Ang Navaratri ay isang pagdiriwang ng mga Hindu, tinatawag din itong Navratri[1] o Navarathri.[2] Ipinagridiwang ang Navaratri sa iba’t ibang lugar sa India ng siyam na gabi at sampung araw. Itinuturing ang Navaratri sa isa sa mga swerteng araw ng taon. Damang-dama ang kasiyahan habang ginaganap ito ng siyam na araw sa buong bansa. Idinidiwang ito ng apat na beses sa isang taon.[3] Gayunpaman, yung mga sinusunod tuwing Setyembre-Oktubre (tinatawag na Sharad)[4] at Marso-Abril (Vasanta)[2] ay tinuturing na pinakamaswerte at pinakamalaking pagdiriwang sa buong bansa.[5][6]

Pinatay ni Devi Durga si Mahishasur gamit ang kanyang salapang habang nakasakay sa kanyang leon. Sina Lakshmi at Ganesha ay nasa kaliwa habang sina Saraswati at Kartkeya ay nasa kanan.

Ipinagdiriwang ang Navaratri bilang Durga Puja sa iba’t ibang lugar sa Hilaga’t-Silangang India. Pinaniniwalaang ang diyosang si Durga ay nakipag-away sa isang demonyong si Mahishasur (kumakawatan sa pagiging maka-sarili) sa loob ng siyam na araw at sa huling araw, nung pinutulan nya ng ulo ang demonyo, ay tinawag na Vijay Dashmi.[6][7]

Sa Hilaga at Kanlurang parte ng bansa, ang mga deboto ay nag-aayuno, nagsasadula ng “Ramlila” at tinatapos ng Dussehra kung saan ang imahe ni Ravana at ng kanyang mga kapatid ay sinusunog,[7][8] na muling kumakatawan sa pagkapanalo ng kabutihan laban sa kasamaan.[2] Sa Tamil Nadu, diniriwang ito bilang Golu at ang Gujarat ay sikat sa mga gabi ng dandiya.[6]

Kahalagahan Ng Bawat Araw

baguhin

Sa Navaratri, ang bawat araw ay iniaalay sa isa sa siyam na personahe ni Diyosa Durga (ito’y sina: Shailputri, Brahmacharini, Chandraghanta, Kushmanda, Skandamata, Katyayani, Kaalratri, Mahagauri at Siddhidatri)[2] at araw-araw ay may iba’t-ibang kulay na inuugnay sa mga ito.[6]

Devi Maa Shailaputri

Pratipada ang tawag sa unang araw ng Navaratri.[2][4][9] Ang pinaka-importanteng ritwal ng Pratipada ay ang “Ghatasthapana” o “Kalash Sthapana”.[10] Ang Navaratri ay nagsisimula sa unang gabi na inilaan sa ritwal ng Maa Shailaputri. Ang ibig sabihin ng "Shaila" ay kabundukan. Si Parvati, anak na babae ng hari ng kabundukan[9] Himalayan, ay kilala bilang "Shailaputri". Siya rin ay isang pagkakatawang-tao ni Sati, unang asawa ni Shiva. Ang kanyang mga kamay ay nagpapakita ng isang salapang at isang lotus. Siya ay nakasakay sa isang toro.[9][11][12]

Devi Maa Brahmacharini

Sa Dwitiya (ikalawang araw), ang Diyosa Brahmacharini, isa pang pagkakatawang-tao ni Parvati, ay sinasamba. Kinakatawan niya ang espirituwal na paghahanap at debosyon sa pinakamataas na kaalaman. Sa kanyang kanang kamay ay hawak niya ang isang rudraksha mala o rosaryo at sa kabila naman ay ang kamandalu at nakasuot ng puti.[9][12]

Devi Maa Chandraghanta

Ang Tritiya (ikatlong araw) ay ginugunita ang pagsamba kay Chandraghanta. Siya ay may sampung braso at nakasakay sa isang leon. May hugis kampana na kalahating buwan sa kanyang noo. Kaya, ang salitang ghanta ay nangangahulugang kampana.[12] Siya rin ay nagbibigay ng lakas ng loob at nag-aalis ng mental at pisikal na pagdurusa.[9]

