Ang Delphi (play /ˈdɛlf/ or /ˈdɛlfi/; Griyego: Δελφοί, [ðelˈfi])[1] ay parehong isang lugar na arkeolohikal at isang modernong bayan sa Gresya sa timog-kanlurang spur ng Bundok Parnassus sa lambak ng Phocis. Ang Delphi ang lugar ng orakulong Delphi na pinakamahalagang orakulo sa klasikong daigdig na Griyego. Ito ay isa ring pangunahing lugar para sa pagsamba ng diyos na si Apollo pagkatapos niyang paslangin si Phtyhon na isang dragon na nabuhay doon at nag-ingat sa pusod ng Mundo.

Archaeological Site of Delphi
Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO
PamantayanCultural: i, ii, iii, iv, v and vi
Sanggunian393
Inscription1987 (12th sesyon)

Dedikasyon kay Apollo

baguhin
 
Ang Templo ni Apollo.
 
Tanawin ng stadyong tuktok ng bundok ng santuwaryong Delphi na ginamit para sa mga palarong Pythian.

Ang Delphoi ay nagmula sa parehong ugat bilang δελφύς delphys, "sinapupunan" at maaaring tumukoy sa sinaunang pagpipitagan kay Gaia na lola ng mundo at ang diyosang mundo sa lugar na ito.[2][3] Si Apollo ay nauugnay sa lugar na ito sa pamamagitan ng kanyang epithet Δελφίνιος Delphinios, "ang Delphinian". Ang epithet ay nauugnay sa mga dolphin (Griyego δελφίς,-ῖνος) sa mga himnong Homeriko linya 400 na nagsasalaysay ng alamat kung paanong unang dumating si Apollo sa Delphi sa anyo ng isang dolphin na nagdadala ng mga saserdoteng Creta sa kanyang likuran. Ang pangalang Homeriko ng orakulo ay Pytho (Πυθώ).[4]

Ayon sa isang alamat, si Apollo ay naglakad sa Delphi mula hilaga at tumigil sa Vale ng Templo na isang siyudad sa Thesally upang pumitas ng bay laurel na kanyang itinuturing na isang sagradong halaman. Bilang pag-alala sa alamat na ito, ang mga nagwagi ng mga larong Pythian ay nakatanggap ng isang korona ng laurel na pinitas sa Templo.

Ang Delphi ang naging lugar ng isang pangunahing templo ni Phoebus Apollo gayundin din ng mga larong Pythian at ang sikat na orakulong prehistoriko. Kahit sa mga panahong Romano, ang mga daang daang estatwang botibo ay nanatili na inilarawan ni Pliny ang Nakababata at nakita ni Pausanias.

Ang nakaukit sa templo ay mga tatlong parirala: γνῶθι σεαυτόν (gnōthi seautón = "kilalanin ang iyong sarili") at μηδέν άγαν (mēdén ágan = "walang labis"), at Ἑγγύα πάρα δ'ἄτη (eggýa pára d'atē = "mangako at ang kapilyuhan ay malapit"),[5] Sa mga sinaunang panahon, ang pinagmulan ng mga pariralang ito ay itinuro sa isa o higit pang mga pitong pantas ng Gresya,[6]

Sa karagdagan, ayon sa sanaysay ni Plutarko tungkol sa kahulugan ng "E sa Delphi"—na tanging sangguniang panitikan para sa inskripsiyon, may nakasulat rin sa templora na isang malaking letrang E.[7] Kabilang sa ibang mga bagay na tinutukoy ng epsilo ang bilang na 5. Gayunpaman, ang mga sinauna gayundin ang mga modernong skolar ay nagduda sa lehitemasya ng mga gayong inskripsiyon.[8][9]

