Organolohiya
Sa larangan ng musika, ang organolohiya (mula sa Griyegong: ὄργανον - organon, "instrumento" at λόγος - logos, "pag-aaral") ay ang pang-akademikong pag-aaral ng mga instrumentong pangtugtog. Ito ang agham ng mga pangtugtog na kagamitan at ng kanilang klasipikasyon o pag-uuri.[1]. Sinasaklawan nito ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga instrumentong panggawa ng musika, ng mga instrumentong pangmusika ginagamit sa iba't ibang mga kultura o kalinangang, mga aspetong teknikal kung paano nakalilikha ng tunog ang mga instrumento, at klasipikasyon ng mga instrumentong musikal. May pagkakasapin-sapin ang mga larangan ng organolohiya, akustiks, at etnomusikolohiya, na mga kabahaging pangkat ng musikolohiya.
- May kaugnayan ito sa musika, para sa may kaugnayan sa anatomiya pumunta sa Organolohiya (anatomiya).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Organology Naka-arkibo 2008-12-05 sa Wayback Machine., Music.vt.edu
Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.