O Holy Night
Ang "O Holy Night" (literal na salin sa Tagalog: "O Gabing Banal"; orihinal na titik na nasa Pranses: "Cantique de Noël" o sa literal na salin sa Tagalog: "Awiting Pampasko") ay isang kilalang awiting Pampasko na unang nalikha noong 1847 sa musika ni Adolphe Adam at ang orihinal na titik ay mula sa tulang Pranses na "Minuit, chrétiens" (Hatinggabi, mga Kristiyano) na sinulat ni Placide Cappeau, isang manunula at nagtitinda ng alak.
Sa Roquemaure sa dulo ng taong 1843, ang organ ng simbahan ay kakatapos pa lamang ikumpuni. Para ipagdiwang ang pangyayari iyon, tinanong ng kura paroko si Cappeau, na mula sa bayang iyon, na magsulat ng tulang Pampasko. Ginawa ito ni Cappeau, bagaman siya ay isang ateista at kontra sa mga pari.[1]
Pagkatapos noon, sinulat ni Adam ang musika. Unang lumabas ang awitin sa Roquemaure noong 1847 at inawit ni Emily Laurey, isang mang-aawit sa opera.
Nong 1855, nilikha ng isang unitarian minister at patnugot ng Dwight's Journal of Music na si John Sullivan Dwight[2] ang isang edisyon pang-awit na batay sa teksto Pranses ni Cappeau. Sa parehong orihinal na bersyong Pranses at sa dalawang pamilyar na bersyong Ingles ng awitin, sinasalamin ng teksto ang kapanganakan ni Jesus at ang pagliligtas nito sa sangkatauhan.
Mga titik
baguhinCantique de Noël ni Placide Cappeau | Literal na salin sa Ingles |
---|---|
|
|
Bersyon ni John Sullivan Dwight (Ingles) | Berysong hindi naka-attribute (Ingles) |
---|---|
|
|
Mga ilang kilalang umawit
baguhin- Connie Francis - 1963
- Bobby Vinton - 1965
- Nora Aunor - 1970
- Ray Conniff & the Singers - 1971
- Mariah Carey - 1994
- Celine Dion - 1998
- Christina Grimmie - 2011
- Enrico Carusco - 1917
- Nat King Cole - 1960
- Whitney Houston
- Pol Plancon
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Collins, Ace; [2001], Stories of Best-loved Songs of Christmas, Grand Rapids, MI, Zondervan, pp. 132-138.
- ↑ Nobbman, Dale V. 'Christmas Music Companion Fact Book.' 2000. p 36. Google Books
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.