Ayon sa himnong Homeriko kay Pythia, tinudla ni Apollo ang kanyang unang palaso bilang isang sanggol na epektibong pumaslang sa serpiyenteng si Pytho na anak na lalake ni Gaia na nagbabantay sa lugar. Upang magtika sa kanyang pagpatay sa anak ni Gaia, si Apollo ay napilitang lumipad at gumugol ng walong taon sa menial na paglilingkod bago siya mapatawad. Ang isang pista na Septerla ay idinadaos kada taon kung saan ang buong kuwento ay kinakatawan: ang pagpatay ng serpiyente, ang paglipag, ang pagtitika at pagbabalik ng diyos.[10]

Ang mga palarong Pythian ay ginaganap tuwing apat na taon upang alalahanin ang pagwawagi ni Apollo.[10] Ang isa pang regular na pistang Delphi ang "Theophania" (Θεοφάνεια) na isang taunang pista tuwing tagsibol na nagdiriwang ng pagbabalik ni Apollo sa mga kwarter na tagginaw sa Hyperborea. Ang kulminasyon ng pista ay isang pagtatanghal ng imahen ng mga diyos na karaniwang nakatago sa santuwaryo para sa mga mananamba.[11]

Ang "Theoxenia" ay idinadaos kada tag-init na nakasentro sa pisa para "sa mga diyos at mga embahador mula sa mga ibang estado". Ang mga mito ay nagpapakita na pinatay ni Apollo ang chtonic na serpiyente na si Python, Pythia sa mga mas lumang mito ngunit ayon sa ilang mga kalaunang salaysay ay kanyang asawang babaeng si Pythia nna namuhay sa tabi ng Batis na Castalian. Ayon sa ilan ay dahil tinangka ni Python na gahasain si Leto habang siya'y buntis kay Apollo at Artemis. Ang mga katawan ng pares ay ibinalot sa palibot ng kanyang tungkol na ang mga pakpag ay lumikha ng simbolikong caduceus ng diyos.[10]

Ang batis na ito ay dumadaloy tungo sa templo ngunit naglaho sa ilalim na lumilikha ng isang biyak na naglalabas ng mga singaw na nagsanhi sa Orakulo ng Delphi na magbigay ng kanyang mga hula. Pinatay ni Apollo si Python ngunit kailangan parusahan para dito dahil siya ay isang anak ni Gaia. Ang dambanang inalay kay Apollo ay orihinal na inalay kay Gaia at pinagsasaluhan kay Poseidon.[10] Ang pangalang Pythia ay nanatiling pamagat ng Orakulong Delpiko.

Isinulat ni Erwin Rohde na si Python ay isang espiritong mundo na natalo ni Apollo at inilibing sa ilalim ng Omphalos at ito ay isang kaso ng diyos na nagtayo ng isang templo sa libingan ng isa pang diyos.[12] Ang isa pang pananaw ay naniniwala na si Apollo ay kamakailang karagdagan sa panteon ng mga diyos na orihinal na nagmula sa Lydia. Ang mga Etruskanong nagmula sa hilagaang Anatolia ay sumamba rin kay Apollo at at maaaring siya ay orhinal na katulad ni Aplu ng mitolohiyang Mesopotamiano na isang pamagat na wikang Akkadian na nangangahulugang "anak na lalake" na orihinal na ibinigay sa diyos na salot na si Nergal na anak ni Enlil. Si Apollo Smintheus (Griyego Απόλλων Σμινθεύς) ang pumapatay ng bubwit[13] ay lumilipol ng mga bubwit na pangunahing sanhi ng sakit at kaya ay nagtataguyod siya ng nagpipigil sa karamdamang medisina.

Orakulo

baguhin
 
View of Delphi.

