Ogden Point
Ang Ogden Point ay isang pasilidad ng daungan sa malalim na katubigan na matatagpuan sa timog-kanlurang sulok ng lungsod ng Victoria, British Columbia, Canada. Dahil sa lokasyon nito sa makasaysayang at magandang lungsod sa timugang dulo ng Pulo ng Vancouver, ng Kipot ng Juan de Fuca na hindi malayo sa Vancouver at Seattle, Estados Unidos, naging isang kaakit-akit na patutunguhan ito para sa barkong panliwaliw. Nagsisilbi rin ito bilang pasilidad sa pagkukumpuni ng barko at panustos para sa mga barkong panliwaliw at iba pang mga bapor tulad ng barkong de-kable na pangmalalim na dagat. Mayroon ding helipuwerto ang Ogden Point na may serbisyong madalas patungo sa Daungan ng Vancouver, Paliparang Pandaigdig ng Vancouver, at Seattle. Nagkatagpo ang daungan sa silangang pasukan ng Daungan ng Victoria. Para sa mga mas maliliit na bangka mayroong rampang pambarko para sa mga matetreyler na barko.
Ang pasilidad ng barkong panliwaliw ay ang pinakaokupadong daungan sa buong Canada at nakatakdang humawak ng 245 mga pagbisita sa barko sa 2018 na may higit sa 20 barko na umaabot hanggang 3,000 pasahero bawat isa mula sa sampung linyang panliwaliw na inaasahang tatawag sa pagitan ng huling bahagi ng Abril at unang bahagi ng Oktubre.[1] Karamihan sa mga pagbisita ay bisitang iisang araw o gabi mula sa mga linyang naglalakbay patungo sa Alaska mula sa Seattle, Los Angeles, o San Francisco, ngunit mayroon ding mga nagbibiyahe patungo sa Hilagang-kanlurang Pasipiko, madalas kabilang ang Vancouver at/o Seattle.
Kasaysayan
baguhinIpinangalanan ang Ogden Point kay Peter Skene Ogden (1790-1854), isang kilalang negosyante at manggagalugad para sa Kumpanyang Baya ni Hudson.[3] Itinayo ang mga piyer sa Ogden Point noong unang bahagi ng ika-20 siglo sa may lungsod ng Victoria bilang paghahanda sa paglago sa pagpapadala dahil sa pagbubukas ng Agusan ng Panama.[4] Noong 1916 inilathala ng Amerikanong Opisinang Hidrograpiko ang isang gabay na Coast Pilots na tumutukoy sa mga piyer bilang "Pantalan ng Karagatan".[5] Binanggit din ng edisyon ng Coast Pilots na iyon na itinatayo ang dalahikan sa timog ng Pier A noong 1915.[5] The breakwater was completed in 1916 and the piers were completed in 1918.[3] Natapos ang dalahikan noong 1916 at nakumpleto ang mga piyer noong 1918. Nang maglaon sa siglo nagtayo ang Victoria Machinery Depot ng ilan sa mga unang bapor para sa BC Ferry at iba pang mga mamimili noong dekada 1960 at ginamit ang Ogden Point para sa mga mas malaking barko.[6]
Noong 2001 dumating ang Norwegian Sky mula sa Seattle na naging unang lingguhang bapor panliwaliw na dumalaw sa Ogden Point.[3]
Noong 2008, dumating sa Ogden Point ang 202 barkong panliwaliw at higit sa 380,000 pasahero. Itinuturing ang hantungan ng barkong panliwaliw bilang isang transit port dahil sa kasalukuyan, walang barko ang nakadaong (pasakay o pababa) sa pasilidad na ito. Noong 2008 muling itinatak ang pasilidad sa mga kulay pula, abo, at itim ng Greater Victoria Harbour Authority.
