Oliver
Ang Oliver ay panlalakaing ibinigay na pangalan na nagmula sa Lumang Pranses at Britanikong Medyebal. Pangkalahatang ikinakabit ang pangalan sa katawagang Latin na olivarius, na nangangahulugang "tagatanim ng puno ng oliba",[1][2] o "maydala ng sanga ng oliba"[3] Kabilang sa ibang minungkahing pinagmula ang pangalang Aleman na *wulfa- "lobo" at *harja- "hukbo";[4] ang Lumang Nordikong Óleifr (Ólaf); isang tunay na pangalang Aleman, marahil mula sa ala- "lahat" at wēra "totoo" (posible na may kaugnayan sa Álvaro); ang Anglo-Sahon Alfhere;[5] at ang pangalang Griyego na Eleutherios.
Mga taong may pangalang Oliver
baguhinGinagamit ang pangalang Oliver bilang isang ibinigay na pangalan. Ilan sa kilalang mga taong taglay ang gayong ibinigay na pangalan ay:
- Oliver Wendell Holmes, Sr., Amerikanong manggagamot, makata, propesor, tagapaglektura
- Oliver Bosbyshell, Superintendente ng Estados Unidos
- Oliver Cromwell, isang Ingles na pinuno ng militar at politika
- Oliver Heaviside, nagturo sa sariling Ingles na inhinyeryong elektrikal, matematiko
- Oliver La Farge, Amerikanong nobelista at antropolohista
- Oliver Sacks, Ingles na neurologist at awtor
- Oliver Hardy, Amerikanong aktor na komiko
- Oliver Wendell Holmes, Sr., Amerikanong manggagamot, makata, propesor, tagapaglektura, at may-akda
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Piestrasanta, Silvestro (1682). "Elogium Gentis Carafaeae ac stemma procerum ejus". SYMBOLA HEROICA (sa wikang Latin). Amsterdam: Amstelaedami, Apud Janssonio-Waesbergios & Henr. Wetstenium. p. XXX (30).
- ↑ Sweertius, Franciscus [sa Pranses] (1628). Athenae Belgicae, sive Nomenclator infer (sa wikang Latin). Antwerp: Gulielmus a Tungris. pp. 588–589.
- ↑ Barton Sholod, "Charlemagne in Spain. The Cultural Legacy of Roncesvalles", p. 144
- ↑ http://gtb.inl.nl/iWDB/search?actie=article&wdb=VMNW&id=ID46042&lemmodern=Olivier
- ↑ "Oliver | Origin and meaning of the name oliver by Online Etymology Dictionary".