Bagay na buhay: Pagkakaiba sa mga pagbabago

(dagdag)
 
==Mga katangian==
Ang mga buhay na bagay ay mayroong pitong mga katangian upang matawag na buhay. Kabilang dito ang kakayahang kumain, ang kakayahang kumilos, kakayahang huminga, kakayahang lumaki, kakayahang dumumi (tumae, umihi, at magpawis), kakayahan ng pagkamapagdamdam, at ang kakayahang magparami.<ref name=Sabur>[http://www.saburchill.com/chapters/chap0001.html ''Living and Non-living Things''], The Open Door Website.</ref>
 
===Kabuuang masalimuot===
Ang mga buhay na bagay ay may metabolismo, ang kakayahan ng matuling paglilipat at pagsasalin ng mga kimikal na materyal, na kinasasangkutan ng pakikipagpalitan ng mga materyang kimikal ng katawang buhay at ng panlabas na kapaligiran. Kinasasangkutan din ito ng malawak na pagbabagong-anyo o transpormasyon ng organikong materya sa loob ng mga sihay ng buhay na bagay o buhay na [[organismo]]. Kinasasangkutan pa din ito ng pagpapakawala at paggamit ng enerhiyang kimikal,<ref name=Cliffs/> ang tinatawag na pagsusunog ng pagkain ng katawan.<ref name=Lingvo>[http://www.lingvozone.com/main.jsp?action=translation&do=dictionary&language_id_from=23&language_id_to=38&word=shoal ''metabolism'', metabolismo], lingvozone.com</ref>
 
===PagtugonPagdama at pagtugon===
Ang mga buhay na bagay ay may kakayahang tumugon o sumagot sa [[estimulo]] o mga "pampasigla" mula sa panlabas na kapaligiran. Ang mga buhay na bagay ay nakadarama o nakakapansin ng mga estimulo sa pamamagitan ng mga bahaging pandama ng katawan (iyong mga mata, balat, mga tainga, at mga [[taste bud|supang na panlasa]]).<ref name=Lingvo/> Ang ganitong katangian ng pagdama ay tinatawag ding senstibidad, pagkamapagdamdam, o pagkamapagdama.<ref name=Sabur/> Nakakapansin ng liwanag ang mga mata. Nakadarama naman ng init at lamig ang balat.<ref name=Sabur/> Nakakapuna ng tunog ang mga tainga. At nakakadetekta naman ng mga lasa ang dila. Ang isang organismo ay tumutugon sa estimulo sa pamamagitan ng mga [[epektor]] o mga [[pang-upat]] o mga [[panghikayat]]. Halimbawa ng mga pang-upat ay ang mga masel at mga glandula. Upang magkaroon ng katalaban ang pagtugon ng bagay ng may buhay, partikular na sa mga pagbabagong pangkapaligiran, ang organismo ay gumagamit ng pagtutugon-tugon o pagtutuwang-tuwang ng mga katugunang ito, na tinatawag ding koordinasyon. Ang ganitong koordinadong pagtugon ang bumubuo sa ugali, kaasalan, o gawi na may kasiglahan ng isang organismo.<ref name=Lingvo/>
 
===Paglaki===
===Ebolusyon===
Sa pamamagitan ng proseso ng [[ebolusyon]] o dahan-dahang pag-unlad sa loob ng mga panahon, ang mga populasyon ng mga buhay na bagay ay nagkakaroon ng kakayahan bumagay sa kanilang kapaligiran. Sa prosesong ito, ang mga organismo sa mga populasyong ito ay nagkakaroon ng mas mainam na metabolismo, mas mainam na pagtugon sa estimulo, mas mainam na kakayahang magparami ng lahi, at mas mainam na mga kakayahang umagpang o umangkop at makayanan ang mga kapaligiran na hindi naranasan ng kanilang mga ninuno. Samakatuwid, nagreresulta ang ebolusyon sa pagkakaroon at paglaganap ng mga populasyon ng mga bagay na may buhay na mas mainam at may kasamu't sarian kaysa sa naunang mga kapanahunan.<ref name=Lingvo/>
 
===Pagkain===
Ang lahat ng mga buhay na bagay ay kailangan ng pagkain sapagkat dito nagmumula ang kanilang enerhiya. Kailangan nilang kumain o manginain ng mga pagkain na nagmumula sa kanilang kapaligiran upang lumalik at maging malusog.<ref name=Sabur/>
 
===Pagkilos===
Ang lahat ng mga bagay na may buhay ay mayroong pagkilos o paggalaw na makikita sa loob ng kanilang mga katawan at mapagmamasdan din sa labas ng kanilang mga katawan. Ang panloob na galaw ay ang kakayahan ng mga organismong makapaglipat ng mga sustansiya mula sa isang bahagi ng kanilang katawan papunta sa ibang bahagi. Ang panlabas na kilos ay ang kakayahan nilang ilipat ang sarili mula sa isang pook patungo sa iba, na isasagawa sa pamamagitan ng paglalakad, pagtakbo, paglipad, o kaya paglangoy.<ref name=Sabur/>
 
===Paghinga===
Ang lahat ng buhay na bagay ay kailangang huminga o magsagawa ng respirasyon upang makapagpalita ng mga gas o "hangin" na nasa kanilang kapaligiran. Halimbawa, ang mga hayop ay nagpapasok ng [[oksiheno]] sa katawan at naglalabas naman ng [[carbon dioxide]].<ref name=Sabur/>
 
===Ekskresyon===
Ang mga buhay na [[nilalang]] ay nagsasagawa ng ekskresyon o pagtatanggal ng mga dumi ng katawan. Kailangang isagawa ng katawan ang paglilinis na ito upang hindi magsanhi ng pagkalason sa katawan. Bukod sa pag-ihi, pagtae, o pagpapawis, ang ibang dumi sa katawan ay maaaring ihingang palabas.<ref name=Sabur/>
 
==Tingnan din==
166,389

edits