Noong 2009, dumating sa Ogden Point ang 228 barkong panliwaliw mula sa iba't ibang mga linyang panliwaliw kasama ang Princess Cruises, Holland America Line, Celebrity Cruises, Norwegian Cruise Line, Crystal Cruises pati na rin ang ResidenSea. Nagdala ang mga ito ng higit sa 400,000 bisita sa lungsod ng Victoria sa pagitan ng Abril 23 at Oktubre 14, 2009.[7]
Pasilidad
baguhinHelipuwerto ng Daungan ng Victoria (Camel Point) | |||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buod | |||||||||||||||||||||||
Uri ng paliparan | Pribado | ||||||||||||||||||||||
Nagpapatakbo | Pacific Heliport Services | ||||||||||||||||||||||
Pinagsisilbihan | Victoria, British Columbia | ||||||||||||||||||||||
Lokasyon | Daungan ng Victoria | ||||||||||||||||||||||
Elebasyon AMSL | 15 tal / 5 m | ||||||||||||||||||||||
Mga koordinado | 48°25′05″N 123°23′17″W / 48.41806°N 123.38806°W | ||||||||||||||||||||||
Websayt | www.helijet.com | ||||||||||||||||||||||
Mga helipad | |||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||
Source: Canada Flight Supplement[8] |
Ang 12 ektarya (30-akre) pasilidad ng daungan ay may dalawang piyer na itinalagang Pier A (patimog) at Pier B (pahilaga).[9] Itinalaga ang mga pugalan sa bawat piyer bilang North at South. Ang South A ay sumasaklaw ng 335 metro (1,100 piye), sumasaklaw ang North A t ng 243 metro (800 piye). Pinahaba ang mga pugalan ng Pier B sa 317 metro (1040 piye) sa pagkabit ng isang mooring dolphin noong 2009. Kasya sa bawat pugalan ang isang bapor na may hanginan na higit sa `0 metro (33 piye) sa pagkati ng tubig.[9] Bagaman mayroong apat na pugalan, tatlong mga barko ang pinakamaraming maikakasya sa daungan sa anumang oras dahil magkalapit ang North A at South B. Matatagpuan ang mga pasilidad ng Canada Border Services Agency sa bawat piyer. Kumakanlong din ang Pier A ng 9,290 metro kwadradong (100,000 piye kwadradong) bodega nang may aparatong bidbiran ng barkong de-kable at imbakan ng kable.
Ang Ogden Point ay may mga pantalan ng kargamentong sira-bikil. Makakasya ang mga bapor hanggang sa 300 metro (980 piye).[10]
Ang mga barkong panliwaliw na dumadalaw sa Hantungang Pambarkong Panliwaliw ng Ogden Point ay karaniwang nagpapapasyal ng mga pasahero sa babayin at maaaring maisama rito ang paglilibot sa mga Hardin ng Butchart, mga paglilibot sa lungsod, pagbisita sa Kastilyo ng Craigdarroch, mga paglilibot sa mga dakong inuman, tsaang panghapon ng Otel Empress, pagnood ng mga balyena, Chinatown, Victoria, paglilibot sa mga troling hila-ng-kabayo, at maraming iba pang mga lugar.
Tuwing panahon ng panliwaliw, kabilang sa mga serbisyo sa mga bisita ang serbisyong shuttle bus na pinamamahalaan ng Wilson's Transportation upang mabigyan ang mga bisita ng kahalili sa 30-minutong lakad papunta sa kabayanan ng Victoria. Humihinto ang mga pampublikong bus (#30/31) sa Kalye Dallas papunta sa kabayanan ng Victoria. Mayroon ding mga taksi at limosina sa lugar.
Nasa ilalim ng kontrata ang Western Stevedoring mula sa Greater Victoria Harbour Authority upang pamahalaan ang pasilidad at hantungan ng pangliwaliw.[9]
Ang helipuwerto ng Camel Point, (TC LID: CBF7), ay pinatatakbo ng Pacific Heliport Services at matatagpuan sa hilagang-silangan ng Pier B.[8][11]
Para sa mga mas maliliit na barko mayroong rampang pambarko na pinatatakbo ng James Bay Anglers at bukas sa publiko para magamit.
Ang Ogden Point ay may bantog na pagsisid sa malamig na tubig para sa anumang antas ng maninisid. Matatagpuan ang enteroctopus dofleini, anarrhichthys ocellatus, damong-dagat, anemonang-dagat, nudibranch at maraming mga sarihay ng isda at krustasyo kahit sa mababaw na kalaliman. Maramihang mga grupo ng bola-bahura ay inilagay rin noong 2008 upang pag-aralan ang ngibambayan ng mga sarihay mula sa dalahikan palabas. Dahil sa mga alon at iba pang mga peligro na matatagpuan sa anumang kapaligiran ng pagsisid, inirerekomenda ang isang discover local diving tour na may kasamang propesyonal na maninisid.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Home | Victoria Cruise". www.victoriacruise.ca (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-08-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "British Columbia Coastal Marine Pilots - BC Coast Map". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-12. Nakuha noong 2010-02-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 Roper, Steve. "The History of Ogden Point". Ogden Point Enhancement Society. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-05-04. Nakuha noong 2010-02-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2010-05-04 sa Wayback Machine. - ↑ "History". Greater Victoria Harbour Authority. Nakuha noong 2010-02-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "British Columbia Pilot". Hydrographic Office. United States Hydrographic Office (republished by Google). 1 (175): 89. 1916.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Obee, Dave (Enero 6, 2008). "Dave Obee's Family History Page: VMD was a master shipbuilder". Nakuha noong 2010-01-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Greater Victoria Harbour Authority
- ↑ 8.0 8.1 Padron:CFS
- ↑ 9.0 9.1 9.2 "Western Stevedoring". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-02. Nakuha noong 2010-01-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Port Information". Greater Victoria Harbour Authority. Nakuha noong 2010-02-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Victoria Harbour Heliport". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-03-16. Nakuha noong 2010-01-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2010-03-16 sa Wayback Machine.