Ordeng Olimpiko

(Idinirekta mula sa Orden ng Olimpiko)

Ang Ordeng Olimpiko ay ang pinakamataas na gawad ng Kilusang Olimpiko, na nilikha ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko noong Mayo 1975 bilang kapalit sa Olimpikong Katibayan na dating iginagawad. Ang Ordeng Olimpiko ay likas na may tatlong antas (ginto, pilak at tanso), bagama't ang tansong antas ay hindi na iginagawad pagkatapos ng taong 1984. Ang Ordeng Olimpiko ay iginagawad sa mga indibiduwal ukol sa kinikilalang ambag sa Kilusang Olimpiko. Sa kaugalian, ang (mga) puno ng pagsasaayos ng tanging Palarong Olimpiko ay iginagawad ng orden sa antas-ginto sa seremonya ng pagtatapos ng Palaro.

Ang sagisag ng Ordeng Olimpiko ay nasa anyo ng kuwelyo (o kadena), sa ginto, pilak o tanso ayon sa antas: ang harapan ng kadena ay nagbabantad ng limang singsing ng Kilusang Olimpiko, pinalibutan ng bawat gilid ng kotinos (sanga ng pitogo).

Sa mga pang-araw-araw na okasyon isang maliit na sulapang tsapa, sa anyo ng limang singsing sa ginto, pilak at tanso ayon sa antas, ay maaaring isuot sa halip.

Si Nadia Comăneci ay ang nag-iisang manlalaro lamang na iginawad ng Ordeng Olimpiko nang dalawang beses (1984, 2004). Sa karagdagan, siya ang pinakabata sa lahat ng mga tumatanggap ng gawad.

Mga tumanggap

baguhin

Mga opisyal na pantagapagpaganap ng palakasan sa Ika-12 ng Pagpupulong ng IOC, Moskow, 12 Hulyo 2001:[2]

Mga manlalaro, sa Museong Olimpiko sa Lausanne, 21 Hulyo 2011:[1]

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Canadian Sport News Online". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-27. Nakuha noong 2008-09-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-09-27 sa Wayback Machine.
  2. "12th IOC Session highlights". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-06-22. Nakuha noong 2008-09-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2006-05-12 sa Wayback Machine.