Nova Public Terminal Bus Management Dispatch System
Ang Nova Public Terminal Bus Management Dispatch System (na kilala bilang Nova Stop Bus Terminal, Nova Public Terminal o Robinsons Bus Terminal), ay isang pangunahing estasyon ng bus sa Novaliches, Lungsod Quezon. Ito ay pagmamay-ari at pinamahala ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA) at Robinsons Land Corporation, kung saan ang pakikipagsamahan ay para sa ikakabuti ng mga pasahero.[2]
Nova Public Terminal Bus Management Dispatch System | |
---|---|
Pangkalahatang Impormasyon | |
Lokasyon | Lansangang Quirino, Novaliches, Lungsod Quezon Pilipinas |
Pinapatakbo ni/ng |
|
Plataporma | 6 (bus bays) |
Koneksiyon |
|
Konstruksiyon | |
Uri ng estruktura | Nasa Lupa |
Pasilidad sa bisikleta | Hindi |
Kasaysayan | |
Nagbukas | Enero 31, 2005 |
Iskedyul
baguhinAng estasyon ay nagbubukas ng 5am ng umaga at nagsasara ng 11pm ng gabi.
Mga plataporma
baguhinPlataporma | Destinasyon |
---|---|
Plataporma 1 | Express Connect[3] |
Plataporma 2 | FTI/MIA |
Plataporma 3 | Alabang |
Plataporma 4 | Pacita |
Plataporma 5 | Ayala |
Plataporma 6 | Baclaran |
Mga kalapit na pamilihan at pook palatandaan
baguhinAng terminal ay nasa tabi ng Nova Stop Resturant, ito ay malapit sa Robinsons Novaliches at SM City Fairview, kung saan ang terminal ng bus ay konektado para sa mga namimili.
Sa harap ng terminal ay ang Terresa Heights Subdivision, kung saan ang mga nakatira ay tatawid nalang pasakay ng bus sa mga destinasyon.
Mga kawing transportasyon
baguhinMapupuntahan sa labas ng terminal gamit ang mga dyipni at UV Express na dumadaan sa Lansangang Quirino at ang mga bus ng ES Transport at Earth Star Express na dumadaan sa rutang Lansangang Quirino na bumabyahe lang ito tuwing umaga at gabi. Binababa rin ng mga sasakyang de-padyak ang kanilang mga pasahero sa harap ng terminal.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "RLC partners with MMDA for Nova Public Bus Terminal". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-01-09. Nakuha noong 2018-11-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.interaksyon.com/breaking-news/2017/09/10/96355/rlc-renews-deal-with-mmda-on-nova-terminal-key-component-of-system-for-edsa-bound-buses/
- ↑ https://www.rappler.com/nation/87622-express-bus-edsa-launch-march-23?iorg_service_id_internal=803478443041409%3BAfr0ch3QDKBJQvKI