José Rizal: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Život (usapan | ambag)
No edit summary
Linya 1:
:''Para sa ibang gamit ng apelyidong Rizal[[Riza]]l, tingnan ang [[Rizal (paglilinaw)]].''
 
 
 
[[Image:Jose_P_Rizal.jpg|thumb|left|Larawan ni Dr. Jose Rizal[[Riza]]l bago siya barilin sa Bagumbayan noong 1896]]
 
Si Dr. '''José Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda''' ([[Hunyo 19]], [[1861]]–[[Disyembre 30]], [[1896]]) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si José Rizal sa [[Lungsod ng Calamba|Calamba]], [[Laguna]].
Linya 15:
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng [[wikang Ingles]], bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng [[Wikang French|Pranses]]. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng [[Wikang Arabe|Arabe]], [[Wikang Katalan|Katalan]], [[Wikang Tsino|Tsino]], [[Wikang Inggles|Inggles]], [[Wikang French|Pranses]], [[Wikang Aleman|Aleman]], [[Wikang Griyego|Griyego]], [[Wikang Ebreo|Ebreo]], [[Wikang Italyano|Italyano]], [[Wikang Hapon|Hapon]], [[Wikang Latin|Latin]], [[Wikang Portuges|Portuges]], [[Wikang Ruso|Ruso]], [[Wikang Sanskrt|Sanskrt]], [[Wikang Espanyol|Espanyol]], [[Wikang Tagalog|Tagalog]], at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.
 
==Tungkol sa pangalan[[pangala]]n ni [[Rizal]]==
''José Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda'' ang nakatalang buong [[pangalan]] ni [[Rizal]] sa kanyang katibayan ng kapanganakan at '''José Mercado Alonzo''' o simpleng '''José Mercado''' (ayon sa mga panutong [[Espanya|Espanyol]]) ang kanyang ginamit sa kanyang buong kabataan. Gayumpaman, sa payo ng kanyang kapatid na si [[Paciano Mercado]], pinalitan ni [[Rizal]] ang kanyang legal na pangalan upang hindi siya maiugnay sa mga aktibidad ng kanyang kapatid na kilala noon bilang aktibista at tagasuporta ng binitay na [[Simbahang Katoliko|paring]] si [[José Burgos]]. Mula sa kanyang orihinal na pangalang legal ito'y naging '''José Protacio [[Rizal]]''' (rizal = “luntian”), pinaikling '''José [[Rizal]]'''.
 
==Listahan ng Magkakapatid==
Linya 33:
== Mga Akda ==
 
Si Rizal[[Riza]]l ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang ''[[Noli me tangere]]'' (Huwag Akong Salingin) ay nilimbag sa [[Berlin]], Alemanya (1886), sa tulong ni Dr. Maximo Viola. At ang ''[[El Filibusterismo]]'' (Mga Pagbalakid o Pangungulimbat) ay nilathala sa Gante, [[Belgica]] (1891); pinahiram siya ni Don Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag. Ang mga ito ay naglalaman ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang pagkakaisang-diwa at katauhan ng mga Pilipino, na nauwi sa Rebolusyon ng 1896.
Dagdag dito, si [[Rizal]] din ay masugid na taga-ambag ng mga sulatin sa La Solidaridad, isang pahayagang inilunsad ng mga Pilipinong reformista sa Espanya. Sumulat siya sa ilalim ng pangalang Dimasalang at Laong-laan, habang si Marcelo Del Pilar naman ay lumagda bilang Plaridel.
 
== Mga pamanang-lahi ==
Si [[Rizal]] ay isang reformista para sa isang lipunang malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan.Bilang puno ng Kilusan ng Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa [[Barcelona]], Espanya, siya ay nagbigay ng ambag-sulatin sa La Solidaridad. Ang kanilang mga mithiin: (1) na ang Pilipinas ay maging bahaging-lalawigan ng Espanya; (2)na magkaroon ng mga kinatawan sa Batasan ng Espanya (Parlamento); (3)na magkaroon ng mga namumunong paring Pilipino; (4)kalayaan sa pagtitipon-tipon at pamamahayag; (5)pantay na karapatan sa harap ng batas, maging Pilipino man o Kastila.
 
Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon, pagkat iyon ay nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa Maynila mula sa Espanya, siya ay pinaratangan ng paghahasik ng gulo (subversion)dahil sa pagtatatag ng [[La Liga Filipina]], nilitis at ipinatapon sa Dapitan, Zamboanga noong 1892. Doon, siya ay nagtayo ng isang paaralang pambata, at isang pagamutan. Bukod dito, siya 'y nagsagawa rin ng isang pambayang sistema ng padaloy-tubig.