Night Owl: A Nationbuilder's Manual

2021 memoir a sinurat ni Anna Mae Yu Lamentillo

Ang Night Owl: A Nationbuilder’s Manual ay isang talang-gunita na isinulat ni dating Build Build Build Committee Chairperson Anna Mae Yu Lamentillo[1], na nagbibigay ng komprehensibong pagsiyasat ng patakaran sa imprastraktura ng Pilipinas sa ilalim ng Build Build Build program ni dating Pangulong Rodrigo Duterte[2]. In-edit ni Manila Bulletin Lifestyle Editor AA Patawaran, at inilathala noong Disyembre 10, 2021 ng Manila Bulletin Publishing Corporation, ang aklat ay maaring makuha ng hardbound, paperback, eBook, at audio version[3].

Night Owl
Book Cover
PatnugotAA Patawaran
May-akdaAnna Mae Yu Lamentillo
IlustrasyonIsabella Concepcion, Christian John Santos
Gumawa ng pabalatJethro Razo
BansaPhilippines
WikaEnglish
SeryeA Nationbuilder's Memoir
PaksaAutobiography
Political memoir
TagapaglathalaManila Bulletin
Petsa ng paglathala
December 10, 2021
Uri ng midyaPrint
Mga pahina380
ISBN9789719488088 hardcover
OCLC1333930441
Dewey Decimal
352.7709599
Klasipikasyon ng Aklatan ng KongresoHC460.C3 L36 2021
Websaytnightowl.ph

Inilatag sa libro ang mahahalagang impormasyon tungkol sa tinutukoy ng administrasyong Duterte bilang Golden Age of Infrastructure ng Pilipinas, kabilang ang mga pangunahing proyekto nito tulad ng EDSA Decongestion Program [4], Luzon Spine Expressway Project [5], Mega Bridge Masterplan, Metro Manila Logistics Network, at ang Mindanao Road Development Network [6] [7].

Kasama sa ikalawang edisyon ng aklat ang bagong kabanata tungkol sa isinusulong na Build Better More ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. [8]

Kasaysayan

baguhin

Ang Night Owl: A Nationbuilder’s Manual ay ang unang libro ni Anna Mae Yu Lamentillo, isang opisyal ng gobyerno na nagsilbing tagapangulo ng Build Build Build Committee at tagapagsalita ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sa pamumuno ng dating DPWH Secretary at ngayon ay Senador Mark Villar. [9]

Idinetalye ni Lamentillo sa librong ito ang programang Build Build Build mula sa pagsisimula nito noong 2016 hanggang sa mga natapos nito noong 2021 nang magbitiw si Villar sa DPWH para tumakbong senador.[10]

Ibinahagi niya ang kaniyang personal na kaalaman tungkol sa programa, kabilang na ang mga pinagdaanang hamon, tulad ng pandemya ng COVID-19 na pansamantalang nagpahinto sa pagtatayo ng mga proyekto at nag-urong ng mga timeline, ngunit ang muling pagpapatuloy nito ay sinasabing pangunahing tumulong sa pagbawi ng ekonomiya ng Pilipinas. Sinubukan din niyang pabulaanan ang mga pahayag ng mga kritiko ng programa. [11][12][13]

Nagsilbi rin si Lamentillo bilang Undersecretary for Foreign Relations and Public Affairs ng Department of Information and Communications Technology (DICT). [14] Sa ikalawang edisyon ng libro, isinama niya ang isang kabanata sa digital infrastructure strategy ng administrasyong Marcos Jr. [15]

Ang pamagat ng libro ay kinuha sa pangalan ng kaniyang dalawang beses sa isang linggo na column, ang Night Owl, sa seksiyong Opinyon ng Manila Bulletin, kung saan walong taon na siyang nagsusulat. [16]

Nilalaman

baguhin

Sa paglabas ng libro noong Disyembre 2021 [17], inilarawan ito ni Lamentillo bilang isang “pagpupugay sa lahat ng bumuo at nagplano sa tinaguriang Golden Age of Infrastructure ng Pilipinas, at para sa lahat ng 6.5 milyong manggagawang Pilipino na nagsagawa ng mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build.”

Kabilang dito ang mga paunang salita mula kay dating Pangulong Duterte, dating Executive Secretary Salvador C. Medialdea, at Senador Mark Villar.

