Oporto
Ang Oporto (Portuges: Porto) ay isang mataong lungsod sa bansang Portugal, pangalawa lamang sa Lisboa. Ang kasalukuyang populasyon nito ay 220,000 katao, ngunit ang Kalakhang Oporto ay may humigit-kumulang na 1,100,000.
Oporto Porto | |||
---|---|---|---|
municipality of Portugal, city of Portugal, big city | |||
| |||
Mga koordinado: 41°08′58″N 8°36′39″W / 41.14947°N 8.61078°W | |||
Bansa | Portugal | ||
Lokasyon | Metropolitan Area of Porto, Norte Region, Continental Portugal, Portugal | ||
Bahagi | Talaan
| ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 41.66 km2 (16.09 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2011)[1] | |||
• Kabuuan | 237,591 | ||
• Kapal | 5,700/km2 (15,000/milya kuwadrado) | ||
Websayt | https://www.cm-porto.pt/ |
Matatagpuan sa bibig ng Ilog Duero sa hilagang ng bansa, ang Oporto ay isa sa mga pinakalumang bayang Europeo, at kinikilala bilang isang World Heritage Site ng UNESCO. Sa katunayan, ang dati nitong pangalan sa Latin na Portus Cale ay ang pinaniniwalaang pinagmulan ng pangalan ng Portugal, ayon sa likas na pagbabago ng wika mula sa Latin. Sa wikang Portuges, ang lungsod ay tinatawag na may kasamang pantukoy bilang "o Porto" ("ang daungan"). Dahil dito, ang naging pangalan nito sa Kastila at Ingles ay galing sa maling pagkakarinig at simula noon ay tinawag na ito bilang "Oporto" sa mga lathalain at kalakalan.
Ang alak na tinatawag sa Ingles na port wine ay dito nanggagaling.
Sanggunian
baguhin- ↑ http://mapas.ine.pt/download/index2011.phtml; hinango: 19 Setyembre 2018.
Mga Kawing Panlabas
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Portugal ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.