Sentrong Ortigas
Ang Lundayang Ortigas o Sentrong Ortigas (Ingles: Ortigas Center) ay isa sa pinakamahalagang distritong pangkalakalan pagkatapos ng Lungsod ng Makati. Matatagpuan ito sa pagitan ng Lungsod ng Quezon, Lungsod ng Mandaluyong, at Lungsod ng Pasig. Matatagpuan din dito ang ilang pampublikong pamilihan tulad ng SM Megamall at Liwasang San Francisco. Sentro ng panghalina ang karamihan sa lugar na nasasakupan nito at may ilang pook palatandaan katulad ng Kambal na Toreng BSA at SM Megamall. Kilala ito dahil sa lokasyon nito sa pagitan ng tatlong lungsod at dinadaluyan ng EDSA.
Maraming naglalakihang gusali ang itinayo sa sakop nitong lupain upang magkalakal o magnegosyo at magkaroon ng masinop na lokasyon para sa isang opisina.
Panlabas na kawing
baguhin- Websayt ng Lundayang Ortigas Naka-arkibo 2022-03-10 sa Wayback Machine. - nagpapahayag ng mga tungkol sa Lundayang Ortigas at mga kaganapan dito.
Mga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.