Ang OCR-B ay isang monospace na tipo ng titik na ginawa noong 1968 ni Adrian Frutiger para sa Monotype sa pamamagitan ng pagsunod sa pamantayan ng European Computer Manufacturer's Association. Ang gawain nito ay upang pagdaliin ang mga operasyon ng optical character recognition sa pamamagitan ng partikular na elektronikong mga kagamitan, na orihinal para sa pananalapi at bangkong mga gamit. Tinanggap ito bilang pamantayan sa mundo noong 1973.[1] Sinusunod nito ang pamantayang ISO 1073/II-1976 (E), na pinabuti pa noong 1979. Kabilang dito ang lahat ng simbolong ASCII, at ibang mga simbolo kabilang ang ginagamit sa bangko. Malawak itong ginagamit para sa mga tambilang na nababasa ng tao na nasa mga barcode na UPC/EAN.[2] Ginagamit din ito para sa mga pasaporte na nababasa ng makina o machine-readable passport.[3] Kapareho ang layunin nito sa OCR-A, ngunit mas madali ito mabasa ng mata at utak ng tao at hindi ito masyadong teknikal na tingnan.

OCR-B
KategoryaSans-serif
Mga nagdisenyoAdrian Frutiger
Petsa ng pagkalikha1968
Muwestra

Mga sanggunian

baguhin
  1. Frutiger, Adrian. Type. Sign. Symbol. ABC Verlag, Zurich, 1980. p. 50 (sa Ingles)
  2. "GS1 Human Readable Interpretation (HRI) Implementation Guideline" (PDF) (sa wikang Ingles). GS1 AISBL. 2018. p. 13. Nakuha noong 2018-09-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Microsoft Word - Doc.9303.Part.03.7th.Edition.alltext.en.docx - 9303_p3_cons_en.pdf" (PDF). Doc 9303: Machine Readable Travel Documents, Part 3: Specifications Common to all MRTDs (sa wikang Ingles) (ika-Seventh (na) edisyon). International Civil Aviation Organization. 2015. p. 25. ISBN 978-92-9249-792-7. Nakuha noong 2016-03-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)