Ang Nemo 33 ay isang pasilidad ng palanguyan sa Brussels, Belgium . Hawak nito ang pandaigdigang tala bilang ang pinakamalalim na panloob na palanguyan (swimming pool) sa buong mundo sa pagitan ng pagbubukas nito noong Mayo 2004, at ang pagkumpleto ng Y-40 sa Montegrotto Terme, Padua, Italya noong 5 Hunyo 2014.

Isang pook sa ilalim ng tubig ng Nemo, na may isang 34.5 m na lalim sa likuran
Ang larawan pababa sa malalim na lugar ng Nemo 33

Ang pinakamalalim na bahagi ng palanguyan ay may lalim na 34.5 metro (113 tal) . Naglalaman ito ng 2,500,000 litre (550,000 imp gal; 660,000 US gal) ng di-klorinado at nasalang bukal na tubig na pinananatili sa 30 °C (86 °F) na temperatura, at nagtataglay ng maraming mga kuweba sa 10 metro (33 tal) na lalim. Dahil sa mainit na temperatura sa palanguyan, ang mga maninisid ay maaaring lumangoy nang matagal. Ang palanguyan ay dinisenyo ng Belhikong eksperto sa paglangoy na si John Beernaerts bilang isang tagubilin sa pagsisid na may maraming mga gamit, libangan, at pasilidad sa paggawa ng pelikula noong 2004. Ang Popular Mechanics ay nagraranggo sa Nemo 33 bilang isa sa mga nangungunang 18 mga pambihirang palanguyan sa buong mundo.

Kaligtasan

baguhin

Pinapayagan ng pasilidad ang mga turista, baguhan, at propesyunal na tagasisid. Kinakailangan nito na ang mga tagasisid ay hindi bababa sa 12 taong gulang at nasa mabuting kalusugan. Ang lahat ay dapat na sertipikado o pinangangasiwaan ng isang tagapagsanay. Ang lahat ng mga tagasisid ay dapat magkaroon ng isang sertipikadong kasama o propesyunal .

Mga tampok

baguhin

Naglalaman ang pasilidad ng isang kainan, tindahan ng mga aklat, damit panlangoy, mga pasalubong, at mga silid para sa iba pang mga aktibidad pantubig. Mayroong maraming mga bintana sa ilalim ng tubig na nagpapahintulot sa mga bisita sa labas na tumingin sa iba't ibang mga kalaliman ng palanguyan. Nag-aalok din ito ng mga pamamasyal sa paligid ng lungsod ng Brussels.

Mga sanggunian

baguhin

 

baguhin