Enrique Peña Nieto

(Idinirekta mula sa Nieto)

Si Enrique Peña Nieto (ipinanganak 20 Hulyo 1966) ay ang ika-57 Pangulo ng Mehiko. Ang kanyang anim na taong termino ay nagsimula noong 2012.[1] Isang kasapi ng Partido Revolucionario Institucional (PRI; Institutional Revolutionary Party), siya ay naglingkod bilang gobernador ng Estado ng Mexico mula 2005 hanggang 2011.[2] Idineklarang "president-elect" si Peña Nieto nang ang halalang pangkahalatan ng 2012 ay idineklarang may bisa (valid) ng Federal Electoral Tribunal,[1][3] sa gitna ng mga akusasyon ng pandaraya.[4][5] Umupo siya sa posiyon noong 1 Disyembre 2012,[1] sinundan si Felipe Calderón.[6][7]

Enrique Peña Nieto
ika-57 Pangulo ng Mehiko
Nasa puwesto
1 Disyembre 2012 – 30 Nobyembre 2018
Nakaraang sinundanFelipe Calderón
Sinundan niAndrés Manuel López Obrador
ika-69 Gobernador ng Estado ng Mehiko
Nasa puwesto
16 Setyembre 2005 – 16 Setyembre 2011
Nakaraang sinundanArturo Montiel
Sinundan niEruviel Ávila
Personal na detalye
Isinilang (1966-07-20) 20 Hulyo 1966 (edad 58)
Atlacomulco, Estado ng Mehiko, Mehiko
Partidong pampolitikaInstitutional Revolutionary Party
Asawa
  • Mónica Pretelini Sáenz (m. 1993-11 Enero 2007)
  • Angelica Rivera (m. 27 Nobyembre 2010)
Anak4
TahananMonterrey, N.L.
Alma materPamantasang Panamerikano
Pirma

Inihayag ni Peña Nieto ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo noong Setyembre 2011,[8] apat na araw matapos umalis bilang gobernador. Pormal siyang magparehistro noong Nobyembre 2011.[9] Natamo ni Peña Nieto ang 39% ng mga boto at hindi natamo ang mayorya sa lehislatura. Ang kanyang pagkakahalal ang nagmarka sa pagbabalik ng PRI sa kapangyarihan matapos itong mawala nang 12 taon.[10] Pinamuuan ng PRI ang Mexico sa loob ng 71 taong walang patid hanggang ito ay matalo ng Partido Acción Nacional (PAN; National Action Party) noong 2000.[11][12]

Ang pagbabalik ng PRI ay hindi tinatanggap ng lahat.[13] Humila ng libu-libong tao sa buong Mehiko ang mga martsa laban Peña Nieto, partikular mula sa kilusang mag-aaral na Yo Soy 132, na nagprotesta sa umano'y iregularidad sa pagboto at media bias.[14][15] Iprinotesta rin ng iba na noong panahon ng kanilang kapangyarihan, ang PRI naging simbolo ng katiwalian, pagsupil (repression), hindi maayos na pamamahala ng ekoniya at pandaraya sa halalan. Maraming Mexicano at mga naninirahan sa lungsod ay nag-aalala na ang pagbabalik sa kapangyarihan ng PRI ay maaaring magpahiwatig sa Mexico ng pagbalik sa nakaraan.[16] Ipinangako ni Peña Nieto na ang kanyang pamahalaan ay magiging mas demokratiko, moderno at bukas sa pamumuna.[17] Nangako rin siya na itutuloy ang laban sa organisadong krimen at kalakalan sa droga at kawalang pakikipagkasundo sa mga kriminal.[17]

Ang pamumuno ng PAN ay minarkahan ng kawalan ng kakayahang magpasa ng reporma at nagkulang din mayorya sa kongreso. Sinasabi rin ng PRI na "alam nito kung paano mamamahala", isang argumentong sapat na upang himukin ang maraming botante na suportahan ang partido.[18] Sa buong halalan napanatili ni Peña Nieto ang kanyang pangunguna sa polls.[19] Ipinangako niya na muling palakasin ang ekonomiya ng Mexico,[6] pahintulutan ang pambansang kompanya ng langis na Pemex upang makipagkumpetensya sa pribadong sektor,[20] at mabawasan ang karahasan sa droga na nag-iwan ng 55,000 patay sa anim na taon.[21] Si Peña Nieto ay dalawang beses na lumabas sa talaan ng magasing Forbes ng Pinakamakapangyaring Tao sa Mundo (List of The World's Most Powerful People), una noong 2013, sa ika-37 puwesto, at noong 2014, sa ika-60 puwesto.[22]

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Thomet, Laurent (31 August 2012).
  2. "Mexico election: Enrique Pena Nieto".
  3. "About Us". Electoral Tribunal of the Federal Judicial Branch. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Marso 2013. Nakuha noong 20 Hulyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Mexico: Allegations of Fraud Follow Peña Nieto". The Daily Beast. 30 Nobyembre 2012. Nakuha noong 12 Enero 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Allegations of fraud continue to overshadow the Mexican Election Results". BWNews.us. 10 Hulyo 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Marso 2013. Nakuha noong 12 Enero 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Viette, Catherine (2 Hulyo 2012). "PRI's Enrique Peña Nieto wins Mexican presidency". France 24. Nakuha noong 17 Hulyo 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. O'Boyle, Michael (8 July 2012).
  8. "Mexico's 2012 Presidential Favorite Announces Candidacy".
  9. "Pena Nieto confirms Mexico 2012 presidential bid". BBC News. 28 Nobyembre 2011. Nakuha noong 17 Hulyo 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Enrique Pena Nieto wins Mexican presidential election". The Daily Telegraph. London. 2 Hulyo 2012. Nakuha noong 17 Hulyo 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Graham, Dave (2 July 2012).
  12. Star, Pamela K. (6 July 2012).
  13. "Mexico's election: The PRI is back".
  14. "Thousands protest outcome of elections in Mexico".
  15. "Protests target Peña Nieto in Mexico City".
  16. Jackson, Allison (1 July 2012).
  17. 17.0 17.1 Castillo, Eduardo E. (2 July 2012).
  18. Rama, Anahi (2 July 2012).
  19. Rosenberg, Mica (26 June 2012).
  20. Gutierrez, Miguel (9 April 2012).
  21. Ioan Grillo (5 July 2012).
  22. "Enrique Pena Nieto". 30 October 2013.