Unang Edisyon

baguhin

Ang Night Owl: A Nationbuilder's Manual ay unang inilunsad noong Disyembre 2021 na may 11 kabanata at 366 na pahina. [18][19]

Ikalawang Edisyon

baguhin

Ang ikalawang edisyon ay nailathala noong 2022 ngunit opisyal na inilunsad noong Marso 2023 kasama ang Edisyong Filipino. Mayroon itong 12 na kabanata at 375 na pahina. Sa ika-12 na kabanata, isinalaysay ni Lamentillo kung paano siya bumalik sa serbisyo publiko sa pamamagitan ng DICT at ang pagtuloy ng administrasyong Marcos Jr. sa layunin ng Build Build Build sa pamamagitan ng Build Better More na kinabibilangan ng mga imprastraktura para sa digitalisasyon. [20] [21]

Isinulat ang aklat sa perspektibo ni Lamentillo bilang tagapangulo ng Build Build Build Committee. Madalas niyang banggitin ang 6.5 milyong Pilipino na mahalaga sa pagkumpleto ng lahat ng mga proyektong imprastraktura na itinayo sa pagitan ng 2016 at 2021—29,264 kilometro ng mga kalsada, 5,950 na mga tulay [22], 11,340 na mga estrukturang pangontrol sa baha, 222 na evacuation centers, 150,149 na mga silid-aralan, 214 na mga proyekto sa paliparan, at 451 proyektong daungan.[23]

Ibinahagi rin niya sa libro ang kaniyang mga karanasan habang nasa programa bilang pagtatangka na magbigay ng mas mahusay na pag-unawa sa mga pinagdaanan ng karamihan sa mga proyekto bago ang pagsisimula ng konstruksiyon hanggang sa pagtatapos.

Mga Highlight

baguhin
 
Book Cover Night Owl (Bisaya nga Edisyon)

EDSA Decongestion Program

baguhin

Malawakang tinalakay sa libro ang EDSA Decongestion Program, isang planong lumikha ng mga alternatibong ruta kaugnay sa hangarin na maibsan ang trapiko sa kahabaan ng 90-taong gulang na highway na lumampas na sa maximum capacity nito na 288,000 na sasakyan kada araw. Binubuo ito ng 25 proyekto, kabilang ang mga kalsada at tulay tulad ng Metro Manila Skyway Stage 3, ang NLEX Harbour Link C3-R10 Section, ang Radial Road 10, ang Fort Bonifacio-Nichols Field Road, ang Estrella-Pantaleon Bridge, at ang Laguna Lake Highway.

Pag-uugnay sa Luzon, Visayas, at Mindanao sa pamamagitan ng paglalakbay sa lupa Sa tatlong kabanata ng libro, tinalakay ni Lamentillo ang mga nagawa ng Build Build Build sa bawat rehiyon ng Pilipinas. Ayon sa kanya, sa kauna-unahang pagkakataon ay pantay ang katayuan ng Luzon, Visayas, at Mindanao kung ang pag-uusapan ay ang pondo sa mga proyektong pang-imprastraktura.

Kabilang sa Build Build Build ang Mega Bridge Project na ang layunin ay tuluyang maiugnay ang tatlong pangunahing isla ng Luzon, Visayas, at Mindanao sa pamamagitan ng paglalakbay sa lupa. Kabilang sa mga proyektong ito ay ang Bataan-Cavite Interlink Bridge, ang Panglao-Tagbilaran City Offshore Connector Bridge, ang Guicam Bridge, ang Panay-Guimaras-Negros Island Bridge, ang Cebu-Mactan Bridge at Coastal Road Construction Project, ang Panguil Bay Bridge, at ang Samal Island-Davao City Connector Bridge.

Mga Reporma

baguhin

Isinalaysay ni Lamentillo kung bakit kinailangang magsagawa ng mga bagong solusyon upang matugunan ang mga lumang problema na humahadlang sa kahusayan ng pagpapatupad ng proyekto.

Sinabi rin sa libro na ang mga ghost project ay nawala sa pamamagitan ng drone monitoring at satellite technology. Ang Infra-Track App ay nagbibigay sa DPWH ng real-time na mga update sa katayuan ng mga proyekto sa pamamagitan ng paglalagay ng mga larawang isinumite para sa pagsubaybay sa eksaktong geographic coordinate kung saan sila kinuha.

Ipinaliwanag ni Lamentillo sa aklat na ang problema sa pagkuha ng right-of-way (ROW), na kadalasang dahilan na nagpapatagal sa pagsisimula o pagkumpleto ng isang proyekto sa imprastraktura, ay natugunan sa pamamagitan ng paglikha ng mga Right-of-Way Task Force para sa bawat proyektong ipinapatupad, at ang desentralisasyon ng ROW acquisition function kaya ang mga panrehiyong opisina ay nagkaroon ng kapasidad dahil sa kanilang sariling right-of-way division.

