Likas na satelayt

(Idinirekta mula sa Natural satellite)

Isang likas na satelayt o buwan (Ingles: natural satellite) ang isang bagay sa kalawakan na umikot sa isang planeta sa pamamagitan ng kanyang ligiran, na tinatawag na pangunahin (primary). Sa teknikal na termino, maaaring tumutukoy ang natural na satelayt sa isang planeta na lumiligid sa isang bituin, o sa isang unanong galaksiya (dwarf galaxy) na lumiligid sa isang pangunahing galaksiya, ngunit karaniwan itong kasingkahulugan sa buwan at ginagamit upang tukuyin ang hindi-artipisyal na mga satelayt ng mga planeta, unanong planeta, at maliliit na planeta. (Wala pa na kilalang likas na satelayt ng mga buwan.)

Mga napiling buwan, na sinusukat sa laki ng Daigdig. Labing-siyam na mga buwan ang sapat na ang laki na maging pabilog, at ang isa, ang Titan, ay may mahalagang atmospera.

May 240 na bagay sa Sistemang Solar na inuuri bilang mga buwan. Kabilang dito ang 166 na lumiligid sa walong mga planeta ,[1] apat na lumiligid sa mga unanong planeta, at mga dosenang pang iba na lumiligid sa maliliit na bahagi ng sistemang solar. Malamang na mayroon din mga likas na satelayt ang mga ibang bituin, bagaman, wala pang namamasid.

Mga sanggunian

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.