Isang programang pambalitaan ang News Watch 9 (Hapones: ニュースウオッチ9, NW9) ng NHK sa Hapon. Napapanood ang NW9 mula Lunes hanggang Biyernes, alas-9 ng gabi sa NHK-General TV. Sabayan din itong napapanood sa NHK World TV at NHK World Premium.

News Watch 9
Logo ng News Watch 9
Uriprogramang pambalitaan
GumawaNHK News and Current Affairs
Pinangungunahan ni/ninaHideo Yanagisawa, Toshie Ito, Yuko Aoyama, Nobuyuki Hirai
Bansang pinagmulanHapon
WikaNippongo, Ingles (serbisyong bilinggwal, mapapakinggan lamang sa NHK World TV at NHK World Premium)
Bilang ng kabanatahindi nakatala
Paggawa
Ayos ng kameraMulti-camera setup
Oras ng pagpapalabas1 oras
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanNHK
Picture formatHDTV 1080i
Audio formatstereo
Orihinal na pagsasapahimpapawidAbril 2006 (2006-04) –
kasalukuyan
Kronolohiya
Sumunod saNHK News 9
Website
Opisyal

Pangkalahatan

baguhin
  • Mula Marso 1993 hanggang Marso 2000, NHK News 9 ang balitaan ng NHK sa huling bahagi ng primetime. Ngunit nang ilunsad ang NHK News 10, and dating 1 oras ng News 9, naging 15 minuto na lamang. Anim na taong namayagpag sa himpapawid ang News 10 hanggang sa muling ibalik sa alas-9 ng gabi ang oras ng balitaan.
  • Bilang isang bagong programang naiiba sa News 10, inihahain ng NW9 ang mga balita mula sa pandaigdigang pananaw, patas, at balanse.
  • Tanging sa NHK World TV at NHK World Premium na lamang may serbisyong bilinggwal ang NW9.
  • Kapag panahon ng FIFA World Cup at Olympics, nahuhuli ng 2 oras ang pagsasahimpapawid ng NW9 sa NHK World dahil sa mga footage ng laro na tanging sa Hapon lamang puwedeng iere.
  • Noong Nobyembre 15, 2006, naglaan ang NW9 ng isa't kalahating oras mula sa oras na nag-umpisa ito hanggang alas-10 y medya, dahil sa babala ng tsunami sa hilagang Hapon at mga bansa sa Karagatang Pasipiko matapos ang isang napakalakas na lindol sa ilalim ng dagat malapit sa Kuril, Rusya.
  • Matapos ang isang balita, nagkokomentaryo ang mga tagapagbalita. Ang kanilang mga opinyon ay timbang na timbang upang maipadama ang pagiging patas at balanse ng buong NHK, bilang pampublikong organisasyong pambalitaan.

Mga Tagapagbalita

baguhin
  • Hideo Yanagisawa (kasalukuyang naka-sick leave dahil sa sakit sa baga; Oktubre 2007 ~)
  • Hidetoshi Fujisawa (humahaliling tagapagbalita; Oktubre 2007 ~)
  • Toshie Ito
  • Yuko Aoyama (balitang pampalakasan)
  • Nobuyuki Hirai (ulat panahon)

Pagbubukas ng Programa

baguhin

Nagsisimula ang NW9 sa 2 segundong katahimikan. Sabay na ipapakita ang ulat ng pangunahing balita at ang opening animation ng logo ng NW9. Limang minuto tumatagal ang ulat bago lumabas ang mga tagapagbalita. Binabasa lamang ng mga tagapagbalita ang ulo ng mga balita at walang kaakibat na video. Bagaman hitik sa mga graphics ang NW9, wala itong temang musika.

Mula Abril hanggang Hunyo 2006, nagsisimula ang NW9 sa OBB nito na may iba't ibang mga mata mula sa iba't ibang tao.

Ang Pagbabawal sa Manuskrip sa Loob ng Studio

baguhin
  • Bawal ang pagdadala ng manuskrip sa loob ng studio.
  • Hindi madalas ang paggamit ng TelePrompter(ang monitor na nakakabit sa harap ng kamera upang mabasa ang balita ng nakatingin sa kamera) upang mabigyan ng mas natural na dating ang programa.
  • Mahusay sa pag-adlib ang mga tagapagbalita at tagapagulat ng NW9 dahil nga sa kawalan ng manuskrip.

Kronolohiya ng mga Balitaan sa alas-9 ng Gabi

baguhin
  • NHK News This Day (Marso 1961-Marso 1964)
  • News Center 9 (Abril 1974-Marso 1988)
  • NHK News Today (Abril 1988-Marso 1990)
  • NHK News 21 (Abril 1990-Marso 1993)
  • NHK News 9 (Abril 1993-Marso 2006)
  • News Watch 9 (Abril 2006-kasalukuyan)

Mga Kawing Panlabas

baguhin