Nea Salamis Famagusta FC
Ang Nea Salamis Famagusta FC o Nea Salamina Famagusta FC (Griyego: Νέα Σαλαμίνα Αμμοχώστου) ay isang propesyonal na koponang futbol na nakabase sa Ammochostos (Famagusta), Cyprus (Tsipre). Naging bakwit ang koponan dahil sa 1974 Turkong Paglusob sa Tsipre, nang sakupin ng Turkiya ang hilagang bahagi ng isla. Pansamantalang nakabase ang koponan sa Larnaca, Cyprus.
Ang koponan ay bahagi ng Nea Salamina Famagusta na samahang itinatag noong 1948. Ang samahan ay pinangalanan sa Salamis na isang sinaunang lungsod sa Cyprus, na kasalukuyang matatagpuan malapit sa Famagusa. Ang katagang "nea" ay nangangahulugang "bago" sa wikang Griyego.