Marawi siege

baguhin

Nang matapos ang digmaan sa Marawi, kabilang ang DPWH sa mga ahensyang bumuo ng Task Force Bangon Marawi para magsagawa ng plano sa rehabilitasyon para sa lungsod na nawasak ng ilang buwan ng digmaan.

Sa libro ay nagbigay si Lamentillo ng estado ng konstruksyon ng mga proyektong pang-imprastraktura para sa rehabilitasyon ng Marawi.

COVID-19

baguhin

Idinetalye ng aklat kung paano umano nakatulong ang Build Build Build na mabawasan ang epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng patuloy na pampublikong pamumuhunan at paglikha ng mga trabaho.

Kabilang sa mga nagawa ng programa ay ang pagsasaayos ng mga kasalukuyang pasilidad upang maging COVID-19 isolation center at dormitoryo para sa mga kawani sa ospital, gayundin ang pagtatayo ng mga modular na ospital para sa mga pasyenteng may malubhang sintomas.

Paglalathala

baguhin

Detalye ng paglabas

baguhin

Ang Ingles na bersyon na Night Owl ay inilabas sa paperback, hardcover, eBook, at audio version. [24]
Inilathala ang libro ng Manila Bulletin Publishing Corporation noong Disyembre 10, 2021. [25].

  • Paperback:
    • Lamentillo, Anna Mae (Disyembre 10, 2021). Night Owl: A Nationbuilder's Manual (sa wikang Ingles). Philippines: Manila Bulletin Publishing Corporation. ISBN 978-621-8392-03-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Hardcover:
    • Lamentillo, Anna Mae (Disyembre 10, 2021). Night Owl: A Nationbuilder's Manual (sa wikang Ingles) (ika-1st (na) edisyon). Philippines: Manila Bulletin Publishing Corporation. ISBN 978-971-94880-8-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    • Lamentillo, Anna Mae (Disyembre 10, 2021). Night Owl: A Nationbuilder's Manual (sa wikang Ingles) (ika-2nd (na) edisyon). Philippines: Manila Bulletin Publishing Corporation. ISBN 978-621-96635-8-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Mobi/Kindle:
    • Lamentillo, Anna Mae (Disyembre 10, 2021). Night Owl: A Nationbuilder's Manual (sa wikang Ingles) (ika-2nd (na) edisyon). Philippines: Manila Bulletin Publishing Corporation. ISBN 978-621-8392-02-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • PDF Downloadable:
    • Lamentillo, Anna Mae (Disyembre 10, 2021). Night Owl: A Nationbuilder's Manual (sa wikang Ingles) (ika-2nd (na) edisyon). Philippines: Manila Bulletin Publishing Corporation. ISBN 978-621-8392-04-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Pagsasalin

baguhin

Bukod sa Ingles, ang Night Owl: A Nationbuilder’s Manual ay naisalin na sa tatlong wika: Tagalog [26], Ilokano [27], at Bisaya [28]. Inaasahang ilalabas ng Manila Bulletin ang edisyong isinalin sa Hiligaynon [29]. sa 2024.

Wika Titulo Nagsalin Tagapaglathala Petra ng paglathala Print eBook
Tagalog [30] Night Owl
  • Richard De Leon
Manila Bulletin November 17, 2020
Ilokano [31] Night Owl
  • Cles B. Rambaud and Juan Al. Asuncion
Manila Bulletin September 18, 2023
Bisaya [32] Night Owl
  • Richel G. Dorotan
Manila Bulletin September 18, 2023

