Nila
Ang Nila (Scyphiphora hydrophyllacea, chengam sa Singapore) ay isang palumpong umaabot sa 3 m (10 tal) sa taas. Makikita ito sa mga kagubatan ng mga bakawan o sa mga mabuhanging dalampasigan. Ang mga dahon nito ay nakahanay na magkatapat. Malapad ang mga dahon at kahugis ng patak ng tubig. Ang mga sibol nito at mga batang dahon ay nababalutan ng isang bagay na katulad ng barnis. Ang mga bulaklak nito ay mapuputi at may kaunting mala-rosas na kulay. Ang mga ito ay makikita sa mga nakasiksik na kumpol.
Nila | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
(walang ranggo): | |
(walang ranggo): | |
(walang ranggo): | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | Scyphiphora
|
Espesye: | S. hydrophyllacea
|
Pangalang binomial | |
Scyphiphora hydrophyllacea |
Ang mga prutas nito ay parabilog at nagiging kayumanggi at lumulutang sa tubig kapag hinog na.
Ang madilim na kayumangging kahoy nito ay ginagamit sa paglililok. Ang katas nito ay ginagamit sa sakit ng tiyan. Ang mga bulaklak naman ay ginagamit sa paglinis at pagkukula ng damit.
Ang Maynila, ang pangunahing lungsod ng Pilipinas, ay pinagalan sa palumpong na ito dahil sa dami ng mga nilad sa mga dalampasigan nito. Ang ibig sabihin ng "Maynila" ay "may nila".[1] Nagmula ang pangalan ng puno mula sa salitang Sanskrit na "nila" (नील) na ang ibig sabihin ay "punong indigo."
Mga Sanggunian
baguhin- Mangroves and Community Aquaculture
- Primavera, J . H., 1995. Mangroves and brackishwater pond culture in the Philippines. Hydrobiologia 295 : 303-309.
- Mangrove flora: Chengam (Scyphiphora hydrophyllacea)
- What’s in Manila’s Name? White Star-Shaped Flowers Naka-arkibo 2008-10-20 sa Wayback Machine.
- Looking Back: Pre-Spanish Manila Naka-arkibo 2009-02-07 sa Wayback Machine.
Sanggunian
baguhin- ↑ "Looking Back: Pre-Spanish Manila". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-07. Nakuha noong 2009-02-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)