Kondado ng Orange, California
- Tungkol ito sa kondado (county), para sa lungsod tingnan ang Lungsod ng Orange.
Ang Kondado ng Orange (Orange County) ay isang kondado (county) sa Katimugang California, Estados Unidos. Santa Ana ang kabisera nito. Ayon sa senso ng 2000, 2,846,289 ang populasyon nito. Ito ang ikalawang pinakamataong kondado sa estado ng California, at ika-lima sa pinakamataong kondado sa Estados Unidos.[2]
Orange Orange County | ||
---|---|---|
county ng California, pamayanang pantao | ||
| ||
Mga koordinado: 33°40′N 117°47′W / 33.67°N 117.78°W | ||
Bansa | Estados Unidos ng Amerika | |
Lokasyon | California, Pacific States Region | |
Ipinangalan kay (sa) | Dalandan | |
Kabisera | Santa Ana | |
Bahagi | Talaan
| |
Lawak | ||
• Kabuuan | 2,455 km2 (948 milya kuwadrado) | |
Populasyon (2020, Senso)[1] | ||
• Kabuuan | 3,186,989 | |
• Kapal | 1,300/km2 (3,400/milya kuwadrado) | |
Sona ng oras | Pacific Time Zone | |
Websayt | https://ocgov.com |
Bantog ang kondadong ito sa mga destinasyong pangturismo. Matatagpuan dito ang mga atraksiyong tulad ng Disneyland, at ang Knott's Berry Farm. Bantog din ang mabuhanging baybayin nito para sa mga paglangoy at surfing, daungan ng mga yate at pamamangka, at malalaking pook na inilaan maging liwasan at bukas na pook para sa paglalaro ng golp, tenis, hiking, pagka-kayak, pamimisikleta, skateboarding, at iba pang mga gawaing panlabas.
Heograpiya
baguhinAyon sa Tanggapan ng Senso ng Estados Unidos, ang kondado ay may kabuuang sukat na 2,455 km² (948 mi²). Ito ang pinakamaliit na kondado sa Katimugang California.
Ang Kondado ng Orange ay naghahanggan ng Karagatang Pasipiko sa kanluran, ng Kondado ng Los Angeles sa hilaga, ng Kondado ng San Bernardino sa hilagang silangan, ng Kondado ng Riverside sa silangan, at ng Kondado ng San Diego sa timog.
Demograpiya
baguhinSa taya ng Kawanihan ng Senso noong 2005, ang populasyon ng putting hindi Latino (non-Latino white) ng Kondado ng Orange ay nasa 48 %. Ang 2005 na populasyon ng mga Latino noon sa Orange County ay nasa 32.5 %. Ang mga Asyano naman ay nasa 15.9 %. Ang mga Amerikanong Aprikano ay bumubuo sa 1.9 % ng populasyon.
Ayon sa senso noong 2000, mayroong 2,846,289 katao, 935,287 na kabahayan, at 667,794 na mag-anak na naninirahan sa kondado, kaya't naging ikalawang pinakamataong kondado ng California ang Kondado ng Orange.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ https://data.census.gov/cedsci/table?t=Populations%20and%20People&g=0100000US,%241600000&y=2020; hinango: 1 Enero 2022.
- ↑ State of California, Department of Finance (Mayo 2007). "E-1 Population Estimates for Cities, Counties and the State with Annual Percent Change — 1 Enero 2006 and 2007". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-11-18. Nakuha noong 2007-07-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)