Devi Maa Kushmanda

Ang Chaturthi (ika-apat na araw) ay nauugnay kay Goddess Kushmanda.[12] Siya ay mayroon walong braso at may hawak na mga sandata at nakasakay sa isang tigre.[9]

Devi Maa Skandamata

Sa Panchami (ikalimang araw), ang diyosa na si Skandamata, ay sinasamba. Siya rin ang ina ni Skanda (o Kartikeya), ang batang lalaki na may anim na ulo. Si Skandamata ay may apat na braso at nakasakay sa isang leon.[9]

Devi Maa Katyayani

Sa Shashtami (ikaanim na araw), sinasamba si Katyayani. Nakasakay siya sa isang leon at minsan ay inilalarawan na may labingwalong braso at tatlong mata. Siya ang mahusay na nag-aalis ng ego at mga hilig ng demonyo sa kanyang mga deboto.[9]

Devi Maa Kalaratri

Sa Saptami (ikapitong araw), ang diyosang sinasamba sa araw na ito ay si Kalaratri. Siya ay may maitim na balat, marahas, at nakakatakot sa mga taong hindi pinapalampas ang kanyang pisikal na kaanyuan. Siya ay may hawak na espada, isang salapang, at isang silo, at nakasakay din sa isang asno. Sa kabila ng kanyang nakakatakot na hitsura, siya ay higit na malambing at maawain. Kaya, tinawag siyang Maa Shubhankari, na ang ibig sabihin ay ang gumagawa ng mabuti at mapalad na mga bagay para sa kanyang mga anak.[9]

Devi Maa Mahagauri

Sa Ashtami (walong araw), ang ikawalong pagpapakita ng Durga ay kinakatawan bilang isang walong taong gulang na batang babae. Ang Maha o Maa Gauri ay may sobrang maputi o maganda ang balat. Siya ay kilala bilang isang taong laging nakasuot ng puti na may mga alahas. Siya ay may apat na kamay at nakaupo sa isang toro.[12]

Devi Maa Siddhidatri

Sa huling araw ng pagdiriwang na kilala rin bilang Navami (ika-siyam na araw), nananalangin ang mga tao kay Siddhidhatri. Ang tagapagbigay ng lahat ng siddha at siddhi ay ang huling pagpapakita ng Durga. Nakaupo siya sa isang lotus, may hawak na mace, isang disc, isang lotus, at isang libro.[12]

Ang siyam na pagpapakita ng Maa Durga na sinasamba nang may sigasig sa panahon ng Navaratri, ay pinaniniwalaang nag-aangat ng banal na espiritu upang tulungan ang mga deboto malampasan ang mga hadlang at mapalaya mula sa mga hindi kinakailangang katangian upang mapunan ng bagong kalayaan at kadalisayan.

baguhin

Ang Navaratri ay isa sa pinakamalaking pagdiriwang ng Hindu.[13] Bukod sa paghuhugas ng mga handog sa diyosa, karaniwan na ring ginagawa ng mga deboto ang ritwal na pag-aayuno upang markahan ang pagdiriwang ng Navaratri. Habang pinipili ng ilang tao na mag-ayuno sa lahat ng siyam na araw, pinipili ng ilang deboto na mag-ayuno lamang sa una at huling araw ng Navaratri.[14]

Sa siyam na araw na pag-aayuno, ang mga deboto ay inaasahang hindi kakain ng non-vegetarian food.[15] Ang pagkain na inihanda para sa pag-aayuno ay dapat na lutuin nang walang pagdaragdag ng bawang at sibuyas. Ipinagbabawal din ang paggamit ng regular na asin at tanging rock salt lamang ang inirerekomenda.

