Si Frederic Ogden Nash (19 Agosto 1902 – 19 Mayo 1971) ay isang Amerikanong makatang humorista o masiste na ipinanganak sa Rye, Bagong York, Estados Unidos. Natatangi siya dahil sa hindi kumbensiyonal na paggamit ng wikang Ingles sa pagsusulat ng mga taludturan o berso[1] o "magagaang na mga taludtod". Sa oras ng kanyang kamatayan noong 1971, binanggit ng The New York Times na dahil sa kanyang hindi kumbensiyonal na rima o tugmaan, siya ang naging pinakakilalang tagalikha ng nakakatawang panulaan ng Estados Unidos.[2] Kabilang sa kanyang mga pinakakilalang mga akda ang I'm a Stranger Here Myself, Everyone but Thee and Me, at The Untold Adventures of Santa Claus. Siya rin ang umakda ng mga tulang pinamagatang Trees at The Eel.[1]

Ogden Nash
Kapanganakan19 Agosto 1902(1902-08-19)
Kamatayan19 Mayo 1971(1971-05-19) (edad 68)
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
EdukasyonPamantasan ng Harvard ( 1 Taon)
TrabahoMakata, May-akda, lyric-writer
AsawaFrances Leonard
MagulangEdmund and Mattie

Noong 1932, naging kasaping tauhan siya ng magasing The New Yorker. Namatay siya noong 1971 habang nasa Baltimore, Maryland.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Ogden Nash". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 430.
  2. Albin Krebs (1971-05-20). "Ogden Nash, Master of Light Verse, Dies". The New York Times. Nakuha noong 2008-01-24.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Panitikan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.