Kilyawan
(Idinirekta mula sa Oryol)
- Tungkol ito sa pamilya ng mga ibon ng Matandang Mundo. Para sa mga kilyawan ng mga Amerika, pumunta sa kilyawan ng Bagong Mundo.
Ang kilyawan[1] ay isang ibon sa pamilyang Oriolidae. Sila ang bumubuo sa saring Oriolus. Matatagpuan ang mga kilyawan sa mga pook sa Aprika, Asya, at Europa. Kalimitan silang natatagpuan sa mga lugar na tropikal, subalit may isang uring namumuhay sa mas malalamig na mga pook. Tanging ang ginintuang kilyawan lamang ang uri ng kilyawan ng Lumang Mundo na hindi isang ibong pangtropiko.
Oriolidae | |
---|---|
Kilyawan | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Suborden: | |
Pamilya: | Oriolidae Vigors, 1825
|
Mga sari | |
Mayroong makikintaba na mga balahibo ang mga kilyawan. Wala silang kaugnayan sa kilyawan ng Bagong Mundo. Kasapi ang mga kilyawan ng Bagong Mundo sa pamilyang Icteridae na katutubo sa mga Amerika.
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.