Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Himpapawid"

1,261 byte added ,  10 year ago
dagdag
(dagdag)
Ang '''atmospero''', '''atmospera''', o '''panganorin''' ay ang "kapisanan ng mga [[hangin]] at ng sari-saring mga singaw ng panahon na nakaliligid sa sangdaigdig hanggang sa sanggayong lawak".<ref name=Bansa>{{cite-Bansa|''Atmosphere'', panganorin, atmospera}}</ref> Tinatawag din itong '''himpapawid''', '''agay-ay''', '''alangaang''', o '''kahanginan''' dahil ito ang hangin na bumabalot sa [[daigdig]].<ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|''Atmosphere'', atmospera}}</ref> Nagmula ang salitang ''atmospera'' sa [[wikang Griyego]] na binubuo ng mga salitang ἀτμός - ''atmos'', "singaw"<ref>[http://www.perseus.tufts.edu/hopper/text?doc=Perseus%3Atext%3A1999.04.0057%3Aentry%3Da%29tmo%2Fs ἀτμός],
Henry George Liddell, Robert Scott, ''A Greek-English Lexicon'', nasa ''Perseus Digital Library''</ref> at σφαῖρα - ''sphaira'', "bilog" o "timbulog"<ref>[http://www.perseus.tufts.edu/hopper/text?doc=Perseus%3Atext%3A1999.04.0057%3Aentry%3Dsfai%3Dra^ σφαῖρα], Henry George Liddell, Robert Scott, ''A Greek-English Lexicon'', nasa ''Perseus Digital Library''</ref>). Isang sapin ng mga [[gas]] o mga singaw (mga hangin) ang atmospera na maaaring pumaligid sa isang katawang materyal na may sapat na [[masa]]<ref>[http://www.ontariosciencecentre.ca/school/clc/visits/glossary.asp Ontario Science Centre website]</ref> sa pamamagitan ng [[grabidad]] ng katawang iyon, at napapanatili sa loob ng matagal na panahon kapag mataas ang grabidad at mababa ang temperatura ng atmospera. May ilang mga [[planeta]] ang pangunahing naglalaman lamang ng sari-saring mga gas o singaw, subalit tanging ang kanilang panlabas na sapin o patong (balot) lamang ang tinatawag na atmospera nila (tingnan ang mga [[higanteng gas]]).
 
==Tingnan din==
166,389

edits