Oliver Wendell Holmes, Sr.

Si Oliver Wendell Holmes, Sr. (29 Agosto 1809 – 7 Oktubre 1894) ay isang Amerikanong manggagamot, makata, propesor, tagapaglektura, at may-akda. Itinuturing siya ng kaniyang mga kasamahan sa larangan ng panulaan bilang isa sa pinakamahuhusay na mga manunulat noong ika-19 na daantaon. Isinasaalang-alang siya bilang isang kasapi sa Fireside Poets (literal na "Mga Makatang nasa Tagiliran ng Apoy"). Ang kaniyang pinakabantog na mga akdang prosa ay ang mga serye ng "Breakfast-Table" ("Mesang Pang-agahan" o "Mesang Pang-almusal") (1858). Kinikilala rin siya bilang isang mahalagang repormador (tagapagreporma) ng larangan ng medisina.

Oliver Wendell Holmes, Sr.
Si Oliver Wendell Holmes, Sr. noong humigit-kumulang sa 1853.
KapanganakanOliver Wendell Holmes
29 Agosto 1809(1809-08-29)
Cambridge, Massachusetts
Kamatayan7 Oktobre 1894(1894-10-07) (edad 85)
Boston, Massachusetts


TalambuhayPanitikanEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Panitikan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.