Ang opiyolita o ophiolite /ˈɒfiəlt/ ay isang bahagi ng pang-ibabaw (crust) ng karagatan ng Daigdig at ang nasa ilalim ng dakong taas ng manta na pinataas at binuyag sa tas ng antas ng dagat kadalasang nakalagay sa mga batong pang-ibabaw ng lupalop. Ang Ophio ay Griyegong salita para sa ahas (ὄφις), at nangangahulagang bato ang lite na mula sa Griyegong lithos (λίθος), hango sa kadalasang luntiang kulay na mga bato (mga spilite at serpentinite]) na binubuo ng maraming ophiolite. Unang inilarawan ang salita ni Alexandre Brongniart noong 1813 sa mga luntiang bato na kaniyang namasdan sa mga bundok ng Alpes. Ang salitang ophis ay ginamit dahil sa mahibla at luntiang mineral (serpentine) na kawangis ng balat ng ahas. Kinalaunan, dinagdag ang mga batong "diabase-splite at chert" sa paglalarawan ng mga ophiolite (ang Santatlong Steinmann).

Ordovician ophiolite sa Gros Morne National Park, Newfoundland.

Makabagong kahulugan

baguhin

Makalipas ang halos isa at kalahating siglo nang simulang matuklasan ang mga ophiolite, dinaos ang Pagpupulong sa Penrose Field para sa mga Ophiolite na nagtakda ng modernong kahulugan ng ophiolite noong taong 1972. Ang kahulugan ng ophiolite na napagkasunduan ay ang mga sumusunod:

Ang ophiolite ay tumutukoy sa pinagsama-samang mafic at ultramafic na bato. Hindi ito maaring gamitin na pangalan ng bato o lithologic unit sa pagmapa ng isang lugar. Sa isang kumpletong ophiolite, makikita ang mga sumusunod, simula sa baba hanggang pinakataas:

  1. ultramafic na bato, na mayroong harzburgite, lherzolite at dunite, (na maaring naka-serpentinite)
  2. gabbroic complex, kadalasang may kasamang cumulus peridotites at pyroxenites
  3. mafic sheeted dike complex
  4. mafic volcanic complex na pangkaraniwang naka-pillow ang estruktura

Ang mga bato na pangkaraniwang kasama ng ophiolite ay (1) mga batong sedimentaryo, na maaring mga chert, shale o apog (2) chromite na kasama ng dunite (3) mga intrusibong felsic. Ang mga fault ay pangkaraniwan din na makikita sa mga ophiolite. Ang ophiolite ay maaring hindi kumpleto, putol-putol o naka-metamorphosis.

Sa modernong konsepto ng tektonika ng mga plato, maaring ilarawan ang ophiolite bilang mga posil na bahagi ng litospero pang-dagat. Mahalaga ang pag-aaral ng mga ophiolite sapagkat ang mga ito ay in-situ (nasa posisyon) na muwestra ng lupa sa ilalim ng mga karagatan. Ang mga ophiolite ay maari ding pagkunan ng impormasyon tungkol sa tectonika ng mga sentrong kumakalat (spreading centers, mga depositong hidrotermal, at pandaigdigang pagkawala ng init loss na maaring gamitin sa pag-aaral ng paleoheograpiya. Bukod dito, ang mga metalikong mga deposito ng ore gaya ng chromite, malaki at mabigat na sulfide at pangkat na mga elemetong platino ay matatagpuan sa mga ophiolite.

Sa Pilipinas, may dalawampu't dalawang ophiolite at ophiolitic complex ang natagpuan. Ang iba ay kumpleto ang pagkakasunud-sunod, at ang iba naman ay may kulang na bahagi. Naiuuri ang mga ophiolite sa pamamagitan ng taon ng pagkabuo, heokimika, tectonikang tagpo at mineralisasyon na mayroon ang nasabing ophiolite.