Nicolaas Bloembergen
Si Nicolaas Bloembergen (11 Marso 1920 - 5 Setyembre 2017) ay isang Olandes-Amerikanong pisiko. Ginawaran siya ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 1981. Napanalunan niya ang gantimpala na kasama sina Arthur Schawlow at Kai Siegbahn. Napagwagian nila ang premyo dahil sa kanilang mga gawain sa ispektroskopiya ng laser.[2] Ipinanganak si Bloembergen sa Dordrecht, Netherlands. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Leiden at sa Pamantasan ng Utrecht. Si Bloembergen ay naging isang naturalisadong mamamayan ng Estados Unidos noong 1951.
Nicolaas Bloembergen | |
---|---|
Kapanganakan | 11 Marso 1920
|
Kamatayan | 5 Setyembre 2017[1] |
Mamamayan | Kaharian ng Neerlandiya Estados Unidos ng Amerika |
Nagtapos | Unibersidad ng Leiden Harvard University Unibersidad ng Utrecht |
Trabaho | pisiko, pisiko teoriko, propesor ng unibersidad |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Nobelprijswinnaar Nicolaas Bloembergen (97) overleden".
- ↑ "Nicolaas Bloembergen". IEEE Global History Network. IEEE. Nakuha noong 18 Hulyo 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Siyentipiko, Estados Unidos at Netherlands ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.