Osorkon I
Si Osorkon I ang ikalawang paraon ng Ikadalawampu't dalawang Dinastiya ng Ehipto at naghari noong mga 922 BCE hanggang 887 BCE. Kanyang hinalinhan ang kanyang amang si Shoshenq I. Ang paghahari ni Osorkon I ay alam para sa maraming mga proyektong pagtatayo ng templo at isang matagal at mayabong na panahon ng kasaysayan ng Ehipto. Ang kanyang pinakamataas na alam na petsa ay isang inskripsiyong Taong 33 ikalawang Heb Sed na natagpuan sa bendahe ng mummy ni Nakhtefmut's na may pulseras na sinulatan ng prenomen ni Osorkon I na Sekhemkheperre. Ang petsang ito ay tanging nabibilang kay Osorkon I dahil walang ibang maagang ika-22 dinastiyang hari na naghari sa malapit sa 30 taon hanggang sa panahon ni Osorkon II. Ang ibang mga lino ng mummy na kabilang sa kanyang paghahari ay kinabibilangan ng tatlong mga hiwalay na bendahe na may petsa sa kanyang mga taong paghahari ng 11,12 at 23 sa mummy ni Khonsmaakheru sa Berlin. Ang mga bendahe ay anonimosong pinetsahan ngunit depinidong kabilang sa kanyang paghahari dahil si Khonsmaakheru ay nagsuot ng mga bandang katad na naglalaman ng isang menat-tab na nagpapangalan kay Osorkon I.[1] Ikalawa, walang ibang hari na naghari sa tinatayang paghahari ni Osorkon I ay may ika-23 taong paghahari kabilang si Shoshenq I na namatay bago ang pagsisimula ng kanyang taong 22.
Osorkon I | |
---|---|
Pharaoh | |
Paghahari | 922–887 BCE (22nd Dynasty) |
Hinalinhan | Shoshenq I |
Kahalili | Shoshenq II |
Konsorte | Maatkare B, Tashedkhonsu, Shepensopdet A |
Anak | Shoshenq C, Shoshenq II?, Iuwelot, Smendes III, Takelot I |
Ama | Shoshenq I |
Ina | Karomat A |
Namatay | 887 BCE |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Altenmüller, 2000