Singaw
Ang singaw ay isang sustansiyang naglalaman ng tubig sa anyong gas,[1]:7 at minsan, isang erosol ng mga patak ng likidong tubig, o hangin. Nangyayari ito dahil sa pagsingaw o dahil sa pagkulo, kung saan nilalapatan ng init hanggang naabot ng tubig ang entalpiya ng paggawa ng singaw. Hindi nakikita ang singaw na buo o sobra ang pagkakainit; bagaman, kadalasang tinutukoy na "singaw" ang basang singaw o singaw ng tubig, isang nakikitang ulap o erosol ng mga patak ng tubig.[1]:6
Tumataas ang bolyum ng tubig ng 1,700 beses sa pamantayang temperatura at presyon; maaring palitan ang pagbabago sa bolyum nito sa gawang mekanikal sa mga makinang de-singaw, tulad ng resiprokong makinang tipong piston at turbinang de-singaw, na isang sub-grupo ng mga makinang de-singaw. May sentral na pagganap ang mga makinang tipong piston sa Rebolusyong Industriyal at ginagamit ang makabagong turbinang de-singaw upang makagawa ng higit sa 80% ng elektrisidad ng mundo. Kung madidikit ang likidong tubig sa isang napakainit na ibabaw o nadepresyon ng mabilis na mababa sa presyon ng pagsingaw, makakalikha ito ng pagsabog ng singaw.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "steam". Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). Oxford University Press. Setyembre 2005.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (Kailangan ang suskripsyon o maging kasaspi ng publikong aklatan ng UK.)