Ngayon ay Biyernes, Disyembre 4, 2020, 05:37 (UTC/GMT). Ang katutubong oras ni Bijaei Rodriguez ay: 13:37am

Magandang Araw!

Libangan ko na ang mamasyal at magikot-ikot dito sa Wikipedia. Iilang artikulo pa lamang ang aking napapakialamang ayusin o pahusayin at mayroon din naman akong ilang artikulong sinimulan. Dalangin ko lang na wala sanang magalit sa mga ginawa at ginagawa kong pagbabago dito. Hahaha!

Hilig ko ang mga artikulong nauugnay sa Katolisismo. Nakakalungkot lamang at tanging ang Ingles na Wikipedia ang aking kinukuhanan ng impormasyon na inilalagay ko dito sa Tagalog na Wikipedia. May ilang websayt din akong alam na maaaring gamiting sanggunian ngunit hindi ko alam kung paanong itatala iyon dito. Baka sakaling may isang mabuting-loob na magtuturo sa akin. =)O kaya'y magbabasa-basa pa siguro ako ng kaunti kung paano nga ba lumikha ng isang mabuting artikulo dito sa Wikipedia.

Kagalakan kong lumikha ng artikulo kung may hihiling at bukas din ako sa anumang puna ninyo tungkol sa akin at sa aking mga gawa. At katulad ng maraming bagay na tinutuklas ko pa lamang dito sa Wikipedia, hindi ko sigurado kung maaari kayong mag-iwan ng mensahe sa akin dito, ngunit kung uubra, huwag mag-atubili.

Mabuhay tayong lahat!

Kasalukuyang PinagpupuyatanBaguhin

  1. Talaan ng Mga Tauhan sa Nobelang Harry Potter
  2. The Fame Monster (album ni Lady Gaga)
  3. Artikulo sa iba't-ibang titulo ng Mahal na Birhen

May ilang salita ang nahihirapan akong isalin, sana'y makahingi ako ng tulong sa inyo. Salamat!