Sinaunang Palarong Olimpiko

(Idinirekta mula sa Olimpiyadang Griyego)

Ang Sinaunang Palarong Olimpiko ay isinasagawa ng mga Griyego para parangalan ang mga diyos. Nagmumula ang mga atleta, ang mga kalahok na manlalaro, sa lahat ng mga lungsod ng Gresya. Ginaganap ang mga Palarong Olimpiko tuwing ikaapat na taon sa buwan ng Agosto. Kabilang sa mga kaganapang palaro at palakasan ang buno, suntukan, paghahagis ng diskus at habelina, mga unahan sa pagtakbo. Tanging mga korona lamang na yari sa mga dahon ang gantimpala, subalit sadyang naging napakahalaga ng karangalan sa pagwawagi kung kaya't umaabot ng mga taon ang idinaraos na pagsasanay ng mga kalalakihan para makaipagtunggali at mapanalunan ang koronang dahon.[1]

Larawan ng isang kabataang lalaki na may tangang "plato" o diskus. Katabi niya ang isang uri ng patpat na maghahanda para sa paglapag matapos isagawa ang malayuang pagtalon, at isang pares ng mga pabigat na dambel na ginagamit bilang pangmantini ng ekilibriyo habang nakalutang mula sa pagtalon (ca 510–500 BC).
Hubog ng boksingerong si Creugas. Yari sa marmol ang istatwa, ca.1800.

Orihinal na tinatawag din lamang sa payak na katawagang mga Palarong Olimpiko (Griyego: Ολυμπιακοί Αγώνες; Olympiakoi Agones), isang magkakasunod na mga pagtutunggali o paligsahang pang-atletika ang mga Sinaunang mga Palarong Olimpiko na nangyayari sa iba't ibang mga lungsod-estado ng Sinaunang Gresya. Nagsimula ito noong 776 BC (Pangkaraniwang Panahon) sa Olympia, Gresya, at ipinagdiriwang hanggang 393 AD.[2] Kabilang din sa mga gantimpala ang mga koronang gawa mula sa mga dahon ng oliba, mga sanga ng palma, at lasong lana.

Maalamat na simula

baguhin

Hindi alam ang mga simulain ng Sinaunang mga Palarong Olimpiko, ngunit may ilang mga alamat at mitong nailigtas sa pagkalimot. Isa sa mga ito ang kinasasangkutan ni Pelops, hari ng Olimpia at bayani ng Peloponnesus, na binibigyan ng mga handog sa panahon ng mga palaro. Pinagdiinan ng Kristiyanong si Clemente ng Alexandria na "[Ang] mga Palarong Olimpiko ay walang iba kundi mga paghahandog na panlibing para kay Pelops."[3] Sinasabi ng mitong ito kung paano nalamangan ni Pelops ang isang hari at nakamit ang kamay ni Hippodamia, ang anak ng babae ng hari. Nagawa ito ni Pelops sa pamamagitan ng tulong ni Poseidon, isang dati niyang mangingibig. Ito ay isang mitong kaugnay sa sumapit na pagbagsak ng Kabahayan ni Atreus at ng mga paghihirap ni Oedipus.

May isang mitong naglalahad tungkol sa bayaning si Herakles o Heracles, na nagwagi sa isang karera sa Olimpia at, pagkaraan, ipinahayag na dapat ganapin ang unahan tuwing ikaapat na taon. Habang may isa namang mitong nagsasabing si Zeus ang nagpasimula ng pestibal makaraang magapi niya si Cronus, ang Titan o Titano. Mayroon ding isa pang salaysayin na nagkukuwento hingging kay Haring Iphitos ng Elis, na humingi ng mungkahi sa Orakulong Pythia sa Delphi – para subuking mailigtas ang kaniyang mga mamamayan mula sa isang digmaan noong ika-9 daantaon BC. Pinayuhan siya ng propetang babae na magsagawa ng mga palarong bilang pagbibigay ng papuri at parangal sa mga diyos. Nagpasya ang kalabang Spartanong kaaway ni Iphitos na itigil ang pakikipagdigma sa panahon ng mga palarong ito, na Olimpiko kung tawagin, mula sa santwaryo ng Olimpia kung saan ginaganap ang mga ito. Kung ipinangalan sila sa Bundok Olimpus, ang bundok kung saan sinasabing naninirahan ang mga Griyegong diyos, maaaring tawaging mga Palarong Olimpiano ang mga palaro. Isang paboritong pagsasalaysay ang nagsasabi na ipinagdiriwang ni Herakles ang paglinis ng mga Kwadrang Augeano sa pamamagitan ng pagtatayo ng Olimpia sa tulong ni diyosang si Athena. Isa pang maaaring pinagmulan ng mga Palaro ang paniniwalang nag-ugat ang mga ito mula sa mga palarong panlibing.

Anuman ang kanilang naging pinag-ugatan, ginaganap ang mga palaro upang magsilbing isa sa dalawang mga pangunahin at punong ritwal sa Sinaunang Gresya. Ang mga Misteryong Eleusinyano ang isa pang ritwal sa Sinaunang Gresya.[4]


Mga sanggunian

baguhin
  1. "Sports and the Olympic Games, Greek Civilizatin, Ancient Civilization, p. 229". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Ancient Olympic Games". Microsoft Encarta Online Encyclopedia 2006. Microsoft Corporation. 1997-20-06. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-05-04. Nakuha noong 2006-12-27. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  3. St. Clement Of Alexandria. "Chapter 2. The Absurdity and Impiety of the Heathen Mysteries and Fables About the Birth and Death of Their Gods". Exhortation to the Heathen. New Advent. Nakuha noong 2007-04-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The Ancient Olympic Games". HickokSports. 2005-02-04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2002-02-22. Nakuha noong 2007-05-13. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)

Mga kawing panlabas

baguhin

Mga babasahin

baguhin

Mga panoorin

baguhin