Nymphaeaceae
Ang Nymphaeaceae ( /ˌnɪmfiːˈeɪsiː/) ay isang pamilya ng mga halamang namumulaklak, na kilala sa tawag na kiyapo. Nabubuhay sila bilang yerbang akwatikong risamatoso sa mga klimang katamtaman at tropikal sa buong mundo. Naglalaman ng limang henera ang pamilya[3] na may mga 70 kilalang espesye.[4] Nakaugat ang mga kiyapo sa lupa sa mga anyong-tubig, na may mga dahon at bulaklak na lumulutang o lumilitaw mula sa ibabaw ng tubig. Bilugan ang mga dahon, na may mala-bituing bingaw sa Nymphaea at Nuphar, subalit buong bilog sa Victoria at Euryale.
Nymphaeaceae | |
---|---|
Nymphaea nouchali | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Orden: | Nymphaeales |
Pamilya: | Nymphaeaceae Salisb.[1] |
Genera | |
Kasingkahulugan [2] | |
|
Isang kladong napag-aaralang halaman ang mga kiyapo dahil sa kanilang malalaking bulaklak na may maraming di-espesyalisadong mga bahagi na inisyal na tinuturing na kumakatawan sa huwarang mabulaklak ng pinakaunang mga halamang namumulaklak, at sa kalaunan, nakumpirma ng mga pag-aaral henetiko ang kanilang posisyong ebolusyonaryo bilang mga angiyospermong basal. Ang mga henera na may mas mabulaklak na bahagi (tulad ng Nuphar, Nymphaea, at Victoria) ay may sindromeng polinisasyon ng salagubang, habang ang mga henera na iilang mga bahagi ay may polinisasyon ng mga langaw o bubuyog, o may sariling-polinisasyon o polinisasyon ng hangin.[5] Kaya, ang malaking bilang ng medyo di-espesyalisadong bahaging mabulaklak ay hindi isang kondisyong ninuno para sa klado.
Paglalarawan
baguhinAng Nymphaeaceae ay isang yerbang akwatiko at risomatoso.[6] Higit pang naisasalarawan ang pamilya sa pamamagitan ng nakakalat na mga bigkis na baskular sa mga tangkay, at madalas na presensya ng dagta, na kadalasang kakaiba, na mga esklereydang mala-bituing sanga na umuusli sa mga kanal ng hangin. Payak lamang ang mga buhok, kadalasang gumagawa ng musilago (laway).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Angiosperm Phylogeny Group (2009), "An update of the Angiosperm Phylogeny Group classification for the orders and families of flowering plants: APG III", Botanical Journal of the Linnean Society (sa wikang Ingles), 161 (2): 105–121, doi:10.1111/j.1095-8339.2009.00996.x
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nymphaeaceae. (n.d.). GBIF | Global Biodiversity Information Facility. Hinango noong Agosto 4, 2023, mula sa https://www.gbif.org/species/103019924 (sa Ingles)
- ↑ "Nymphaeaceae Salisb. Ann. Bot. (König & Sims) 2: 70. 1805. (Jun 1805)". World Flora Online (sa wikang Ingles). The World Flora Online Consortium. 2022. Nakuha noong 13 Hulyo 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Christenhusz, M. J. M. & Byng, J. W. (2016). "The number of known plants species in the world and its annual increase". Phytotaxa (sa wikang Ingles). 261 (3): 201–217. doi:10.11646/phytotaxa.261.3.1.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Phylogeny, Classification and Floral Evolution of Water Lilies (Nymphaeaceae; Nymphaeales): A Synthesis of Non-molecular, rbcL, matK, and 18S rDNA Data, Donald H. Les, Edward L. Schneider, Donald J. Padgett, Pamela S. Soltis, Douglas E. Soltis and Michael Zanis, Systematic Botany, Bol. 24, Blg. 1, 1999, pp. 28-46 (sa Ingles)
- ↑ "Family: Nymphaeaceae (water-lily family): Go Botany". gobotany.nativeplanttrust.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-05-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)