Si Indira Priyadarshini Gandhi (Hindi: इंदिरा प्रियदर्शिनी गांधी Indirā Priyadarśinī Gāndhī; née: Nehru; 19 Nobyembre 1917 - 31 Oktubre 1984) ay ang dating Punong Ministro ng Republika ng Indiya sa tatlong magkakasunod ng termino mula 1966 hanggang 1977 at ang ika-apat na termino mula 1980 hanggang sa kanyang pagpaslang noong 1984, sa kabuuang labing-limang taon. Siya ang una at nag-iisang babaeng Punong Ministro. Noong 1999, binoto siya bilang pinakadakilang babae sa na nakaraang 1000 taon sa isang botohan na ginawa ng balitang BBC. Nilagpasan niya ang iba pang mga kilalang mga babae katulad nina Reyna Elizabeth I ng Inglatera, Marie Curie at Mother Teresa.[1].

Indira Gandhi
Ika-lima at ika-walong Punong Ministro ng Indiya
Nasa puwesto
24 Enero 1966 – 24 Marso 1977
PanguloSarvepalli Radhakrishnan, Zakir Hussain, Varahagiri Venkata Giri, at Fakhruddin Ali Ahmed
Nakaraang sinundanGulzarilal Nanda
Sinundan niMorarji Desai
Nasa puwesto
15 Enero 1980 – 31 Oktubre 1984
PanguloNeelam Sanjiva Reddy
Giani Zail Singh
Nakaraang sinundanChoudhary Charan Singh
Sinundan niRajiv Gandhi
Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Indiya
Nasa puwesto
9 Marso 1984 – 31 Oktubre 1984
Nakaraang sinundanP. V. Narasimha Rao
Sinundan niRajiv Gandhi
Nasa puwesto
22 Agosto 1967 – 14 Marso 1969
Nakaraang sinundanMahommedali Currim Chagla
Sinundan niDinesh Singh
Ministro ng Pananalapi ng Indiya
Nasa puwesto
26 Enero 1970 – 29 Abril 1971
Nakaraang sinundanMorarji Desai
Sinundan niYashwantrao Chavan
Pangulo ng Pambansang Kongreso ng Indiya
Nasa puwesto
1959 – 1959
1978 – 1984
Nakaraang sinundanU N Dhebar
Dev Kant Baruah
Sinundan niNeelam Sanjiva Reddy
Rajiv Gandhi
Personal na detalye
Isinilang19 Nobyembre 1917(1917-11-19)
Allahabad, Pinag-isang Lalawigan, Indiyang Briton
Yumao31 Oktobre 1984(1984-10-31) (edad 66)
New Delhi, Indiya
KabansaanIndiyano
Partidong pampolitikaPambansang Kongreso ng Indiya (Indian National Congress)
AsawaFeroze Gandhi
AnakRajiv Gandhi at Sanjay Gandhi
Batang Indira Nehru at Mahatma Gandhi, sa panahon ng isa sa kanyang pag-aayuno

Ipinanganak sa maimpluwensiyang politikang dinastiyang Nehru, lumaki siya sa isang matinding kapaligirang mapolitika. Sa kabila ng kaparehong huling pangalan, wala siya relasyong sa estadista si Mohandas Gandhi. Isang prominanteng nasyonalistang pinuno ang kanyang lolo si Motilal Nehru. Samantalang isang mahalagang pigura sa kilusang kalayaan ng Indiya at unang Punong Ministro ng Malayang Indiya ang kanyang ama na si Jawaharlal Nehru. Pagkatapos bumalik sa India mula sa Pamantasan ng Oxford noong 1941, sinangkot niya ang sarili sa kilusan ng Pagpapalaya sa India.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Indira Gandhi 'greatest woman'". bbc.co.uk. Nakuha noong 2008-12-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)