Ang Delphi ay marahil pinakakilala para sa orakulo sa santuwaryo na inalay kay Apollo noong panahong klasiko. Ayon kay Aeschylus sa kanyang prologo ng Eumenides, ito ay may pinagmulan sa mga panahong prehistoriko at pagsamba kay Gaia. Sa huling kwarter ng ika-8 siglo BCE, may patuloy na pagtaas ng mga artipakto sa lugar na tirahan sa Delphi na isang bagong pagkatapos ng Mycenaean na tirahan ng huling ika-9 siglo BCE. Ang mga palayok at gawang tanso gayundin ang mga tripod na dedikasyon ay patuloy. Wala sa mga bagay na ito o mga prestihiyosong dedikasyon ay nagpapatunay na ang Delphi ang pinagtutuunan ng pansin para sa malawakang saklaw na mananamba ngunit ang malaking bilang ng mga mahahalagang bagay na hindi natagpuan sa ibang mga pangunahing lupaing santuwaryo ay tiyak na humihikayat sa pananaw na ito. Si Apollo ay nagsalita sa pamamagitan ng kanyang orakulo: ang sybil o saserdotisa ng orakulo ng Delphi ay kilala bilang Pythia: siya ay dapat isang mas matandang babae ng malinis na pamumuhay na nahirang mula sa mga magsasaka ng lugar. Siya ay nakaupo sa isang upuang tripod sa ibabaw ng isang bukanan ng lupa. Kapag pinapatay ni Apollo ang serpiyente, ang katawan nito ay nahuhulog sa biyak na ito at ang mga amoy ay umaalingasaw mula sa nabubulok na katawan nito. Sa pagkalango sa mga singaw nito, ang sibyl ay mahuhulog sa isang transiya na pumapayag kay Apollo na sapian ang kanyang espirito. Sa estadong ito ay siya ay nanghuhula. Pinagpalagay na ang isang gaas na mataas sa ethylene na kilalang lumilikha ng mga bayolenteng transiya ay lumalabas sa bukanang ito.[14][15]

Habang nasa transiya, ang Pythia nagtatalak na malamang ay isang anyo ng ekstatikong pananalumpati at ang kanyang mga pagtalak ay isinasalin ng mga saserdote ng templo sa mga eleganteng heksametro. Ang mga tao ay dumudulog sa orakulong Delphi tungkol sa lahat ng bagay mula sa mga mahahalagang bagay ng patakarang pampubliko hanggang sa mga pansariling mga bagay. Ang orakulo ay hindi madudulugan tuwing mga buwan ng tagginaw sapagkat ito ang tradisyonal na panahon nang si Apollo ay namumuhay kasama ng mga Hyperboreano. Si Dionysus ay mananahan sa templo sa kawalan ni Apollo.[16]

Ayon kay H.W. Parke, ang pundasyon ng Delphi at orakulo nito ay naganap bago pa ang itinalang kasaysayan ngunit nagpepetsa ng pagsamba sa mga Titano at kay Gaia.[17]

Ang Orakulo ay nagkaroon ng malaking impluwensiya sa buong daigdig na Sinaunang Griyego at siya ay dinudulugan bago ang lahat ng mga pangunahing gawain: mga digmaan, ang pagtatatag ng mga kolonya at iba pa. Siya ay ginagalang rin sa mga bansang semi-Heleniko sa buong daigdig na Sinaunang Griyego gaya ng Lydia, Caria at kahit sa Sinaunang Ehipto. Ang orakulo ay kilala rin sa mga sinaunang Romano. Pagkatapos masaksihan ng ikapito at huling hari ng Sinaunang Roma na si Lucius Tarquinius Superbus ang isang ahas malapit sa kanyang palasyo ay nagpadala ng isang delegasyon kabilang ang dalawa sa kanyang mga anak na lalake upang dumulog sa orakulo.[18]

Para sa talaan ng isang mga pinakakilalang mga pahayag na orakular ng Pythia, tingnan ang Talaan ng mga sikat na pahayag na orakular mula sa Delphi.