Mga espesyal na pagkain sa pag-aayuno:

  • Sabudana khichdi
  • Mixed fruit salad
  • Sabudana kheer
  • Inihaw makhana
  • Sooji halwa
  • Aloo ki khichdi
  • Singhare atte ki barfi
  • Kuttu atte ki puri
  • Sookhi arbi
  • Kuttu atte ki pakode
  • Makhane ki kheer
  • Kuttu ki kheer
  • Kacche kele ki tikki
  • Shakarkandi chaat
  • Singhare atte ka halwa
  • Aloo ki kadhi
  • Paneer malpua
  • Samak dosa
  • Samwat chawal dhokla
  • Sabudana vada[14]

Pagdiriwang ng ika-10 Araw ng Navaratri na kilala sa Dussehra

baguhin

Nagaganap ang Navaratri sa loob ng 9 na araw sa buwan ng Ashvin, o Ashvina (sa kalendaryong Gregorian, karaniwang Setyembre–Oktubre). Madalas itong nagtatapos sa pagdiriwang ng Dussehra[2][13] (tinatawag ding Vijayadashami) sa ika-10 araw[1] na nagtatapos sa Durga Puja at Ramlila.

Puja

Sa panahon ng Dussehra, nagsasagawa ang mga tao ng puja sa bahay. Pinalamutian nila ang kanilang mga tahanan at gumagawa ng mga matatamis at iba pang mga masasarap na pagkain. Mahilig din silang magsuot ng bagong damit sa espesyal na araw na ito.

Ramlila

 
Imahe nina Ravana at ng kanyang mga kapatid.

Sa Dussehra, ang Ramlila ay may mahalagang bahagi ng pagdiriwang. Ito ay isang anyo ng pagsasadula ng iba't ibang mga kaganapan mula sa buhay ni Lord Ram, na isinadula ng mga aktor at ipinakita sa entablado. Ang malalaking imahe ni Ravana at ng kanyang mga kapatid ay itinayo rin. Ang mga imahing ito ay pinalamanan ng mga pampasabog.

Sa gabi, ang aktor na gumaganap bilang Ram ay papanain ng nagniningas na palaso sa mga nakatayong imahe hanggang sa magsimula itong mag-apoy nang paisa-isa. Ang mga bata ay kadalasang dinadala ng kanilang mga magulang upang manood ng mga ganitong drama upang maging pamilyar sila sa Ramayana.

Bagama't natapos na ang pagdiriwang ng Dussehra, minarkahan din nito ang simula ng paghahanda ng pagdiriwang ng Diwali.[8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Navratri | Description, Importance, Goddess, & Facts | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-11-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 Ahuja, Simran (2013). Nine Nights: Navratri. Chennai: Notion Press. ISBN 978-93-83416-40-0. Nakuha noong 2022-11-06.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of India, 1961. India. 1962. p. 241. Nakuha noong 2022-11-07.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link)
  4. 4.0 4.1 Manjusha. "The Significance Of Navaratri – Discovering India" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Happy Navratri 2020: Images, Cards, GIFs, Pictures & Quotes - Times of India". The Times of India (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 "Navratri 2020: The festival's history, significance and importance - Times of India". The Times of India (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-11-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Singh Bhalla, Kartar (2005). Let's Know Festivals of India. pp. 14–15. ISBN 81-7650-165-4. Nakuha noong 2022-11-07.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 301 Essays & Letters. 2015. pp. 66–67. Nakuha noong 2022-11-07.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 9.4 9.5 9.6 9.7 9.8 Marlow, Chris. Navaratri: Prayers, Praises and Hymns. pp. 12–22. Nakuha noong 2022-11-07.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. LLP, Adarsh Mobile Applications. "2023 Ghatasthapana Date and Time during Shardiya Navratri for New Delhi, NCT, India". Drikpanchang (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-11-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "9 days, 9 avatars: How Goddess Shailaputri teaches us patience and strength". Times of India Blog (sa wikang Ingles). 2016-10-01. Nakuha noong 2022-11-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 12.2 12.3 12.4 12.5 Bharucha, Ruzbeh (2015). The Perfect Ones. Nakuha noong 2022-11-07.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 "What is Navratri all about? - CBBC Newsround" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-11-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 "Navratri 2020: 20 Navratri foods you can relish during Navratri Vrat - Times of India". The Times of India (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Happy Navratri 2021: Images, Cards, Greetings, Quotes, Pictures, GIFs and Wallpapers - Times of India". The Times of India (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-11-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)