Ōfunato

(Idinirekta mula sa Ofunato, Iwate)

Ang Ōfunato (大船渡市, Ōfunato-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Iwate, Hapon. Magmula noong 30 Abril 2020 (2020 -04-30), may tinatayang populasyon na 35,452 katao ang lungsod sa 14,895 mga kabahayan, at may kapal ng populasyon na 110 tao sa bawat kilometro kuwadrado.[2] Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 322.51 square kilometre (124.52 mi kuw).[3]

Opunato

大船渡市
lungsod ng Hapon
Transkripsyong Hapones
 • Kanaおおふなとし (Ōfunato shi)
Watawat ng Opunato
Watawat
Eskudo de armas ng Opunato
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 39°04′55″N 141°42′31″E / 39.08189°N 141.70856°E / 39.08189; 141.70856
Bansa Hapon
LokasyonPrepektura ng Iwate, Hapon
Itinatag1 Abril 1952
Lawak
 • Kabuuan322.51 km2 (124.52 milya kuwadrado)
Populasyon
 (1 Marso 2021)[1]
 • Kabuuan34,558
 • Kapal110/km2 (280/milya kuwadrado)
Websaythttps://www.city.ofunato.iwate.jp/

Kasaysayan

baguhin

Ang lugar ng kasalukuyang Ōfunato ay bahagi ng sinaunang Lalawigan ng Mutsu, at tinitirhan na ito mula pa noong panahong Jōmon. Maraming mga bunton ng talukab ang natagpuan ng mga arkeologo sa paligid ng Look ng Ōfunato. Noong panahong Sengoku, pinamunuan ng iba-ibang mga angkang samurai ang lugar bago napasailalim ito sa angkang Date ng panahong Edo, na namuno sa Dominyong Sendai sa ilalim ng kasugunang Tokugawa.

Itinatag ang nayon ng Ōfunato sa loob ng Distrito ng Kesen, Iwate noong Abril 1, 1889, kalakip ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad sa Hapon. Ang lindol sa Sanriku ng 1896 ay nagdulot ng 25-metrong tsunami na ikinasawi ng 27,000 katao sa lugar. Itinaas sa katayuang pambayan ang Ōfunato noong Abril 1, 1932. Muling tumama ang isang tsunami sa bayan nang nagdulot ng isang 28-metrong tsunami ang lindol sa Sanriku ng 1933, na may kalakasang 8.4, at ikinamatay ng 1,522 katao.

Isinanib ang karatig bayan ng Sakari at mga nayon ng Akasaki, Takkon, Massaki, Ikawa at Hikoroichi sa Ōfunato noong Abril 1, 1952, at bumuo ito ng bagong lungsod ng Ōfunato. Nakilala sa daigdig ang lungsod nang tinamaan ito ng tsunaming sanhi ng lindol sa Valdivia, Tsile noong Mayo 22, 1960. Noong Nobyembre 15, 2001, isinanib ang bayan ng Sanriku (mula sa Distrito ng Kesen) sa Ōfunato.

Lindol at tsunami sa Tōhoku ng 2011

baguhin
 
Napinsalang kabayanan (poblasyon) ng Ōfunato dulot ng tsunami noong 2011

Muli naging ulong-balita ang lungsod ng Ōfunato nang napuruhan ito sa kasagsagan ng lindol at tsunami sa Tōhoku ng 2011.[4] Tinatayang umabot sa 23.6 metro ang taas ng alon.[5] Dahil sa makipot na look, tumuloy ang tsunami nang 3 kilometro paloob.[6] Ang teatro ng lungsod ay isa sa iilang mga gusaling nakatayo pa rin (at kapansin-pansing hindi gaanong napinsala) at naging pook na mapagtataguan ng humigit-kumulang 250 mga nakaligtas.[7][8] Itinala sa pansamantalang mga bilang ang 3,498 kabahayang winasak ng tsunami (sa 15,138 mga kabahayan) at 305 mga namatay.[9][10] Hindi bababa sa anim sa 58 itinalagang mga sityo ng paglikas ang nilubog ng tsunami.[11] Itinampok ang Ōfunato sa dokumentaryong Briton na "Japan's Tsunami Caught on Camera" na isinahimpapawid sa Channel 4 ng Nagkakaisang Kaharian.

Heograpiya

baguhin

Matatagpuan ang Ōfunato sa timog-silangang bahagi ng Prepektura ng Iwate, at nasa silangan nito ang Karagatang Pasipiko. Sa dakong labas ng look nito, tumatagpo ang mainit at malamig na mga agos ng karagatan, kaya matagumpay ang industriya ng komersiyal na pangingisda. Sinusubukan ng lungsod na maging isang pangunahing pantalan ng pagbabarko. Itinalaga ng Ministeryo ng Kapaligiran ang Kaminari-iwa sa baybaying-dagat ng Goishi ng lungsod bilang isa sa 100 mga Soundscape ng Hapon.[12] Nakapaloob ang malaking bahagi ng lungsod sa mga hangganan ng Pambansang Liwasan ng Sanriku Fukkō.