Ang Orakulo ay nakinabang mula sa mga haring Macedonian. Kalaunan, ito ay nilagay sa ilalim ng pag-iingat ng mga Aetoliano. Pagkatapos ng isang maikling panahon, ang impluwensiya ng mga Romano ay nagsimulang lumitaw at kanilang iningatan ang Orakulo mula sa isang mapanganib na pananakop na barbariko noong 109 BCE at 105 BCE. Ang isang pangunahing muling organisasyon ay sinimulan ngunit nagambala ng mga Digmaang Mithridatiko at mga digmaan ni Sulla na kumuha ng maraming mga mayayamang handog mula sa Orakulo. Ang mga pananakop ng Barbarian ay sumunog sa Templo na labis na napinsala ng lindol noong 83 BCE at kaya ang Orakulo ay nabulok at ang nakapalibot na lugar ay naghirap. Ang kalat kalat na lokal na populasyon ay humantong sa mga kahirapan sa pagpuno ng mga posteng kinakailangan.

Nang dumating si Emperador Nero sa Gresya noong 66 CE, kanyang tinangay ang higit sa 500 mga mahuhusay na estatwa mula sa Delphi tungo sa Roma. Ang mga kalaunang emperador Romano ng dinastiyang Flaviano ay malaking nag-ambag sa restorasyon nito. Si Emperador Hadrian ay nag-alok ng isang buong autonomiya dito. Gayundin, si Plutarko ay isang mahalagang paktor sa kanyang presensiya bilang punong saserdote. Gayunpaman, ang mga pananalakay ng mga barbarian noong panahon ni Marcus Aurelius at pag-aalis ng mga estatwa at ibang mga kayamananan ni Constantino I ay nagsanhi ritong mabulok. Ang maikling paghahari ni Julian ang Tumalikod ay hindi makapagpabuti rito. Ang Orakulo ay nagpatuloy hanggang sa ito ay isara ni emperador Theodosius I noong 395 CE. Ang lugar ay inabandona sa loob ng halos 100 taon hanggang sa ang mga Kristiyano ay nagsimulang permanenteng tumira sa lugar nito. Ang mga Krisityanong ito ay nagtayo ng isang maliit na bayan ng Kastri noong mga 600 CE.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sa wikang Ingles, ang pangalang Delphi ay binibigkas bilang /ˈdɛlf/ o, sa mas maka-Griyegong gawi, bilang /ˈdɛlfiː. Ang pagbabaybay na Griyego ay mayroong transliterasyong "Delphoi" (mayroong o); ang mga anyong pangdiyalekto ay kinabibilangan ng Belphoi – na ang Aeolianong anyo ay Dalphoi – ng anyong Phociano, pati na ng iba pang mga hinlog na pangdiyalektong Griyego Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine.
  2. Fontenrose, Joseph, The Delphic Oracle: Its Responses and Operations, with a Catalogue of Responses (1978). pp. 3–4. "Such was its prestige that most Hellenes after 500 B.C. placed its foundation in the earliest days of the world: before Apollo took possession, they said, Ge (Earth) (Gaia) and her daughter Themis had spoken oracles at Pytho. Such has been the strength of the tradition that many historians and others have accepted as historical fact the ancient statement that Ge and Themis spoke oracles before it became Apollo's establishment. Yet nothing but the myth supports this statement. In the earliest account that we have of the Delphic Oracle's beginnings, the story found in the Homeric Hymn to Apollo (281–374), there was no Oracle before Apollo came and killed the great she-dragon, Pytho's only inhabitant. This was apparently the Delphic myth of the sixth century".
  3. Farnell, Lewis Richard, The Cults of the Greek States, v.III, pp. 8–10, onwards. "The earth is the abode of the dead, therefore the earth-deity has power over the ghostly world: the shapes of dreams, which often foreshadowed the future, were supposed to ascend from the world below, therefore the earth-deity might acquire an oracular function, especially through the process of incubation, in which the consultant slept in a holy shrine with his ear upon the ground. That such conceptions attached to Gaia is shown by the records of her cults at Delphi, Athens, and Aegae. A recently discovered inscription speaks of a temple of Ge at Delphi. ... As regards Gaia, we also can accept it. It is confirmed by certain features in the latter Delphic divination, and also by the story of the Python."
  4. Odyssey, VIII, 80
  5. Plato, Charmides 164d–165a.
  6. Plato, Protagoras 343a–b.
  7. Hodge, A. Trevor. "The Mystery of Apollo's E at Delphi," American Journal of Archaeology, Vol. 85, No. 1. (Jan., 1981), pp. 83–84.
  8. H. Parke and D. Wormell, The Delphic Oracle, (Basil Blackwell, 1956), vol. 1, pp. 387–389.
  9. Parke & Wormell, p. 389.
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 Cf. Seyffert, Dictionary of Classic Antiquities, article on "Delphic Oracle" Naka-arkibo 2007-02-02 sa Wayback Machine.
  11. James Hall, A History of Ideas and Images in Italian Art, pp 70–71, 1983, John Murray, London, ISBN 0-7195-3971-4
  12. Rodhe, E (1925), "Psyche: The Cult of Souls and the Belief in Immortality among the Greeks", trans. from the 8th edn. by W. B. Hillis (London: Routledge & Kegan Paul, 1925; reprinted by Routledge, 2000). p.97.
  13. Entry: σμινθεύς Naka-arkibo 2009-12-02 sa Wayback Machine. at Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek-English Lexicon
  14. See Spiller, Hale, and de Boer (2000).
  15. John Roach (2001-08-14). "Delphic Oracle's Lips May Have Been Loosened by Gas Vapors". National Geographic. Nakuha noong 8 Marso 2007.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. See (e.g.) Fearn 2007, 182.
  17. Herbert William Parke, The Delphic Oracle, v.1, p.3. "The foundation of Delphi and its oracle took place before the times of recorded history. It would be foolish to look for a clear statement of origin from any ancient authority, but one might hope for a plain account of the primitive traditions. Actually this is not what we find. The foundation of the oracle is described by three early writers: the author of the Homeric Hymn to Apollo, Aeschylus in the prologue to the Eumenides, and Euripides in a chorus in the Iphigeneia in Tauris. All three versions, instead of being simple and traditional, are already selective and tendentious. They disagree with each other basically, but have been superficially combined in the conventional version of late classical times." Parke goes on to say, "This version [Euripides] evidently reproduces in a sophisticated form the primitive tradition which Aeschylus for his own purposes had been at pains to contradict: the belief that Apollo came to Delphi as an invader and appropriated for himself a previously existing oracle of Earth. The slaying of the serpent is the act of conquest which secures his possession; not as in the Homeric Hymn, a merely secondary work of improvement on the site. Another difference is also noticeable. The Homeric Hymn, as we saw, implied that the method of prophecy used there was similar to that of Dodona: both Aeschylus and Euripides, writing in the fifth century, attribute to primeval times the same methods as used at Delphi in their own day. So much is implied by their allusions to tripods and prophetic seats." Continuing on p.6, "Another very archaic feature at Delphi also confirms the ancient associations of the place with the Earth goddess. This was the Omphalos, an egg-shaped stone which was situated in the innermost sanctuary of the temple in historic times. Classical legend asserted that it marked the 'navel' (Omphalos) or center of the Earth and explained that this spot was determined by Zeus who had released two eagles to fly from opposite sides of the earth and that they had met exactly over this place". On p.7 he writes further, "So Delphi was originally devoted to the worship of the Earth goddess whom the Greeks called Ge, or Gaia (mythology). Themis, who is associated with her in tradition as her daughter and partner or successor, is really another manifestation of the same deity: an identity which Aeschylus himself recognized in another context. The worship of these two, as one or distinguished, was displaced by the introduction of Apollo. His origin has been the subject of much learned controversy: it is sufficient for our purpose to take him as the Homeric Hymn represents him – a northern intruder – and his arrival must have occurred in the dark interval between Mycenaean and Hellenic times. His conflict with Ge for the possession of the cult site was represented under the legend of his slaying the serpent."
  18. Livy, Ab urbe condita, 1.56