National Technical University of Athens

Ang National Technical University of Athens (NTUA; Griyego: Εθνικό Μετσόβιο Πολυτεχνείο, National Metsovian Polytechnic), paminsan-minsan na kilala bilang Athens Polytechnic, ay kabilang sa pinakamatandang institusyon sa mas mataas na edukasyon ng Gresya at pinakaprestihiyosong sa inhenyeriya.[1] Ito ay pinangalanang Metsovio(n) sa karangalan ng mga tagapagtangkilik nito na sinaNikolaos Stournaris, Eleni Tositsa, Michail Tositsas at Georgios Averoff, na nagmula sa bayan ng Metsovo sa rehiyon ng Epirus.[2]

Ang pangunahing harapan ng gusaling Averof.

Ang NTUA ay nahahati sa siyam na mga akademikong paaralan, walo ay sa inhenyeriya, kabilang ang arkitektura, at isa para sa aplikadong agham (matematika at pisika). Ang pag-aaral sa antas batsilyer ay tumatagal nang limang taon. Ang pagpasok sa NTUA ay selektibo at maaari lamang matupad kung makakatanggap ng katangi-tanging grado sa taunang pagsusulit na Apolytirion sa mga sekundaryang paaralan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "QS World University Rankings 2016-2017". Enero 1, 2016. Nakuha noong 2016-11-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "History". NTUA.gr. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-01. Nakuha noong 2009-03-30. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

37°59′16″N 23°43′54″E / 37.9879°N 23.7316°E / 37.9879; 23.7316   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.