Mga Palarong Nemeo

(Idinirekta mula sa Nemean Games)

Ang mga Palarong Nemeo (Ingles: Nemean Games) ay isang sinaunang pambansang pagdiriwang ng mga Griyego isinasagawa ng mga Nemeo sa Lungsod ng Nemea sa Gresya. Ginaganap ito tuwing ikalawa at ikaapat na mga taon ng bawat Olimpiyadang Griyego, sa loob ng kapanahunan ng apat na mga taon. Nagsimula ito bilang isang memoryal o pag-alalang alay para sa isang kabataang bayani ng digmaan, at lumaong pinagdiriwang upang parangalan ang diyos na si Zeus. Ginagantimpalaan ng mga pumpon o kwintas, o kaya korona o palawit ng mga perehil (kilala rin bilang petroselino) o apyo ang mga nagwawagi sa mga patimpalak na pang-atleta at pangmusika.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977. {{cite ensiklopedya}}: Missing or empty |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 437.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.