Si Usermaatre Setepenamun Osorkon II ang paraon[1] ng Ikadalawampu't dalawang Dinastiya ng Ehipto na hiwalay na rehimeng Meshwesh mga taong Berber na Libyan hari ng Sinaunang Ehipto at anak nina Takelot I at Reyna Kapes. Siya ay naghari sa Ehipto mula mga 872 BCE hanggang 837 BCE mula sa Tanis na kabisera ng dinastiyang ito. Pagkatapos halinhan ang kanyang ama sa trono, siya ay naharap sa isang pakikipagtunggaling pamumuno sa kanyang pinsang si haring Harsiese A na kumontrol ng parehong Thebes at Kanluraning Oasis ng Ehipto. Natakot si Osorkon sa seryosong hamon ng paghahari ni Harsiese sa kanyang autoridad ngunit nang mamatay si Harsiese noong 860 BCE, siniguro ni Osorkon II na ito ay hindi na mauulit sa pamamagitan ng paghirang ng kanyang anak na si Nimlot C bilang sumunod na Dakilang Saserdote ni Amun sa Thebes. Ito ay nagsama ng kanyang kapangyarihan sa Itaas na Ehipto at nangahulugang si Osorkon II ay namuno sa isang nagkakaisang Ehipto. Ang paghahari ni Osorkon II ay isang panahon ng malakihang pagtatayo ng mga monumento at kasaganaan sa Ehipto. Ayon sa kamakailang papel ni Karl Jansen-Winkeln, si haring Harsiese A, at ang kanyang anak [..du] ay tanging mga ordinaryong saserdoe ni Amun sa halip sa mga Dakilang Saserdote ni Amun gaya ng nakaraang pinagpalagay. Ang inskripsiyon sa takip na Koptos para kay [..du] na anak ni Harsiese A ay hindi kailanman nagbigay sa kanya ng pamagat na Dakilang Saserdote. [2] Ito ay nagpapakitang ang Dakilang Saserdoteng Harsiese na naglingkod ay pinatutunayan ng estatwa CGC 42225 – na nagbabanggit sa Dakilang Saserdoteng ito at hayagang pinetsahan sa ilalim ni Osorkon II – ay katotohanan si Harsiese B. Ang Dakilang Saserdoteng Harsiese B ay nagsilbi kay Osorkon II sa mga huling niyang 3 taon ng paghahari. Ang estatwa ay inilaan ng Manunulat ng Liham sa Paraon Hor IX na isa sa pinakamakapangyarihang mga lalake sa kanyang panahon.[3] Gayunpaman, si Hor IX ay halos tiyak na nabuhay sa wakas ng paghahari ni Osorkon II dahil ang kanyang mga katangian sa Templong J sa Karnak ay itinayong huli sa paghahari ng paraon kasama ng naglilingkod na Dakilang Saserdoteng si Takelot F(na anak ng Dakilang Saserdoteng Nimlot C at kaya ay apo ni Osorkon II). Si Hor IX ay kalaunang nagsilbi sa ilalim ng parehong sina Shoshenq III, Pedubast I at Shoshenq VI. Ito ay nangangahulugang ang Dakilang Saserdoteng Harsiese binanggit sa estatwang statue CGC 42225 ay dapat ang ikalawang Harsiese na si Harsiese B.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Osorkon (II) Usermaatre, Digital Egypt for Universities.
  2. Karl Jansen-Winkeln, "Historische Probleme Der 3. Zwischenzeit," JEA 81(1995), pp.129-149.
  3. David Aston, "Takeloth II: A King of the Theban 23rd Dynasty?," JEA 75(1989), p.152