Mga sanggunian

baguhin
  1. Unite, Betheena (Nobyembre 15, 2022). "Former Build, Build, Build committee chair now a DICT undersecretary". Manila Bulletin Publishing Corporation.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Patawaran, AA (Disyembre 10, 2021). "Night Owl: A Nationbuilder's Manual". Manila Bulletin Publishing Corporation.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. {{cite news |last1=Legaspi |first1=John |title=You can now listen to Anna Mae Yu Lamentillo’s ‘Night Owl’ |url=https://mb.com.ph/2022/1/28/you-can-now-listen-to-anna-mae-yu-lamentillos-night-owl |publisher=Manila Bulletin Publishing Corporation
  4. Lamentillo, Anna Mae (Enero 24, 2021). "21 things you need to know about the EDSA decongestion program". Manila Bulletin Publishing Corporation.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Unite, Betheena (Enero 28, 2021). "Luzon Spine Expressway: A road network eyed to shorten travel time between La Union and Bicol to 9 hours". Manila Bulletin Publishing Corporation.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Lamentillo, Anna Mae (Nobyembre 4, 2017). "'Build, Build, Build': Metro Manila Logistics Infrastructure Network". Manila Bulletin Publishing Corporation.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Lamentillo, Anna Mae (Marso 14, 2023). Night Owl: A Nationbuilder's Manual (ika-2nd (na) edisyon). Manila Bulletin Publishing Corporation. ISBN 978 621-96635-8-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Lamentillo releases 2nd edition of 'Night Owl' book". Manila Bulletin Publishing Corporation. Disyembre 2, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Jiao, Claire (April 4, 2017). "The women of Duterte's Malacañang". CNN Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Nobiyembre 2023. Nakuha noong 16 November 2023. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  10. "Anna Mae Lamentillo Highlights the Country's Build Projects With Night Owl's Second Edition". Mega Magazine. Disyembre 2, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Lamentillo, Anna Mae (Marso 14, 2023). Night Owl: A Nationbuilder's Manual (ika-2nd (na) edisyon). Manila Bulletin Publishing Corporation. ISBN 978 621-96635-8-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "There's now a book that recaps the 'Build, Build, Build' program". Top Gear PH. Disyembre 13, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Anna Mae Lamentillo Highlights the Country's Build Projects With Night Owl's Second Edition". The Mega Team. Disyembre 2, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Manabat, Jacque (Nobyembre 14, 2022). "Former 'Build, Build, Build' chairperson is now DICT Undersecretary". ABS CBN News.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Lamentillo releases 2nd edition of 'Night Owl' book". Manila Bulletin Publishing Corporation. Disyembre 2, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Lamentillo, Manila Bulletin columnist, awarded Veritas Medal". Manila Bulletin. Disyembre 5, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "There's now a book that recaps the 'Build, Build, Build' program". Top Gear PH. Disyembre 13, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Lamentillo, Anna Mae (Marso 14, 2023). Night Owl: A Nationbuilder's Manual (ika-2nd (na) edisyon). Manila Bulletin Publishing Corporation. ISBN 978 621-96635-8-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "There's now a book that recaps the 'Build, Build, Build' program". Top Gear PH. Disyembre 13, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Anna Mae Lamentillo Highlights the Country's Build Projects With Night Owl's Second Edition". Mega Magazine. Disyembre 2, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Rodriguez, Feliciano (Marso 15, 2023). "LOOK: Two former presidents attend 'Night Owl' book launch at The Manila Hotel". Manila Bulletin.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Remo, Amy (Agosto 28, 2021). "DPWH's impressive accomplishment portfolio". Philippine Daily Inquirer.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "She's helped build 24,000 km of roads, 4,959 bridges, 137,000 classrooms—and she just graduated". Manila Bulletin. Hulyo 30, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Legaspi, John. "You can now listen to Anna Mae Yu Lamentillo's 'Night Owl'". Manila Bulletin Publishing Corporation.
  25. Patawaran, AA (Disyembre 10, 2021). "Night Owl: A Nationbuilder's Manual". Manila Bulletin Publishing Corporation.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Gutierrez, Dennis (Marso 6, 2023). "Lamentillo to launch Night Owl Filipino Edition". News Article. Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Nobyembre 11, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "'Night Owl' to be launched in Ilokano, Visayan dialects". The Philippine Star. Setyembre 18, 2023. Nakuha noong Nobyembre 11, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Lamentillo to launch 'Night Owl' in Ilokano, Bisaya, Hiligaynon". Business Mirror. Setyembre 18, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "'Night Owl: A Nationbuilder's Manual' to be released in Ilokano , Bisaya, Hiligaynon versions". Manila Bulletin Publishing Corporation. Agosto 26, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Gutierrez, Dennis (Marso 6, 2023). "Lamentillo to launch Night Owl Filipino Edition". News Article. Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Nobyembre 11, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "'Night Owl' to be launched in Ilokano, Visayan dialects". The Philippine Star. Setyembre 18, 2023. Nakuha noong Nobyembre 11, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Lamentillo to launch 'Night Owl' in Ilokano, Bisaya, Hiligaynon". Business Mirror. Setyembre 18, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)