoong Santo Papa. Ayon naman sa iba, si Vicente ang nagsumikap na kumbinsihin si Benito XIII na tapusin na ang Dakilang Paghahati. Matapos siyang paulit-ulit na pangakuan nito sa mahabang panahon at hindi magkaroon ng katuparan ang mga pangako, si Vicente ang nagmungkahi kay Haing Fernando ng Kastilya na bawiin ang kanyang suporta mula kay Benito XIII.
 
==Kamatayan at Kanonisasyonkanonisasyon==
Si San Vicente Ferrer ay pumanaw noong ika-5 ng Abril, 1419 sa Vannes, Brittany sa Kaharian ng Pransiya at siya ay inilibing sa Katedral ng Vannes. Siya ay kinanonisa ni Papa Calixtus III noong ika-3 ng Hunyo, 1455. Ang kanyang kapistahan ay [[Abril 5]].