Ang Nicomedia ( /ˌnɪkəˈmdiə/;[1] Griyego: Νικομήδεια, Nikomedeia; modernong İzmit) ay isang sinaunang Griyegong lungsod na matatagpuan sa kasalukuyang Turkey. Noong 287, ito ang naging silangan at nangungunang kabeserang lungsod ng Imperyong Romano (pinili ni Diocleciano na inangkin ang titulong Augusto ng Silangan), isang kalagayang pinanatili ng lungsod sa ilalim ng sistemang Tetrarkiya (293–324).

Nicomedia
Pranses na guhit sa Nicomedia, 1882
Nicomedia is located in Turkey
Nicomedia
Kinaroroonan sa Turkey
Nicomedia is located in Dagat ng Marmara
Nicomedia
Nicomedia (Dagat ng Marmara)
KinaroroonanTurkey
RehiyonLalawigan ng Kocaeli
Mga koordinado40°45′45″N 29°55′03″E / 40.76250°N 29.91750°E / 40.76250; 29.91750

Natapos ang Tetrarkiya sa Labanan ng Crisopolis (Üsküdar) noong 324, nang tinalo ni Constantino si Licinius at naging nag-iisang emperador. Noong 330, pinili ni Constantino para sa kaniyang sarili ang kalapit na Byzantium (sa paglaon ay pinangalanang Constantinopla, modernong Istanbul) bilang ang bagong kabesera ng Imperyong Romano.

Ang lungsod ay napabilang sa Imperyong Otomano sa pagkapanalo ni Sultan Orhan Gazi laban sa Silangang Imperyong Romano.

Mga labi

baguhin
 
Mga labi ng Nicomedianong akwedukto sa İzmit

Ang mga labi ng Nicomedia ay nakabaon sa ilalim ng mataong lungsod ng İzmit, na labis na nakahhadlang sa komprehensibong paghuhukay. Bago ang urbanisasyon ng ika-20 siglo, may ilang labi ng lungsod mula sa panahong Romano ang makikita, pinakatanyag ang mga Romanong pader pangdepensa na pumapalibot sa lungsod at ilang akwedukto na dating nagpadala ng tubog sa Nicomedia. Kasama sa ilang monumento ang mga pundasyon ng isang ika-2 siglong AD na marmol na ninfeo sa kalye İstanbul, isang malaking tangke para sa Hudyong sementeryo, at mga bahagi ng pader sa pantalan.[2]

Ang lindol sa İzmit noong 1999, na lubos na nakapinsala sa lungsod, ay nagpahintulot ng mga pangunahing pagkakatuklas ng sinaunang Nicomedia habang nililinis ang mga wasak. Isang kaban ng mga sinaunang estatwa ang nadiskubre, kasama ang mga estatwa nina Herkules, Athena, Diocleciano, at Constantino.[3]

Sa mga taon matapos ng lindol, isinaalang-alan ng Probinsiya na Pampangasiwaang Kultural ng Izmit ang maliliit na pook para sa paghuhukay, kasama ang pook na natukoy bilang Palasyo ni Diocleciano at isang katabing Romanong teatro, Noong Abril 2016, isang malawakang paghuhukay sa palasyo ang nagsimula sa pamamalakad ng Museo Kocaeli, na nagtaya na ang pook ay may lawak na 60,000 kilometro kuwadrado (196,850 talampakan kuwadradro).[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. ""Nicomedia" in the American Heritage Dictionary". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-09-30. Nakuha noong 2012-07-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2014-09-30 sa Wayback Machine.
  2. W.L. MacDonald (1976). "NICOMEDIA NW Turkey". The Princeton Encyclopedia of Classical Sites. Princeton University Press.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Ancient underground city in izmit excites archaeology world". Hürriyet Daily News. 2016-03-04. Nakuha noong 2018-01-14.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Ancient underground city in izmit excites archaeology world". Hürriyet Daily News. 2016-03-04. Nakuha noong 2018-01-14.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)