Kalapit na mga munisipalidad

baguhin
Prepektura ng Iwate
Datos ng klima para sa Ōfunato, mga karaniwan 1981–2010
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) 16.8
(62.2)
17.7
(63.9)
23.9
(75)
32.0
(89.6)
34.7
(94.5)
33.7
(92.7)
35.5
(95.9)
37.0
(98.6)
34.0
(93.2)
28.2
(82.8)
22.8
(73)
21.2
(70.2)
37
(98.6)
Katamtamang taas °S (°P) 4.5
(40.1)
5.0
(41)
8.3
(46.9)
14.1
(57.4)
18.5
(65.3)
21.5
(70.7)
24.8
(76.6)
26.9
(80.4)
23.6
(74.5)
18.6
(65.5)
13.0
(55.4)
7.5
(45.5)
15.5
(59.9)
Arawang tamtaman °S (°P) 0.8
(33.4)
1.1
(34)
3.8
(38.8)
9.2
(48.6)
13.7
(56.7)
17.4
(63.3)
21.0
(69.8)
23.0
(73.4)
19.5
(67.1)
14.0
(57.2)
8.3
(46.9)
3.6
(38.5)
11.3
(52.3)
Katamtamang baba °S (°P) −2.7
(27.1)
−2.6
(27.3)
−0.4
(31.3)
4.4
(39.9)
9.2
(48.6)
13.9
(57)
18.0
(64.4)
20.0
(68)
16.0
(60.8)
9.6
(49.3)
3.8
(38.8)
−0.1
(31.8)
7.4
(45.3)
Sukdulang baba °S (°P) −11.0
(12.2)
−11.6
(11.1)
−8.5
(16.7)
−4.3
(24.3)
0.2
(32.4)
3.8
(38.8)
4.9
(40.8)
10.2
(50.4)
4.7
(40.5)
−0.3
(31.5)
−4.8
(23.4)
−9.2
(15.4)
−11.6
(11.1)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 49.9
(1.965)
45.5
(1.791)
98.0
(3.858)
142.8
(5.622)
145.2
(5.717)
172.9
(6.807)
204.2
(8.039)
196.5
(7.736)
201.8
(7.945)
140.7
(5.539)
94.1
(3.705)
50.4
(1.984)
1,541.9
(60.705)
Balasaking pag-niyebe cm (pulgada) 19
(7.5)
23
(9.1)
13
(5.1)
1
(0.4)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
2
(0.8)
11
(4.3)
69
(27.2)
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 0.5 mm) 7.2 7.0 10.2 10.4 10.6 11.7 14.6 11.5 12.5 10.2 8.1 7.9 121.9
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) 62 62 63 66 72 79 83 82 80 74 69 64 71
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 142.8 136.9 157.6 173.0 180.3 147.3 132.7 148.8 116.3 140.7 134.9 132.0 1,743.1
Sanggunian: Japan Meteorological Agency[13][14]

Demograpiya

baguhin

Ayon sa datos ng senso ng Hapon,[15] umabot ang Ōfunato sa pinakamataas nitong populasyon noong mga 1980, ngnuit bumababa na ang populasyon nito sa nakalipas na 40 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
1920 24,175—    
1930 28,608+18.3%
1940 32,767+14.5%
1950 41,589+26.9%
1960 47,363+13.9%
1970 48,816+3.1%
1980 50,132+2.7%
1990 47,219−5.8%
2000 45,160−4.4%
2010 40,737−9.8%

Ekonomiya

baguhin

Malakihang nakabatay ang pampook na ekonomiya sa komersiyal na pangingisda, kalakip ang paggawa ng semento at pagproseso ng kahoy bilang pangalawang mga industriya.

Mga ugnayang pandaigdig

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "いわての統計情報 > 推計人口".
  2. Ōfunato City official statistics (sa Hapones)
  3. 詳細データ 岩手県紫波町. 市町村の姿 グラフと統計でみる農林水産業 (sa wikang Hapones). Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries. 2016. Nakuha noong 13 Abril 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Ofunato devastated by tsunami BBC report, 12 March 2011
  5. "23.6-meter-high tsunami triggered by March 11 quake: survey" Kyodo News, 23 March 2011
  6. "A thousand bodies a day will be recovered every day now". The Age. 22 Marso 2011. Nakuha noong 31 Mayo 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Synopsis of a Channel 4 TV news bulletin on 15 March 2011
  8. Tritten, Travis, J., and T. D. Flack, "U.S. rescue teams find devastation in northern city of Ofunato", Stars and Stripes, 15 March 2011, retrieved 16 March 2011.
  9. NOAA tsunami data table
  10. Gilhooly, Rob, "Survivors strive to start picking up the pieces", Japan Times, 27 March 2011, p. 7.
  11. Kyodo News, "Tsunami hit more than 100 designated evacuation sites Naka-arkibo 14 April 2011 sa Wayback Machine.", Japan Times, 14 April 2011, p. 1.
  12. "100 Soundscapes of Japan". Ministry of the Environment. Nakuha noong 8 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 大船渡 平年値(年・月ごとの値) 主な要素. Japan Meteorological Agency. Nakuha noong 16 Disyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 観測史上1~10位の値(年間を通じての値). Japan Meteorological Agency. Nakuha noong 16 Disyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Ōfunato population statistics
  16. "International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Disyembre 2015. Nakuha noong 21 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin